Chapter 47

17.5K 816 1.5K
                                    

Dedicated to Manuel Labay Artates

Chapter 47

Time flies so fast. Ngayon na ang graduation nila bilang senior high. Masaya ako para sa kanila pero hindi ko maiwasan na malungkot.

Kasi maiiwan na naman akong mag-isa. Sa tagal ng panahon na lumipas, wala pa rin akong naging kaibigan. Wala man lang nagtangka na kilalanin ako na para bang mayroon akong nakakahawang sakit.

Hindi ko alam pero natatakot akong maiwan. Pero wala akong magagawa, alangan namang itali ko sila sa 'kin lalo na si Josh.

Tutungtong na siya ng college pero undecided pa rin ang kukuhanin niyang course. Gusto niya talaga na engineering pero kailangan na naka-line up sa business ang kuhanin niya kasi iyon ang gusto ng kaniyang Dad.

I know, nahihirapan na siya sa kaniyang sitwasyon pero kahit anong kuhanin niya. Susuportahan ko pa rin siya. Mananatili ako sa tabi niya.

"Why are you crying? Hindi naman ikaw ang ga-graduate, ah."

Pinunasan ko ang luhang tumutulo mula sa aking mga mata. Maisip ko pa lang na hindi ko na makikita pa si Josh sa buong campus ay nasasaktan na ako.

Pero nangako naman siya na palagi niya akong ihahatid at susunduin. Saka mahaba pa naman daw ang bakasyon para magkasama kaming dalawa.

Magagawa ko na rin siyang ipakikila sa kanila. Yes, hindi pa rin nila alam ang tungkol sa aming dalawa. Hindi ko pa rin talaga masabi. Hindi rin naman ako kinukulit ni Josh tungkol sa bagay na iyon.

"Nasaan na ba ang dalawang iyon? Bakit hindi pa rin bumababa?!" Nagpapadyak na ako sa inis.

Kanina pa akong nag-aabang dito sa ibaba ng hagdan pero hindi pa rin sila bumaba. Nandito na si Kuya Marcus na siguradong sinasalakay na naman ang kapatid ko.

Kanina pa akong tinatawagan ni Dad kasi ang tagal daw dumating niyong dalawa sa school. Excited pa naman itong umakyat sa stage. Nakakalungkot lang at wala si Mom sa tabi namin ngayon.

I was wearing a white dress. Mayroong kaunting heels ang suot ko pang-ibaba. Hinayaan ko naman na nakalugay ang mahaba kong buhok na kinulot ko pa ang dulo. Of course, kailangan kong maging maganda.

Lalo na sa paningin ni Josh kahit na alam kong patay na patay na iyon sa 'kin ngayon.

"O sige! Maglandian na lang kayong dalawa, huwag na kayong gumaraduate!"

Aalis na sana ako nang marinig ko ang yabag ng heels ng babaeng iyon. Nakataas ang kilay kong nakamasid sa kanilang dalawa. Naka-akbay pa sa kaniya si Kuya Marcus.

"Tinatanong ni Dad kung magka-college pa ba kayo o mag-aasawa na?"

Palipat-lipat ko ang tingin ko sa kanilang dalawa. Ngumisi si Kuya Marcus.

"Colle—" he cut her off.

"Aasawahin na 'ko ng Ate mo," he winked at her.

Natigilan naman ang babaeng iyon at pinandilatan ng tingin ito. "Mag-asawa kang mag-isa mo!"

Umuna na ito sa amin kaya naiwan kami ni Kuya Marcus. Napailing na lang ako. Alam kong kinikilig ang babaeng iyon. Pabebe pa, kilig naman ang tumbong.

"Kailan mo sasabihin sa kapatid mo?"

Nilingon ko si Kuya Marcus na nakatingin na rin sa 'kin. "Magkakaroon ng celebration mamaya, 'di ba? Kasama ang family mo? Doon ko na sasabihin sa kanila ang tungkol sa amin ng kaibigan mo."

He nodded. Lumapit siya sa 'kin at mahinang tinapik ang balikat ko. Sinundan na niya ang kapatid ko.

Tahimik lang ako habang nasa biyahe habang sila'y patuloy sa paglalandian. Hinihili pa ako ng babaeng iyon kasi akala niya talaga'y single pa ako.

Taming Love (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon