CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY ONE

Start from the beginning
                                    

"Oh shit!Daming langgam!"

Sigawan at asar ng mga kateammate niya.Nagsalubong ang kilay ko nang makita ko si Gaio na ang lawak lawak ng ngiti,nang aasar.Nagbulungan din 'yong mga nakakita pero wala naman akong paki.Hinarap ko agad si Chad.

"Bakit ka nanghahalik?!"asar na tanong ko at sasampalin ko uli sana siya pero naharang niya ang kamay ko bago pa 'yon dumapo sa muka niya.

"You slap me,so i'll kiss you, we're both satisfied"saad niya at kumindat pa.

"Ulol!"

"What if,one cuss one kiss,one violent move one kiss,one pout one kiss rules?Huh?"

"Ano ka?!'wag ka ngang gumawa ng sarili mong rules!"singhal ko agad na kinatawa niya...mabibighani na sana ako kasi nakita ko siyang tumawa kaso naaasar ako kaya wag na.

"Makakaipon ako ng maraming halik pagnagkataon...Mahilig kang ngumuso eh at  magmura,Lalo na ang manakit."ngising saad niya.

"Ulolin ka na Chad?"

Hindi si Chad 'to,mukang may sumanib lang sakanya ngayong araw at may gana siyang mang---ano bang tawag sa ginagawa niya?tsk.Hindi ko alam!Basta abnormalistic.Abnormal na siya!.Ang awkward kaya!Lalo na 'yong nangyaring PDA kanina argh!Nakakainis.

Matapos ang mga practice nilang lahat at nagsama sama kaming lahat sa basketball court,mukang may plano sila at wala akong balak sumama kaya nagpaalam akong aalis na muna at hindi makakasama sa plano nila at late na makakauwi,hindi ko alam kung bakit ko sinabi 'yon pero nasabi ko eh,hindi pa sana nila ako papagayagan pero dumating si Kuya Ethan, sinabing kakausapin niya raw ako kaya ito ako ngayon nag iisa~~hahaha char nasa isang coffee shop kami ngayon malapit lang sa bahay namin.Magkaharap kami ngayon.Sure naman akong sesermonan niya ako dahil sa ginawa kong pagsapak sa pinakamamahal niyang si Resha!.

"Ano? Papagalitan mo ako?Simulan mo na ng matapos na"saad ko at sinimulang latakan ang slice of cake sa harap ko na kanina pa nakikiusap na kainin ko na raw siya.Tsk.Pesteng cake nang aakit.

Parang mas matamis pa 'yong labi ni Chad kaysa sa cake na 'to

Ano?Teka anong sinasabi ko?Argh!!Kainis.

"Why did you punch Resha?Huh?In front of me?"seryosong saad ni Kuya Ethan kaya nawala ang atensyon ko sa nasa isip ko.

"Bakit ba hindi mo makita na ang demunyita ng jowabels mo? Deserve niya 'tong kamao ko"sagot ko at pinakita ang nakayukom na kamao ko,mas lalo namang sumeryoso ang muka ni Kuya Ethan,Hayst ngayon na nga lang kami magkakausap ng ganito tapos aawayin niya ako?Huhuhu 'asan hustisya d'on?.

"Bakit mo sinuntok si Resha?sa harap ko pa talaga Angel,"trinanslate niya lang sa tagalog 'yong tanong niya kanina pero mas seryoso siya sa pagkakataong ito.

"Kung sasagutin ko ba ibrebreak mo siya?"tanong ko at pinagpatuloy ang pag kain sa cake na paubos na.

kalasa kasi ng labi ni Chad,JOKE lang hahaha.

"Angel,"nanunuway na tonong sambit niya sa pangalan ko kaya nawala uli ang atensyon ko sa nasa isip.

Napa what look ako at nakipagtitigan sa Kuya kong 'to pero ako rin ang unang sumuko at humugot ng malalim na hinga,hindi ko kasi malunok 'yong cake nakabara na sa lalamunan ko!.

"T-tubig!"mukang napansin ni Kuya Ethan na nabulunan na ako kaya mabilis na inabot saakin 'yong tubig na mabilis kong ininom.Nakahinga na ako ng maayos."Shuta!Inakit ako tapos bubulunan ako?King inang cake."sisi ko pa sa cake na wala namang kasalanan ako lang talaga 'tong matakaw.tsk."Kuya,wag mo ng kainin 'yang cake mo ah!Akin nalang para 'di ka rin mabulunan hihihi"Sabi ko at kinuha 'yong  platong naglalaman ng cake pero napabusangot ako ng binawi 'yon ni Kuya.

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldWhere stories live. Discover now