Chapter 20

20.9K 826 985
                                    

Dedicated to Grace Paniergo

Chapter 20

"Fuck! Ang dulas!"

Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko habang nakamasid sa kaniya. Tagaktak na ang pawis niya kaya hindi ko mapigilan na mapalunok.

Bakit kahit pagod na pagod na siya ay sobrang gwapo niya pa rin? Hindi man lang nabawasan kahit na naliligo na siya sa sariling pawis.

Parang ang sarap ipanligo ng kaniyang pawis. Humahalimuyak pa rin siya sa bango.

"F-Faster! Hawakan mo bilis! Oh god!"

Napaawang ang kaniyang bibig sa sinabi ko. Hindi ko naman inalis ang tingin sa magandang tanawin na nasa harapan ko.

Ang sarap niyang kuhanan ng litrato, bukod doon, sobrang sarap din niya. Napailing na lang ako sa naisip ko.

"Tangina..." he cursed.

Mariin akong napapikit. Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Basang-basa na rin ako ng sarili kong pawis. Siguradong mukha na akong dugyot sa paningin niya.

"Shit, ang dulas tal--"

"Anong magagawa ko? Basang basa na ako."

Napalunok siya sa sinabi ko. Mabilis din siyang umiwas ng tingin at muling ibinaling ang pansin sa mga isdang nasa lapag.

Sa sobrang malas ko'y hindi ko namalayan kanina na nabutas na pala ang plastic kaya natapos sa 'kin ang lahat ng tubig.

Ang tatlong tilapia naman ay nagtatalon na sa sahig habang habol na ang hininga. Para kaming tanga na hinuhuli ang isda sa sahig.

Mabuti na lang walang nakakakita sa amin pero alam kong kanina pa kami tinatawanan ng mga taong nasa likod ng CCTV.

"I got it!"

Dalawang tilapia na ang kaniyang hawak. Habang ang isa naman ay nagtatalon palayo sa amin.

"Oh my god! Iyong isang tilapia, lumalayo na!"

Tinuro ko iyong isa na malayo na sa amin. Mahina naman siyang napamura at naghanap sa paligid ng pwedeng paglagyan niyong dalawang tilapia na hawak niya.

Kinakabahan na ako para sa mga isda kasi baka malagutan na sila ng hininga lalo na't wala sila sa tubig.

"Ayon vase! Alisin mo ang laman! Ikaw na rin ang magbayad sa may-ari nitong building!"

Itinuro ko ang vase na mabilis niya namang nilapitan. Mabuti na lang fake ang halaman doon kaya walang butas sa ilalim. Inalis niya ang kaunting lupa at swerte naman na may dala siyang bottled water.

Wow! Sosyalin ang dalawang tilapiang iyon, naka mineral water pa.

"A-Anong nangyari sa kaniya?"

Hawak na niya iyong isa na mukhang wala nang buhay. Mabilis akong napailing kasi hindi pwedeng mamatay iyon.

Kahit papaano'y napamahal na rin sila sa 'kin.

"Buhay pa iyan... alam kong buhay pa. Napagod lang huminga."

"No, wala nang chance pang mabuhay ang isdang ito, matagal na nawala sa tubi—"

"CPR mo!" Napaawang ang kaniyang bibig sa sinabi ko.

Hinawakan ko naman ang magkabila niyang braso habang namumuo na ang luha sa aking mga mata.

"P-Please, Josh, kailangan niyang mabuhay. Naghihintay na iyong dalawa niyang kapatid, o baka magulang niya. Kung hindi man, mga boyfriend niya. Please, CPR mo!"

Taming Love (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon