Chapter 6: Competition

130 2 0
                                    

Chapter 6: Competition

====================================

HELLO! :) Kumusta naman po ang lahat? Nakakatuwa naman pala magkaroon ng online readers kahit konti pa lang. Haha. Matagal ng pinapasubukan 'to kaya lang super jahe at mas gusto kong makarinig ng direct comments. Haha. 'Wag kayong mahiyang mag-comment para na rin alam ko kung ano ang saloobin niyo. Hehe. Paki promote na rin po kung nagustuhan niyo ang munti kong handog. BTW, here's CHAPTER 6.

====================================

Philip's POV

DRILL agad. First day pa lang namin sa workshop tapos ganito na agad? Pero, nakaka-excite din. Ako pa naman 'yung tipo ng tao na mahilig sa adventures. Kaya nung may nag-message sa'kin sa FB na kukunin daw ako bilang representative ng Pilipinas hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon. Medyo nakakailang nga lang kasi kailangan ko mag-English ng mag-English. Buti na lang hindi nagtagal at nagkaroon na rin ako ng partner.

Speaking of my partner, siya na yata ang pinaka-striking na babae na nakita ko dito sa Cosplay Department just after Alodia. Sobrang nakakaaliw siyang titigan at napakabait niya pang tao. Buti na lang talaga siya ang naging partner ko.

Okay na sana ang lahat nang isali pa nila sa grupo namin si Matt. Wala pa kasi siyang partner. Sayang talaga ang chance.

Pinabunot kami ng anime at ang nabunot ni Sari ay Vampire Knight. Sakto, gustong-gusto ko pa naman ang anime na 'yun. At dahil tatlo kami, kailangan namin gumawa ng confrontation scene between Zero, Yuuki and Kaname-ang sikat na love triangle ng anime na 'yun.

Agad-agad naming kinuha ang mga costume namin at nagbihis. Malamang nakahiwalay sa'min si Sari kaya nagkaroon kami ng kaunting pag-uusap ni Matt tungkol sa mga gagawin namin. Kaya lang, mayroon siyang topic na biglang in-open.

"Hey Philip," tawag niya habang inaayos ang buhok niya. Teka, wig lang pala 'yun. "Don't you think Sari is totally cute?"

Nagulat na lang ako sa tanong niya na 'yun. Ano bang ibig niyang sabihin?

"What do you mean?" Tanong ko. Eh nakaka-curious talaga eh.

Napangiti na lang siya bigla at umiling. "Nothing."

Hala. Ewan ko sa'yo, Matt.

"But, did you see the determination in her eyes when Miss Alodia said that there will be a drill? That was really awesome. I can't hide my admiration to her with what I saw."

Napatigil ako at napatingin kay Matt. Admiration daw? Ano naman sa'kin kung ina-admire niya si Sari? Pambihira naman. Bakit ganito nararamdaman ko?

"Don't steal my partner away from me."

Ayun lang at lumabas na ako ng dressing room ng boys. Hindi ko alam kung bakit sinabi ko 'yun. Naramdaman ko rin na umakyat ang dugo sa pisngi ko. Nakakahiya. Mukhang nagtaka rin si Matt sa sinabi ko. Haay! Makabili na nga lang muna ng icepop. Favorite ko 'to eh.

Nakita ko bigla si Sari sa may vending machine. Nakasuot na siya ng costume at bagay na bagay sa kaniya 'yung suot niya. Hindi niya kinailangan mag-wig dahil sakto naman ang buhok niya kay Yuuki na may short, layered, brown hair. Nandun lang siya at nakaupo sa tabi ng vending machine. Tulala.

"Sari." Tinawag ko siya kaya lang hindi man lang niya ako nilingon. Napabuntong hininga na lang ako at hinulog ang limang piso ko sa vending machine para makakuha na ng icepop.

Unreal Yet AuthenticWhere stories live. Discover now