Chapter 27

18.2K 821 1K
                                    

Dedicated to Criscel Joy Capillanes

Chapter 27

Gusto kong iumpog ang ulo ko sa pader. Kahit na nasasaktan pa rin ako, pinili ko pa talagang sumabay sa kanila. Para ano?

Para magising ako sa katotohanan na kailanman ay hindi niya ako magugustuhan. Mabuti na rin iyon para hindi na ako masaktan pa.

"Jos--- Kuya Josh?!"

I bit my lower lip. Napansin kong tumingin ang babaeng iyon gamit ang salamin sa unahan, kunot ang noo.

Nahahalata niya na ba na gusto ko si Josh? Mukhang wala na talaga akong maitatago pa sa kaniya. Siguradong gagawin niya ang lahat para malaman ang tungkol sa 'kin na hindi ko magawang sabihin sa kaniya.

Siguradong nasasaktan pa rin siya sa napanood niya kahapon. Na ipinagtulakan niya pa si Kuya Marcus kahit ang totoo'y mahal na niya talaga ito.

Hindi siya magiging masaya kung pilit niyang ipinagtatabuyan ang lalaking tinitibok ng puso niya.

"Yes?"

Tumingin siya sa 'kin gamit ang salamin sa unahan. Nanuyo ang lalamunan ko. Bakit parang mayroon na siyang ideya na gusto ko siya kahit na hindi naman ako umaamin sa kaniya?

Masyado na bang halata?

"Do you really love my sister?"

"Gennica!" suway sa 'kin ni Ate.

Hindi ko inalis ang tingin kay Josh. Napahigpit ang hawak ko sa aking palda sa tinanong ko sa kaniya. Alam ko na naman ang kasagutan pero bakit ko pa iyon itinanong sa kaniya?

Para ano? Para isampal talaga sa 'kin ang katotohanan? Oo na. Tanggap ko na. Pero masakit pa rin talaga.

"Of course, I love her. I really do. I'll do everything to make her happy..." Josh smiled.

Napatango na lang ako at nag-iwas ng tingin. Sapol, ah. Tusok ang puso ko sa katagang binitiwan niya. Hindi man lang nagawang umiwas.

"Sana all!"

Hindi ko na napigilan na sabihin iyon. Iniiwasan ko talagang mapatingin sa kapatid ko kasi mukhang nakakahalata na talaga siya. Siguradong hinihintay niya na ako mismo ang magsabi sa kaniya.

Ano bang dapat kong sabihin sa kaniya? Na gusto ko si Josh at patigilin na niya itong manligaw para lamang sa 'kin. Ganoon ba?

Paano nga kung ganoon? May pag-asa ba ako? Mukhang wala pa rin naman. Imposibleng magustuhan niya ako. Siguro nga'y nakababatang kapatid lang ang tingin niya sa 'kin.

Nakababatang kapatid na kung halikan ay wala nang bukas. Nakakainis.

"Saan ka pupunta?"

Napahinto ako sa paglalakad nang hawakan ng babaeng iyon ang braso ko. Mabilis ko naman siyang nilingon.

Akala ko'y makakatakas na ako sa kanila pero hindi pa rin pala. Mukhang balak pa nila akong ihatid.

"Papunta na sa room ko..."

"Ihahatid ka namin!"

Mabilis akong umiling. Sinasabi ko na nga ba't gusto pa akong ihatid kasi alam kong nag-aalala pa rin siya na ba kung ano na naman ang gawin niyang tatlo sa 'kin.

"Huwag na, ate, kaya ko naman ang sarili ko... saka baka may gagawin pa si Kuya Josh. Hindi naman ako kinder para ihatid pa."

Ibinaling ko ang pansin sa lalaking iyon. Nagtama ang tingin naming dalawa. Kanina niya pa ba ako tinitingnan?

Taming Love (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon