CHAPTER 16

454 18 0
                                    

"Bakit ang uunti yata ng mga pumapasok para kumain?"










Mula sa may pintuan ng kusina pinagmasdan ni Cyra ang mga kumakain at pumapasok palang sa cafeteria upang kumain ng umagahan. Pansin niyang mas dumarami na rin ang lumalabas kaya kanina pa siya naguguluhan. This is not the usual day.










"May nangyayari ba?"










Are they in danger? Nagsimulang dapuan ng kaba ang kaniyang dibdib. Something is up. She went inside the kitchen again and motioned Aiza to come.









"Yes po, ma'am?"










"What's happening?"











Kita naman sa mukha ng babae na naguluhan ito sa kaniyang tanong. Cyra gave out a sigh before talking again, "I mean, bakit kakaunti lang ang mga kumakain ngayon? May nangyayari ba?"











Sandaling nag-isip ang kausap at ipinilig pa nito ang ulo. Samantala, dumako naman ang tingin niya sa loob ng kusina kung saan kakaunti pa rin ang mga nagtatrabaho dahil nagsiwalaan ito kanina. Karamiha'y lalaki ang natira.









"Ah!"










Cyra jolted and glared at the woman.










"Hehe, sorry po, ma'am."










"What was it?"










"Kasi po naalala ko na may-










"Omg! Ang gwapo-gwapo talaga ni Captain."










"Ulam lahat ng katawan, sis!"











"Tsk. Bakit ba kasi pumasok na tayo? Ang ganda-ganda ng pinapanood natin do'n."










Kusang tumaas ang mataray na kilay ni Cyra habang tinitingnan ang dalawang babaeng kakapasok lang at abala pa ang mga ito sa pinag-uusapan. Hindi niya napigilan ang mga paang humakbang patungo roon.










"Excuse me."










Natigilan naman ang dalawa saka alanganing ngumiti sa harap niya.










"Ma'am."










"Saan kayo galing?"











The girls looked at each other. They talked with their eyes on whose going to tell about the thing they just witnessed early in the morning.











"Do I have to ask the same question?"











"Ay, sorry po, ma'am. Kasi po galing kami sa labas."











"Ano'ng meron sa labas? You're on duty. Tingnan niyo ang mga katrabaho ninyong kanina pa may ginagawa and you two are hanging outside with what?"












"Eh, kasi ma'am ginagawa na naman kasi nila 'yong palagi nilang pustahan." Sabat naman ni Aiza










Lumipat ang tingin ni Cyra sa babae bago ito bumalik sa dalawa.











Dive DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon