Chapter 22

19.9K 946 927
                                    

Dedicated to Lovely Ann Almagro

Chapter 22

"Rhys..."

Kasalukuyan na niyang inilalagay ang helmet sa aking ulo habang nasa harapan ko siya. Nanatili akong nakaupo sa kaniyang motor bike. Sinigurado ko na talaga na hindi ako dudulas pa.

Hindi ko akalain na mangyayari ang bagay na iyon. Gusto ko tuloy iumpog ang ulo ko sa pader sa sobrang kahihiyan.

Nasa utak pa rin ang katagang sinabi niya. Anong ibig sabihin niyon? Malalim na ba ang nararamdaman niya sa 'kin? Hindi ko alam ang gagawin kung ganoon nga.

Napailing ako. "Don't move."

I bit my lower lip. Nakalimutan kong inilalagay nga pala niya ang helmet sa 'kin. Nakahinga ako nang maluwag nang matapos na niyang ilagay iyon.

Sumakay na siya habang nasa likuran ako. Dahil nakapalda ako, patagilid ang aking upo pero natatakot ako na baka lumipad iyon nang dahil sa hangin.

"Ayokong masilipan ka."

Bigla siyang may ipinatong na itim na jacket sa mga hita ko. Mukhang napansin niya na iyon ang iniisip ko. Nakahinga naman ako nang maluwag.

"Oh, my God!"

Magilis akong napakapit sa kaniya nang biglang umandar. Tumawa naman loko kaya kinurot ko ang bewang niya.

"Nakakatawa ka pa talaga, ha? Paano kung nahulog ako?! Anong gagawin mo?! Nakakainis—"

"Edi sasaluhin kita." Nilingon niya ako.

Kahit na naka-helmet na rin siya. Alam kong nakatingin siya sa 'kin. Napakurap naman ako ng ilang beses. Bakit parang iba ang ibig niyang sabihin?

"Ganito kasi ang tamang paraan para hindi ka mahulog."

Hinawakan niya ang isang kamay ko at iniyakap sa kaniya. Napalunok ako bigla. Hindi ko alam kung babawiin ko ba iyon pero nang biglang pinaandar niya ulit ay tuluyan na talaga akong napayakap sa kaniya.

Dalawang braso ko na ang nakayapos sa kaniya. Halos dumikit na rin ang mukha ko sa kaniyang likuran.

"Nakakainis ka! Ginagawa mo lang yata ito para mayakap kita!"

Mahina ko siyang hinampas. "Siguro nga," he chuckled.

Tuluyan na niyang pinaandar. Mas lalo akong napayakap sa kaniya. Hindi ko mapigilan na humanga sa kaniya kasi kaya niyang magmaneho ng ganito.

"Wow! Bakit tayo pinalabas nang wala man lang kahirap-hirap? Samantalang ako, nabigyan ko na ng chocolate ang mga guard pero hindi pa rin ako pinagbigyan na makalabas. Dinaig pa ang may-ari ng school sa sobrang higpit. Nakakainis!"

Hindi ko akalain na hindi kami haharangan ng guard. Pinagbuksan pa talaga kami ng gate.

"Paano kung sabihin ko sa 'yo na close kami ng mga guard sa school niyo? Minsan na rin silang nag-trabaho sa mansyon ni Lola."

Napatango na lang ako. Sakto lang ang kaniyang pagmamaneho na siguradong nag-iingat kasi kasama ako. Wala na rin akong takot na nararamdaman pa.

Alam kong hindi niya ako pababayaan.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko.

Halos ihiyaw ko iyon dahil sa ingay ng mga sasakyan. Idagdag pa sa suot naming helmet. "Hindi ko rin alam."

Napailing ako. Ang lakas ng loob na isama ako kung hindi naman alam kung saan kami tutungo. Ano iyon?

Nakasakay lang kami patungo sa kawalan? Mukhang okay lang din naman kung ganoon nga. Hindi ko akalain na masayang sumakay sa ganito.

Taming Love (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon