"Oh, edi people will really think you are flirting---"

"Wait! Wait! Just because I laugh and smile at them kapag nakikipag-usap ako nakikipagflirt na ako?! Ano ba dapat gawin ko? Should I cry while I offer help or food or while talking to them?" I said.

"Hindi, gagi 'to," sabi niya. "Wala ka nang magagawa diyan. That's just what you are and people misunderstood your kindness for flirting."

"Tangina ha? Kapag ngumingiti naman ako napapangitan ako sa sarili ko. Gago ka. Do you see my teeth? They are one teeth apart!" sabi ko.

"One teeth apart nga but you look so cute kaya when you smile genuinely kasi nawawala ang mga mata mo," sabi niya. "At ang tawa mo pa ang problema. Ang landi mo kaya tumawa!"

"Hoy putangina mo, Jack! Ganito lang ako tumawa eh. Anong gagawin ko?" tanong ko sa kaniya. He just shrugged.

"Tanggapin mo na lang ang katotohanan na your body language is often misunderstood and people think you are flirting with them when you are just being friendly," sabi niya.

"Ay, ayoko," I said and pouted like a child. "Nakikipagkaibigan lang naman ako eh. You know I am not looking for someone right now."

"Weeh? Hindi nga?" tanong niya. "Ilan na naman ang kachat mo?"

"Wala," sabi ko sa kaniya pero agad namang binawi ng tiningnan niya ako na para bang hindi naniniwala sa sinabi ko. "Isa!"

"Tingnan mo na?" he said. I saw him puffed the smoke in his cigarette.

"Okay, I can explain about that," sabi ko. "He's an american. Nireto ng pinsan ko. Naghahanap ng pinay."

"Pero?" he said.

"You know I don't initiate and carry the conversation not unless I'm so at ease with you, Jack," sabi ko sa kaniya. "Isa pa, he's 54 years old! Tangina, Jack! Imagine? More than double sa age ko. Alam mo naman na hindi ako pumapatol sa mga gurang and I'm not that practical. I know if I would just flirt with this old man. Yayaman kami siyempre pero hindi kaya ng konsensiya ko na may gamitin na ibang tao para umangat ako. I want to be married with someone I love. Not because I need his money."

"Pride mo 'yan!" sabi niya sa akin. I rolled my eyes at him.

"Hindi ah. It's one of my values," sabi ko. "I just don't like taking advantage of people pero nirereplyan ko na lang kasi nakakahiya naman sa pinsan ko."

"So, you're not messing with anyone online aside sa nireto ng pinsan mo?" tanong niya. Tumango ako.

"Oo nga!"

"Himala ah!" sabi niya.

"Grabe naman 'to kung makasabi ng himala," sabi ko sa kaniya. "Busy ako."

"Akala ko ba bored ka diyan sa quarantine facility?" tanong niya.

"Ay pasensiya na," sabi ko. "What I meant is that I just don't like to entertain anyone right now. Wala akong gana. Gusto ko yata ng Jollibee," sabi ko sa kaniya. Tumawa naman ito.

"Gaga, oo nga 'no? Walang wifi at food panda diyan. Himala yatang buhay ka pa?" tanong niya.

"Humihinga pa naman kahit papaano pero ang hirap, Jack!" sabi ko. "Imagine, I sometimes forgot na nagsasalita na pala ako ng Hiligaynon unconsciously. I really need to fix this habit. It's good to be finally home though."

He laughed loudly again.

"Wala na yung mga manyak na nanggugulo sa'yo?" tanong niya.

"Wala na. Lumabas na yung isa the other day and yesterday naman ang isa. My God! Nakakastress silang dalawa!" I said. "Alam mo bang yung isa nag insist na ako ang mag download ng mga music sa phone niya. Sinabihan ko nga magsubscribe sa Spotify pero siyempre joke lang. Nagdownload ako ng mga music pero pagpunta ko sa chrome niya. Doon ko na gustong ibato pabalik sa kaniya yung cellphone niya eh."

One-shot CompilationsWhere stories live. Discover now