Chapter 29

902 15 1
                                    

Months has passed. Nililibang ko ang sarili ko para hindi ko maisip ang si Zack. Mahirap syempre dahil nasanay na ako sakanya at namimiss ko sya.

May mga gabing umiiyak lang ako dahil naalala sya.

Pero pag naalala ko lahat ng ginawa nya at lahat ng sakit at luha ko dahil sakanya ay napapalitan ang kalungkutan ko ng galit.

Nang minsan ay dumating ang private obgyne, sinabi nyang humina raw ang kapit ng bata dahil sa napakalalang stress. Umiyak din ako nun at nangako sa sarili ko na ang baby ko na ang priority ko.

Mabuti at hindi nagsalita ang obygyne tungkol sa kinaroroonan ko.

Binigyan ako ng cellphone ni Red para raw hindi ako ma-bore dahil palagi akong mag-isa dito.

It's my 6th month of pregnancy. Minsan lang dito si Aiden pero si Red ay umuuwi dito araw araw. Gabi o kaya hapon. He brings me food and anything I'd like him to buy me.

Mag-isa ako ngayon at nakababad lang sa cellphone. Iniistalk ko ang instagram ni Zack. Ang huli nyang post ay yung pictures ko na ako pa ang nagpost. Wala nang iba pa.

I changed my username and made my account private.

Ibinalita rin na itinaas ni Zack ang reward prize sa makakapagsabi kung nasaan ako.

It's now 100 million.

Usap usapan sa internet ngayon ang tungkol sakin. Mayroon akong nakitang nagkakasundo pa na sabay sabay maghanap para raw maghati hati sila sa reward prize.

He really thinks I'm just a thing.

Naisip kong i-search ang account ni Entice.

I saw lots of pictures of her. Pero ang recent posts nya ay sina Zack at Yael.

She really looks happy and glowing. Ganoon ba kapag nasa masayang relasyon na?

Napapikit ako nang lumandas na naman ang luha sa pisngi ko. Nakakainis. It's been months but I still feel hurt and bitter.

Anyway, my pregnancy hormones are terrible. I can go from happy to sad real quick. From irritable to clingy in just seconds.

Bumukas ang pinto at nakita ko si Red na may dalang apples. Wala na kasi kamig stock dito.

Nagningning ang mga mata ko at agad tumakbo sakanya.

"Yay! Thanks!" sabi ko.

"Yeah.. Let me wash and slice them for you," sabi nya at dumiretso sa sink.

Tinitigan ko lang sya mula sa likod. I'm really thankful to him and Aiden. Si Lucas ay hindi ko alam kung alam nya bang andito ako.

I tiptoed and kissed him on his right cheek.

Nanlaki ang mga mata nya at naihulog pa ang isang apple na hawak nya.

"Thank you," I said. Hindi makapaniwala nya akong tiningnan. Namumula rin ang pisngi at tainga nya.

"D-Don't do it again." Iyon lamang ang sinabi nya at pinagpatuloy ang pagsslice ng apples.

Bakit ayaw nya? That was just a thankful kiss.

Tumango ako at naglagay ng suka sa isang bowl. Matapos ay inihulog nya ang sliced apples doon. Masaya akong kumain habang sya ay nakaupo lang.

"Si Lucas pala? Alam nya ba?" tanong ko. Inalok ko pa sya pero ayaw nya.

"Nope."

Tumango ulit ako.

"Can I go out?? K-kahit magsuot ako ng mga damit na makakapagtago ng itsura ko?"

"Savannah. Your pictures and posters are all over everywhere. Lahat ay desididong mahanap ka para sa pera- which I will never allow to happen."

Napayuko ako at tumango.

"I'll provide everything you need. Protect you at all cost. J-just don't go back to him."

I looked at him. He immediatley look away. Ngumiti ako at tumango.

"Thank you," Sabi ko. Naglakad ako papuntang veranda.

Maraming mga kotse at iba't ibang ilaw. Seeing this sight, makes me miss Zack.

Tumabi sa akin si Red at tumingin din ng tanawin.

"Ang ganda ng view dito, Red." Sabi ko. It's actually a bit awkward dahil nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin sya sakin.

"Yeah, it's pretty. So pretty."

Chasing Desire (Complete)Where stories live. Discover now