Chapter 31

961 13 1
                                    

Sa sumunod na mga araw ay lagi lamang akong tulog. Totoo nga ang sinabi ng obgyn na mas magiging antukin ako.

"I brought blueberry cheesecake," bulong sakin ni Red kaya agad ako napabangon. He chuckled manly.

Isang mahanging hapon ngayon. Nililipad nang marahan ang mga sanga ng matatayog na puno na tanaw mula dito.

Mabuti at kahit maraming gusali dito, ay may kakaunti pa ring puno.

"Radcliff," banggit ko sa pangalan nya. Tiningnan nya ako at binigyan ako ng isang mainit na ngiti.

That's his first real name. Nickname nya lang pala ang Red.

"Come on, eat in the kitchen." pag-aya nya. Tumango ako.

Medyo nahihirapan na akong maglakad pero mas mainam nga raw na maglakad lakad dahil malapit na ako manganak.

"Aiden will come by later," sabi nya at pinaghila ako ng upuan.

Tinitigan ko sya. He's wearing a plain black shirt and pants.

"Why?" takang tanong nya. Inilagay nya ang isang slice ng blueberry cheesecake sa platito ko.

"You're always here..." I said slowly. "Wala ka bang... girlfriend?"

Mukha syang nagulat sa itinanong ko. He immediatley drink water and filled his cheeks with it kaya lumubo ang mga pisngi nya.

He looked so cute so I laugh.

"You are cute, Red" I said and cupped his fat cheeks. Nanlaki ang mga mata nya at nilunok ang tubig kaya lumiit ang pisngi nya.

Nagkatitigan kami sa ganoong posisyon. Looking at each other's eyes. My hands cupping his cheeks.

Swerte ang babaeng mamahalin nya kung ganoon. Sa akin pa lang, na kaibigan nya, grabe na sya magmalasakit. Paano pa kaya sa babaeng mamahalin nya sa romantikong paraan?

"Hello people-"

Pareho kaming napatalon at napaatras sa biglang pagpasok ni Aiden. Agad akong tumalikod kay Red.

Nagulat si Aiden at nakaawang pa ang bibig. Pero napalitan din yun agad ng isang nakakalokong ngisi.

Siniko nya si Red at humalakhak.

"Ayan ah? Nako nako talaga," sabi nito at tumawa pa lalo. Pabiro syang sinapak ni Red at tumayo.

"Siraulo," mahinang sabi ni Red.

Umupo ang ngingisi ngising si Aiden sa upuan at kumuha rin ng isang slice.

Inaasahan kong may ibabalita sakin si Aiden tungkol doon sa mansion pero wala. Desidido talaga silang wag sabihin sakin.

"Do you think we should go on a walk?" tanong ni Red habang nakadungaw sa bintana. "Walks are good for pregnancy. It'll help you on not having complications when you give birth."

Napatingin ako kay Aiden.

"His men are probably everywhere," sabi ni Aiden.

Suot suot ang malaking longsleeves ni Red at ang aking pants ay handa na kaming lumabas para maglakad lakad sa park.

I giggled while looking at the mirror.

"Come on, Sav" tawag sakin ni Red at sinuotan ako ng mask.

"Let's go on a coffee shop after" sabi ni Aiden at naunang lumabas. Sumunod ako pero agad nahawakan ni Red ang braso ko.

Taka ko syang nilingon. Nilolock nya ang pinto ng apartment.

"Stick to me," sabi nya. Tumango ako at hindi na nagpasaway. Hindi naman talaga ako mahilig magpasaway- kay Z... lang.

Chasing Desire (Complete)Where stories live. Discover now