Chapter 30

932 14 1
                                    

"You should lay down and sleep more. Mas mabils ka nang mapagod." Sabi sa akin ng privtate obgyn.

"It will only be a month and a half before you give birth," sabi nya habang nakangiti.

Ngumiti rin ako at tumango.

Wala na akong narinig pa tungkol kay Zack o kay Entice o kahit ano pa tungkol sa mansion.

Red and Aiden surely hides it from me. And I think it helps.

Hindi na ako masyadong stress at kahit malapit na ako manganak ay hindi na nagiging ganoon kalala ang mga pagsuka ko at iba pa.

I somehow miss Z---.. Ni ayokong banggitin ang pangalan nya. Nasasaktan ako at naaalala ang mga nangyari.

"I'll bring my whole team of nurses in the day you'll give birth. But don't worry, they won't speak up." she assured.

"Thank you very much. I'll send the full advanced payment in your bank accounts." sabi ni Red. Tumango ang obgyn at lumabas na.

Anyway, we already know the sex of my baby. It's a boy. Like what Z--- said.

Red locked the door and went to me. Umupo sya sa gilid ng kama.

Inilagay nya ang kamay nya sa tyan kong malaki na.

"Is it heavy already?" tanong nya.

Tumango ako at umupo. Kahit malaki na ang tyan ko, ay malaki rin ang espasyong nasasakop ng kamay nya dahil malaki ang kamay nya.

I looked at him.

"Thank you, Red. I love you," sabi ko. Pinamulahan sya at nanlaki ang mga mata.

What's wrong? I usually say I love you to my friends.

"May problema ba, Red?" tanong ko.

Binawi nya ang kamay nya mula sa tyan ko at tumalikod sakin. Lumapit ako sakanya at hinawakan ang likod nya. Para syang napapasong lumayo.

"H-hindi mo ba ako m-mahal?" nanliit ang boses ko.

Humarap sya sakin.

"N-namumula ka." sabi ko at hinawakan ang noo nya. Does he have a fever?

Marahan nyang ibinalik sakin ang kamay ko habang pinamumulahan pa rin sya.

Tumayo sya at marahas na bumuntong hininga.

"You can't just say what you said to me... Aatakihin ako sa puso sayo eh," sabi nito at lumabas ng kwarto.

Naiwan akong nakanganga at pinoproseso ang sinabi nya.

"Ano bang ibig nyang sabihin? Wala akong naintindihan," bulong ko sa sarili.

Umihip ang malamig na hangin ng nobyembre. Pinapanood ko ang mga tao at sasakyan sa ibaba. Ang iba ay nagdesesign ng mga puno bilang christmas tree. May mga nagdedesign ng building nila upang maging Christmas Theme.

They're all busy. Like normal people.

I don't feel like I'm normal.

It's like... I don't feel I belong here.

I don't know where I belong. I don't deserve Red's pure kindness. I don't deserve Z--- because he has his first family.

Hindi ko alam kung saan ba dapat ako. Basta, hindi dito yun. This is not my home.

"By any chance... did he notice that you two are hiding something from him?" tanong ko isang hapon habang nagtsa-tsaa kami.

"No." sagot ni Red. Tumango tango ako.

It's been what? 4 months?? or 5?? As in wala na talaga akong balita sakanya. At sakanila.

Binuksan nya ang tv at kaparehong balita noong nakaraang buwan ang bumungad

"Famous billionaire Isaac Sarcelles highers the reward price for the anyone who will bring him the girl in the picture. It's now 300 million. Contact the number you see in the screen-"

Agad iyong pinatay ni Red na para bang alam na nyang kahit saan pa nya ilipat na channel ay ganoon pa rin ang balita.

Napanganga ako. At kumunot ang noo. He's still not giving up.

Napansin ata ni Red na natigilan ako.

"This will be my last news about them I'll say to you." seryoso nyang sabi.

"Aiden and I don't hang around their mansion or Isaac anymore. Since he lost you, we barely talk so we both don't know much about what's happening there. Lucas doesn't know too. I just saw her... Entice is pregnant again."

Parang gumuho ang mundo ko sa narinig. Naibagsak ko ang tasang hawak ko na agad natapos sa hita ko.

Tumulo ang luha ko hindi dahil sa init nun kundi dahil sa balitang sinabi sa akin ni Red.

"Shit!" mura nya at agad kumuha ng tissue. Tahimik nya iyong pinunasan.

How can he do that?! Look for me an offer millions then he got her pregnant?!

Hindi sya nagsalita at walang kahirap hirap akong binuhat papuntang kwarto.

"Can you change?" mahina nyang tanong at binuksan ang closet.

Hindi ako sumagot at umiyak lang. I still can't move on. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako may pake sakanya.

Narinig ko ang ilang mura ni Red bago lumapit sakin hawak ang isang komportableng bestida ng mga buntis.

"Can I change this?" marahan nyang tanong. Tumango lamang ako.

Dahan dahan nyang itinaas ang malaking tshirt na suot ko. Hindi naman ako nahihiya sakanya o ano. I'm just comfortable around Red.

Unlike Z--- na para akong hihimatayin kapag nasa paligid sya.

Nang tingalain ko si Red ay umiigting ang panga nito habang nakatingin sa dibdib ko. Iniling nya ang ulo saka pinasuot sakin ang hawak nyang damit.

Natulala na lamang ako.

"I'm sorry," he said while caressing my back. Umupo sya sa tabi ko.

I let out my soft little sobs hanggang sa mawalan na ako ng luha.

That bastard. Hinding hindi nya mahahawakan ang anak namin.

Chasing Desire (Complete)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant