Chapter 5

29K 1K 1K
                                    

Chapter 5

Lutang lang ang isip ko habang naglalakad papuntang University. Naiwan naman ang kapatid ko na pilit sinasagutan ang assignment n'ya sa science na hindi naman n'ya magawang masagutan.

Palibhasa puro kpop at korean drama ang laman ng utak. Mukhang naiinis pa rin s'ya sa 'kin dahil sa pinagawa ko sa kanyang dare.

Hindi na raw s'ya magawang tigilan ni Kuya Marcus. Kahit anong pagtulakan n'ya rito'y walang talab kasi kinukulit pa rin s'ya nito. Naparusahan pa sila ng Principal na ikinulong sa loob ng detention room.

Paano ba naman kasi kung saan-saang lugar naghahalikan ang dalawang 'yon. Pabebe pa ang kapatid ko... mukha namang sarap na sarap sa halik ni Kuya Marcus.

Tinamaan na talaga si Kuya Marcus sa kanya. Sobrang kinikilig na ako sa kanila kahit na hindi pa man silang dalawa. Gagawin ko talaga ang lahat para lang mangyari ang bagay na 'yon.

Na maging silang dalawa.

"Gennica!"

Hinanap ko kung saan nagmula ang boses na 'yon. Nakita ko ang tatlo na nakamasid sa lugar kung nasaan ako. Mukhang si Lianna ang tumawag sa 'kin na kasalukuyang kinakawayan ako.

Nandito na ako ngayon sa school. Sa sobrang lutang ko'y hindi ko na namalayan na nakarating na pala ako rito. Saka malapit lang naman talaga sa tinitirhan namin ang University na ito.

"Good morning..." I greeted.

'Yong dalawa lang ang ngumiti habang si Sapphire naman ay busangot ang mukha na para bang wala s'ya sa mood ngayon.

"Did you study?" tanong ni Tracey.

Kumunot naman ang noo ko sa kanyang sinabi. "Huh? May exam ba tayo ngayon?"

Nagtinginan ang tatlo sa bawat isa. "Hindi mo alam?" gulat na tanong ni Lianna.

I shook my head. Wala akong naaalala na may exam kami ngayon. Saka ang himbing nang tulog ko kahapon at sinabi naman nila na hindi um-attend ang mga teacher namin kaya papaanong may exam?

Pinigilan kong mapangiti nang maalala ang ginawa ko kahapon kay Josh. Ninakawan ko lang naman s'ya ng halik sa pisngi.

Sa sunod, sa mga labi na n'ya. Masarap kaya s'yang humalik?

"Stop it, Gennica!"

Hinawakan ko ang magkabila kong pisngi na sa tingin ko'y namumula na. Napatuwid naman ako sa pagkakatayo nang mapansin na nakataas na ang isang kilay nung tatlo habang nakamasid sa 'kin.

Mukhang nagtataka na sila sa reaksyon ko. Bakit kasi sobrang curious ako kung magaling ba s'yang humalik? Ano namang pakialam ko sa bagay na 'yon!

"Alright, nakalimutan pala naming sabihin sa 'yo kahapon na may exam tayo ngayon sa science at math." Napahampas sa noo si Tracey matapos sabihin 'yon.

Naiiling naman si Sapphire habang nahahalata sa mukha ni Lianna ang pangamba.

Hindi man nila sabihin. Alam ko ang nais nilang ipahiwatig. Mukhang nagpunta na naman sila sa club kagabi kaya hindi sila nakapag-aral.

Pero bakit ako ang aasahan nila? Ginagamit lang ba nila ako kaya nila ako sinasamahan?

Mabilis akong napailing. Ayokong isipin ang bagay na 'yon. Mukhang hindi naman sila ganung klase ng tao na kaya lang pinapakisamahan kasi may kailangan.

"Don't worry, ako na ang bahala sa inyo.. Meron pa namang time para makapag-aral ako..."

Sumilay na ang ngiti sa kanilang mga labi. Lumapit sa 'kin si Sapphire at niyakap n'ya ang aking braso.

Taming Love (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon