Elope? Nagpapatanan siya sa akin?

"H-hindi mo na ako kailangan ligawan. I answer you now. But I can't just be your girlfriend. Itanan mo na lang ako," sabi pa niya.

"W-wait, tanan?" hindi makapaniwalang sabi ko.

Tumango naman siya at tila gustong maiyak.

"Erich, I think you don't know what your saying..."

"I know it."

"But we're both Christians. You are a worship leader and I am a pastor. Bawal ang tanan sa atin."

"Then what should I do?" She started to sob, which made my heart trouble. "N-nag-away kami ni Mommy dahil sa pinapakialaman na naman niya ako sa bawat desisyon ko sa buhay ko. N-naglayas ako, at ayaw ko nang bumalik pa sa amin," umiiyak na sabi niya. "So please, just take me away from her."

Natahimik ako at saglit na pinag-aralan ang mga sinasabi niya kahit tila hindi ako makapag-isip ng maayos ngayon.

I love her, but I am not just an ordinary man... I'm a pastor. Hindi pwede ang gusto niyang mangyari.

Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin at niyakap ako. "Please Neico..." she begged.

Hindi ako makapagsalita dahil nahihirapan ako... Nahihirapan akong magdesisyon. Ayaw kong magkamali. Baka pagsisihan ko habang-buhay.

I closed my eyes and secretly prayed, asking for God's help.

Lord, what should I do?

Hinayaan ko lang si Erich na umiyak sa akin habang yakap-yakap ako. Kalaunan, dinala ko siya sa sofa para maupo kami. Nanatili akong walang kibo, habang nanatili siya na yakap-yakap ako at umiiyak. I rubbed her back to comfort her. Alam ko ang pinagdadaanan niya dahil matagal na niyang inirereklamo sa akin ang mama niya. Palagi silang nag-aaway sa ano mang bagay. Pero, hindi naman tama na magpatanan siya sa akin dahil lang doon.

"Erich, alam mo na mahal kita... Pero hindi kasi pwede ang gusto mong mangyari," mahinahon na paliwanag ko sa kanya.

Humigpit ang yakap niya sa akin. "I let you marry me if that's what you want," alok pa niya na talagang ikinagulat ko. That was breath-taking.

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil ang tagal ko na ring nanliligaw sa kanya, pero medyo alanganin pa rin ang sitwasyon.

"I'll talk to your mom--"

"No need to," sabi niya at tumingala sa akin. Doon ko nakita ang maamo at maganda niyang mukha na basa ng luha niya.

"Erich, I will not marry you without the consent of your family," paliwanag ko. Ikakasira ko bilang pastor kapag pinakasalan ko siya na hindi ko kinausap nang maayos ang pamilya niya.

Napaiwas naman siya ng tingin at saka kumalas sa akin. Napatitig naman ako sa kanya.

"Ano man ang hindi ninyo pagkakaintindihan ng mommy mo ngayon, maaayos din 'yan. You don't need to rebel against her," pangaral ko sa kanya. I know that this is her weakness. Although she is a respected teacher at school, pagdating sa labas, isa lang siyang normal na babae na may sariling kahinaan. And I accept and understand those.

Against Our WillМесто, где живут истории. Откройте их для себя