CHAPTER 8

470 23 2
                                    

Sa labas nakahanay ang limang tao na kung saan hinihintay na lamang ang kukumpleto sa kanila. Kanina pa ang mga ito nabibilad sa initan sapagkat bawal pa silang pumasok hangga't wala ang huli nilang kasama. Kalalabas lang din lamang ni Ashen sinalubong naman siya ng dalawang sundalo.










"Captain, kulang pa po sila pero tapos na namin silang inspeksyunin pati na ang kanilang mga gamit."










Ashen examined the four men and one woman who was at the corner. He took a step closer to them who were a bit intimidated by his presence.










"Welcome to the Philippine Navy Vessel, I am Captain Ashen Andwesta and you can address me as Captain Andwesta, only. You were chosen and considered lucky for this opportunity. Ang kailangan niyo lang gawin dito ay kung ano lamang ang iniatas sa inyo, others, you must stay out of it. Oras na makialam kayo sa bagay na dapat hindi kayo sangkot, you have to leave right after that. Are we clear?"










"Yes, Sir."










Tumango naman si Ashen bago nabaling ang atensyon niya sa kumikinang na karagatan. Matayog ang sikat ng araw na naghahatid init sa kanilang mga balat ngunit dahil sanay na, hindi na nila iyon iniinda.










"Okay. We will give you papers later on at nakaukol doon ang mga lugar na dapat puntahan niyo lang sa loob ng barkong ito. Kung hindi kayo lalabag sa batas, hindi kayo mawawala rito. Sergeant." Dagdag na tawag nito sa sundalong nakatayo sa kaniyang likod.










"Captain."









"Samahan niyo na sila sa kanilang tutuluyan."










"Pero mukhang wala pa po si- sino nga ulit 'yon?" tanong pa nito sa isang kasama na napapakamot ulo na rin.










"It's okay. I will deal with her."










Muli, isang inis ang naramdaman ni Ashen dahil isa pa sa ayaw niya'y mga paimportanteng tao. He played his tounge inside his mouth and later on, he diverted to a soldier.








"Where's your telescope?"









Nangapa naman ang sundalo sa kaniyang katawan at nang may mahanap, agad niya itong inabot sa kanilang kapitan.









"Heto po, Sir."








"Salamat."









Umunahan ng lakad si Ashen hanggang sa makarating siya sa may railings at doon nakahawak ang isa niyang kamay habang ang isa'y naroon sa teleskopyo. Wala siyang nakikita na bangkang parating at isa lang ang ibig sabihin no'n.










"Captain, mukhang hindi po makakarating si Ms. Arevalo."










Binaba niya ang kaniyang teleskopyo saka tumingin sa katabing lalaki.










"Who informed you?"









"Nakabalik na po ang bangka natin at wala silang lulan na babae."









Ashen handed the telescope to the soldier and went inside the ship. He can't understand why he seemed so irritated at the moment and it can't be because of the woman.














Dive DeepWhere stories live. Discover now