Chapter 43

1K 13 1
                                    

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lamang ako dahil sa ingay ng aking cellphone.

Aiden's calling.

Sinagot ko iyon kahit wala pa ako sa wisyo.

"Savannah babe. Buti nasagot mo, ihahatid lang namin to si Isaac dyan lasing na lasing na"

Naglasing pa talaga sya ah. Naku! Lagot ka sakin

"Sige. Saan na kayo?" tanong ko habang papunta ng banyo. Kumuha na ako ng palanggana at nilagyan ng maligamgam na tubig para ipang-punas sa kanya.

"Dito na sa labas. Aakyat na lang namin dyan"

Ibinaba ko na ang tawag.

Humahanap ako ng pampalit nyang damit nang bumukas ang pinto at pumasok si Aiden at Lucas na akay akay ang walang malay na ata na si Zack

"Pucha ang bigat!" reklamo ni Aiden

"Laglag natin dyan sa kama! Sakit sa braso!"

Inilapag nila si Zack sa kama at pareho silang nagpunas ng pawis at umunat ng kamay.

"Ba't naglasing yan? Siraulo talaga" sabi ko

"Naparami lang talaga inom nyan nilang dalawa ni Red... Nagkakwentuhan pa"

Oh.

"Sige na, Savannah babe. Uwi na ko. Si Lucas na maghahatid kay Red-"

Agad syang binatukan ni Lucas.

"Gago! Ang bigat bigat din non! Tsaka iuuwi ko pa si Trish noh"

"Ulok!! Tulungan mo ako! Puro ka babae!" Nagbabangayan pa sila ng lumabas. Isinarado ko na ang pinto.

"Hmppp!! Asan asawa ko!" Lasing na sabi ni Zack. Nakapikit ito at nakakunot ang noo na akala mo may kaaway.

"S-saan Savannah ko!"

Tinanggal ko ang sapatos nya. Umupo ako sa tabi nya at hinawakan ang laylayan ng tshirt nya para hubarin pero agad nyang hinawi ang kamay ko

"Hmmm I have a wife"

Napangiti ako. Hinaplos ko ang mukha nya pero agad nya ring hinawi ang kamay ko.

"I have a c-child" he murmurred softly.Atleast he remembered what I said to him. I smiled once again.

"Zack, tumigil ka nga. Pupunasan kita" sabi ko.

Tumahimik sya saglit at dahan dahan nagmulat ng mga mapupungay nyang mata.

Agad nya akong hinapit sa dibdib nya. Niyakap nya ako kaya napapatong ako sakanya

"Heheheh ang ganda talaga ng misis ko"

"Zack!! Pupunasan kita."

Lumayo ako at umupo pero niyakap nya ang tyan ko habang nakahiga sya.

"You're drunk." sabi ko at pinunasan ang mukha nya ng bimpong basa.

"I-I'm not" mahina nyang sabi habang tatawa tawa. Lasing na talaga to.

"Tss." pagsusungit ko.

"Kiss mo ko" Tumawa ulit sya na parang baliw.

Hinubad ko na ang muscle shirt nya at agad ko na namang nakita ang abs nyang kumikinang sa pawis. Shit!!

Pinunasan ko iyon nang di tumitingin. Umuungol pa sya habang nakapikit. Bwisit! Lasing na talaga!

Tumayo ako para kuhain ang pamalit nya na hindi ko nakuha kanina pero agad syang umiling iling habang hawak ako sa braso

"Dont leave me! Dito ka lang!"

Chasing Desire (Complete)Where stories live. Discover now