"P-Po?" Hindi ko siguradong sagot.



"Wala po si Trevor, sir." sagot ng iba ng tumingin sila paligid.



Nagulat naman ang lahat ng magtaas ng kamay si Hiro. Palihim akong napangiti pero mas ginalingan ko pa ang pag-arte. Nabahala naman ang teacher namin, at wala sa sariling tumango. Walang anu-ano'y tumayo si Hiro at agad na kinuha ang kamay ko.



"W-What? Nag holding hands sila?"



Dinig kong bulungan ng iba. Nagkatinginan naman kami ni Hiro at agarang lumabas ng pinto. They would never know and they won't remember a thing.



Nag-skipped classes kaming dalawa. Actually, this is the first time na nag-skip ako ng klase but it doesn't matter, Hiro is here with me.



Umakyat kami sa sky bridge at tinanaw lang ang magandang kalangitan. He makes my heart flutter like this, ayaw ko ng matapos.



"Hiro!" Binalingan ko siya ng tingin at tahimik naman niya akong nilingon.



Inayos ko ang pagkaka-rest ng mga braso ko sa railing at tinuon ang paningin sa kanya. Ganu'n din siya at diretsong nakatingin sa mukha ko.



"Let's go on a date?" Excited ko pang tanong at hindi maitago ang ngiti.



"D-Date?" Paglilinaw niya.



"Mmm." Tango ko kaagad at hinawakan ang mga kamay niya. "Let's see each other from now on."



Ngumiti si Hiro at tiningnan ang mga kamay ko na nakahawak sa kanya at sumagot, "Mmm, Alora."




Two days has passed, ni-mark ko pa sa calendar ko ang araw na 'to. Walang pasok, pero maaga akong gumising, at pumili ng damit na susuutin. Today is our date, ang totoo nag-alangan ako kung ako mismo ang mag-aaya noon sa kanya, I can't help it. My heart spoke through my lips.



Naka-light brown pleaded skirt ako at white top na pinatungan ko rin ng light brown na cardigan. Naka-black boots ako at nagsuot ng white earrings. I am ready to go!



Nagmamadali akong bumaba at tumungo sa kusina nang marinig kong maingay, siguro ay nagluluto pa si Daddy ng umagahan. Humalik ako sa kanya sa pisngi na ikinagulat niya.



"Ang aga mo naman nagising?" Tanong ni Dad at tiningnan ang kabuuan ko. "Oh? Saan pupunta ang prinsesa ko at nakabihis ng maganda?" Binitawan niya ang hawak na spatula at nailahad ang dalawang braso.



"I am going on a date." Kunwari ay nahihiya-hiya pa ako, magkahawak ang dalawang kamay ay napayuko ako.



Pinagtawanan lang ako ni Dad bago tuluyang magsalita, "O, sige. Mag-ingat kayong dalawa ni Trevor ah?"



"Psh," ungot ko. "Hindi po si Trevor, Dad. Si Hiro..." Pagpapakilala ko sa kanya.



He never met Hiro, and I think would never be, for now. Better na kahit man lang pangalan ni Hiro mabanggit ko kay daddy. Nginitian pa ako daddy at saka ako nagtuloy-tuloy sa paglabas.



Walang tao sa school at malaya akong pumasok sa loob ng gate. Agad na hinahanap ko sa paligid si Hiro habang naglalakad sa loob ng campus. Maaliwalas ang panahon, mataas na ang sikat ng araw pero malamig naman ang hangin.



Sa paglalakad ko ay huminto ako sa matandang puno na nasa kalagitnaan ng open space. Hinarangan ko rin ng palad ko ang sikat ng araw na tumatama sa mata ko.


May naramdaman akong presensya sa likod ko. Naibaba ko ang kamay ko at saka lumingon, bumungad sa akin ang nakangiting si Hiro. He is always gentle and heart-warming. Simple lang din ang hitsura niya pero para sa'kin malakas na ang dating niya kahit naka-pullover lang siya at pants.



Sinagi ko ang katawan ko sa kanya at saka palihim na kinilig, "Nakakainis ka! Bakit bigla ka nalang sumusulpot sa kung saan?"



"Nahanap kita ulit," he said while parting his lips. I don't why I'm so focused on his lips today.



Nagkunwari akong makati ang lalamunan, at nabalot kami ng sandaling katahimikan, "So, ano nang gagawin natin ngayon?" Iniba ko ang topic para hindi kami magkaroon ng awkwardness.



Nilibot namin ang buong school buildings, at sinubukan ang iba't-ibang instruments and equipments. We also taking pictures non-stop. Naging instant photographer ko tuloy si Hiro ng wala sa oras.



"Patingin nga ako," saad ko at kinuha ang phone ko sa kamay ni Hiro. Nadismaya ako ng kaunti ng mga makita ang mga kuha ni Hiro. "Hmmp! Bakit ang pangit ng kuha mo?" Nagtatampong ani ko at nag-crossed arms.



"Hmm? Ang ganda mo nga dyan." Tiningnan niya rin ang mga pictures sa phone ko.



"Psh. Yes, yes. For you, I am pretty kahit pangit ng anggulo ko." Bahagyang naningkit ang mata ko at nauna ng maglakad.




We do and tried different things together. I am very happy, he is now with me, making me laugh and making me feel loved.




TO BE CONTINUED...

Look, I found you (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now