Chapter 21

19.4K 885 995
                                    

Dedicated to Audrey Aviona Segovia

Chapter 21

"Should I call him?"

Napahigpit ang hawak ko sa aking phone. Mariin din ang kagat ko sa aking pang-ibabang labi. Ilang oras na ba akong nakatulala sa screen?

Sa tingin ko'y malapit na sa kalahating oras. Hindi ko talaga alam kung tatawagan ko ba si Adrian para mapag-usapan ang tungkol sa aming dalawa.

Nakipaghiwalay na siya sa 'kin nang hindi ko man lang nalalaman. Naiinis pa rin ako sa ginawa ni Josh. Matagal ko na sanang alam kung hindi lang niya binura ang message ng lalaking iyon.

"Huwag na nga lang!"

Inis kong binato ang aking phone sa ibabaw ng kama. Napadako ang tingin ko sa hoodie ni Josh. Mabilis akong napailing at iniwas ang pansin doon.

Naiinis ako sa kaniya. Nang malaman ko ang bagay na iyon, mabilis akong umalis ng condo niya. Hindi ko na nagawa pang matikman ang niluto niya.

Naiwan ko rin iyong mga isda. Bahala siya kung anong gusto niyang gawin sa mga iyon. Kahit lutuin niya pa at ulamin. Gawin niya pang alaga, e.

"Anong nangyari sa 'yo? Bakit ganiyan ang mukha mo?"

Iniwas ko ang tingin sa kaniya. Umupo ako sa mesa habang busy naman siya sa pagluluto.

Bigla kong naalala si Josh. Bagay talaga silang dalawa. Pero syempre mas boto ako kay Kuya Marcus. Sila lang dalawa ang pwede sa isa't isa.

Akin si Josh, e.

"Tumawag na ba si Mom? Sobrang miss ko na siya."

Malakas akong napabuntong-hininga. Hindi na napapadalas pang tumawag si Mom na siguradong busy sa trabaho sa States.

Balak na rin sana nitong umuwi kung hindi lang dahil sa lumalaganap na virus. Nakakainis na ang covid na iyan.

"Hindi pa rin. Intindihin na lang natin, siguradong busy lang iyon sa kaniyang trabaho. Para rin naman iyon sa ating dalawa."

Napahalumbaba na lang ako sa kaniyang sinabi. Palaging ganoon ang sinasabi niya para lang pagaanin ang loob ko.

Pero nalulungkot talaga ako kasi miss ko na siya. Gusto ko na siyang muling mayakap.

"Ano pa nga ba? Mukhang tayo na lang talagang dalawa ang nagdadamayan."

Bumahid ang kalungkutan sa kaniyang mukha. Madalas man kaming mag-away, alam kong sobrang lambot pa rin ng puso niya.

Kahit kailan ay hindi niya nagawang banggitin si Dad. Sobra siyang nasaktan sa nangyari. Nasisiguro ko na galit ang nananalantay sa kaniya ngayon.

"Nandiyan pa naman si Lolo na hindi tayo magagawang iwanan."

Hinawakan niya ang balikat ko at marahan na pinisil. Napangiti naman ako nang maalala si Lolo. Hindi ko kakayanin na pati siya ay mawala sa piling namin.

"Okay, Gennica, relax. Huwag mo na lang silang pansinin para maging tahimik ang buhay mo."

Napahigpit ang hawak ko sa strap ng aking bag nang matanaw ang tatlong iyon. Masaya pa silang nag-uusap.

Hindi ko naman mapigilan na malungkot, na sana totoo na lang na naging parte ako ng pagkakaibigan nila para hindi ako nag-iisa.

"Gennica!"

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Sapphire. Nilingon ko naman sila na kasalukuyang na sa 'kin na ang kanilang atensyon.

"B-Bakit?"

Taming Love (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon