Chapter 3: Surprise, Surprise and Surprise!!!

165 4 0
                                    

CHAPTER 3: Surprise, Surprise and Surprise!!!

                ANG daming tao. Ang gaganda nilang lahat. Ang gaganda nilang mga nilalang!

                Ehem. Narito pala ako ngayon sa Yumesaka Modeling Agency—Philippine Branch. Matt and Yoshiro brought me here to see the place and to convince me to represent the Philippines. Hindi pa rin kasi ako nagbibigay ng sagot. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Katuparan na ‘to ng pangarap ko pero hindi pa rin ma-digest ng isipan ko. I was not able to attend my class because of this!

                We are at the Cosplay Department at ooohhhh! Wala akong masabi. Grabe. It felt like paradise for me. There were costumes all aroud. Professional costumes to be exact! Iba-ibang lahi from Asia ang nandito. >,<

                “This is the workshop area.” Sabi ni Matt. “This is where we are trained.”

                “Sari-chan, I am going to introduce you to someone.” Hirit ni Yoshiro. May kasama siyang isang lalaki at isang babae. The girl took a bow. “She’s my partner. Her name is Miki.”

                “Yorushiku.” Bati ni Miki habang nakangiti ng oh-so-ganda!

                “And if you agree to be a representative, your partner will be this guy.” Tinignan ko ang lalaking kasama niya. Agad akong may napansin na sadya namang nakaka-attract--- his thick eyebrows. Nginitian niya ako kaya lang parang wala pa ring epekto.

                “Philip.” Matipid niyang pagpapakilala. Ang astig naman niyang tignan. Sabagay, lahat naman ng tao dito ay astig tignan.

                “Sari.” Makagaya lang ng paraan ng pagpapakilala.

                “I think you guys should talk a bit more.” Sabi ni Matt habang nakatingin sa akin. Bumaling siya kay Philip at mukhang may lihim na mensahe na pinapasa ang kaniyang mga mata.  Tumango lang si Philip. Sabi ko na nga ba…

                “Jaa, see you later.” Paalam ni Yoshiro at ni Miki. After that they left.

                “Siguro naman marunong ka magtagalog. Pilipino ka ‘di ba?”

                Napatingin ako kay Philip. He is smiling very cute like a bubbly anime boy. Oh my gosh!

                “Oo naman. Purong pinay yata ako.” Sagot ko.

                I saw sparkles in his eyes. Grabe. Para siyang aso na matagal ng naghihintay sa amo at ngayon ay sobrang saya dahil sa pagbabalik nito. Pwede ko na siyang iuwi sa bahay at gawing alaga dahil sa ka-cute-an niya. :)

                “Buti naman. Pagod na ako ng kaka-english dito. Tara, gusto mo i-tour kita? :)”

                AT the end, I accepted the offer. Makakatanggi ba ako? Chance na rin ‘to para iangat ang pamilya ko. Hindi naman basta-bastang modeling agency ang Yumesaka. Kilalang-kilala ito worldwide. Siguradong hindi ito scam.

                Mababait din ang tao dun lalo na si Philip. Saglit ko pa lang siya nakikilala pero magaan na ang loob ko sa kaniya. Dahil siguro transparent at tapat siyang tao. I would really love to go back at that place. Lalo na nang Makita ko kung gaano sila kasaya nung tinanggap ko ‘yung offer.

                Siguro nga maganda talaga ako. (evil laugh)

                Pumayag naman si Mama nung sinabi ko sa kanya. Alam niya naman na matagal ko ng gusto ‘to. Tinawagan ko rin agad si Papa at okay rin naman siya rito. They really are the best parents of this world.

Unreal Yet AuthenticKde žijí příběhy. Začni objevovat