I Mysterious Insects I

3.7K 141 28
                                    

Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!


KABANATA XLVI

Third Person's POV

Hector, along with his other co-neutral warlock doctors, just arrived back at their main office at the very top of the Institute of Medicine building. They saw Chief Fergus's back and greeted him instantly.

"Kamusta ang inyong pagpunta?" Puno ng lumanay na tanong nito sa kanila habang sinusuri ang hawak na botelya na naglalaman ng bagong eksperimentong gamot na kanilang pinag-aaralan.

Isang buntong hininga ang pinawalan ni Hector sa direksyon nito. Nagmwestra naman si Fergus sa dalawa pa nitong kasama na maaari na silang umalis. Naiwan naman si Hector na noon ay naupo na sa upuan sa harap ng mesa nito.

"Sa kabutihang palad ay naging maayos ang lagay ng dalaga, muntik na kaming mahuli sa pagsagip ng kanyang buhay dahil sa kaguluhang nangyari bago kami payagan ng mga ito na suriin ang dalaga." Pagod na usal nito.

Labis na ang lala ng kalagayan nito kanina ng datnan nila ito sa kwarto. Halos maubusan na ito ng dugo, nag-uumpisa ng manlamig at mag-kulay ube ang dulo ng mga daliri at paa nito. Mabuti na lamang at wala ng pumigil pa sa kanila na suriin ang dalaga ng sandaling makita ng mga ito ang seryosong sitwasyon na kinalalagyan nito.

"Looks like they haven't fully accepted all our help in that case," Kalmadong komento ni Fergus matapos mapakinggan ang buong pangyayari mula bibig ni Hector.

Matapos nilang sagipin ang naghihingalong buhay ng panganay niyang anak ay nanatiling masama ang tingin ni Alpha Douglas sa kanilang grupo. Kaya naman upang maiwasan ang muling pag umpisa ng gulo ay kaagad din silang namaalam.

"Also, my daughter gave me this—" Tahimik na inabot ni Hector ang isang maliit na botelya na naglalaman ng isang kakaibang uri ng insekto.

Kaagad na nabalot ng kunot ang noo ni Fergus habang minamasdan ang insekto sa loob ng botelyang iyon. Bakas ang pagkamangha sa mapanuring mata nito dahil iyon ang unang pagkakataon na nakakita sila ng ganoong klase ng insekto.

"Your daughter? What is she doing in the area?" Muling naibaling ni Fergus ang atensyon kay Hector at napansin ang mahinang pag iling ng ulo nito at nagpakawala ng buntong hininga.

"She has been assigned there by the Alpha—to spy on Alpha Douglas and any mysterious and unusual happenings in the pack's territory. That's when she found one of those insects swarming around the pack's crops and food storage." Mahabang paliwanag nito. Maging siya na ama ng dalaga ay hindi rin talaga magawang kalkulahin ang takbo ng isip ng anak.

"How does it feel?" Seryosong usal ni Fergus dito. Napakunot naman ang noo ni Hector sa direksyon ng kanilang pinuno.

"...to have a rebellious child? Not to mention she's a girl." Isang maliit na ngisi ang namuo sa labi nito bago ginagap ang hawakan ng botelya upang bahagya iyong buksan at ilabas ang insektong nakakulong sa loob niyon.

Isang buntong hininga ang muling pinakawalan ni Hector dahil sa sinabi nito. Bata pa lang ang kanyang anak na si Nemya nang magkaroon ito ng interes sa mga delikadong bagay, doon din ito nag-umpisang magkaroon ng ibang opinyon sa lahat ng bagay na itinuturo niya dito.

"Kagaya din ng sakit sa ulong idinulot sayo ni prinsipe Yophiel pinuno." Wala sa sariling komento nito dahil kusang pumasok sa kanyang isip ang mga ala-alang iyon.

Nang mapuno ng katahimikan ang opisina at napansin niya ang matagal na pagka estatwa ni Fergus sa kinatatayuan nito ay napatikhim na lamang si Hector.

The past is in the past now and chief Fergus is the type of leader who despises people who disobey him and opposes his idea.

MY CURSED MATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon