Chapter 42

1.1K 14 1
                                    

Iniwan muna namin si Ice kay Red at mukhang masaya pa silang dalawa. Close kasi talaga sila ni Aiden. Kahit na tinuruan nya ng katarantaduhan minsan.

Binuksan ni Zack ang pinto para sa akin. Nakita kong tinabig ni Red ang kamay ng isang nurse na inaayos ang pagkakahiga nya.

"Leave me alone!" singhal nya dito. Napaatras ako dahil ngayon ko lang narinig na ganon kagalit ang boses ni Red.

Hinawakan agad ako sa bewang ni Zack.

"S-sorry sir." Nagmamadaling lumabas ang takot na nurse. Tumalikod si Red.

"Red..." mahina kong tawag. Unti unti syang lumingon. Bahagya syang nagulat pero napalitan iyon ng lungkot nang makita kung sino ang nasa likod ko.

"Zack?" pagpapaalam ko dahil lalapit ako kay Red. Ewan. I just think his opinion matters to me the most.

Seryoso syang tumango at binitawan ang bewang ko. Dahan dahan akong lumapit. Umupo si Red. He have bruises and bandages.

"Savannah..." he called. Nilingon ko si Zack at seryoso syang pinapanood lahat ng galaw namin. Parang lawing nakabantay sakin

"I'm sorry, Red.." I said. Umiling iling sya at hinaplos ang pisngi ko.

"Red!" Inis na tawag ni Zack. Binitawan ako ni Red.

"Zack... pwede bang maiwan mo muna kami?" tanong ko.

"Ano? Bakit?! Anong gagawin nyo? Ayoko!" Pagalit nyang sabi.

Lumapit ako sakanya at hinaplos ang braso nya. Agad syang nagreact doon. Hinila ko muna sya palabas.

"Please? I just want to talk to him privately." sabi ko. Umiling ilingsya. May mga bagay lang akong gustong itanong kay Red.

"Ayoko, Savannah. Ayoko talaga"

"Please? Promise! Hindi kami magdidikit o kung ano pa man. Tsaka..." Ang leeg nya naman an hinaplos ko ngayon.

"Tsaka sa'yo naman ako eh." sabi ko at hinalikan ang pisngi nyang namumula ngayon dahil sa galit. Agad syang natigilan at mas lalo pang namula kasama na ang tainga nya.

"A-akin ka?" Tanong nya. Napangiti ako. Ang cute cute nya talaga.

"Oo naman. Kahit saan ako magpunta, sayo ako uuwi at babalik... Kaya sige na."

"Binobola mo naman ata ako eh,"

"Hindi ano ka ba! Sige na. Please?"

Wala syang nagawa kundi tumango at bumuntong hininga. Napangisi ako.

"Papasok ako after five minutes. Bawal ka hawakan!" sabi nya. Tumango ako at pumasok na.

"Red."

"Savannah, really, I'm okay. At ayos na rin kami ni Isaac." malamig nyang sabi.

Umupo ako sa gilid ng kama nya.

"M-mabuti kung ganoon. Gusto ko lang magpasalamat sa lahat lahat. Sa lahat ng tulong mo. Sa lahat ng perang nagastos at nasayang-"

"Hindi yun nasayang, Savannah. Para saiyo yun."

"T-thank you talaga... Hindi kita mabayaran pero gusto ko talagang magpasalamat at humingi ng tawad. Mahal kita..."

Natigilan sya at agad na humarap sa akin.

"What?!"

"Huh? Mahal kita sabi ko. Kayo ni Aiden. Mahal ko kayo dahil naging mabuti kayo sakin." sagot ko. Marahas syang bumuntong hininga.

"Then why do you love Isaac even he wasn't good to you? Ako.. I love you, Savannah. Not as a friend. I love you romantically"

Hindi na ako nagulat dahil nasabi nya na ito noong nakaraan. Umiling iling ako at umiyak. Naguiguilty ako. Hindi kita kayang mahalin tulad ng pagmamahal mo sakin.

Chasing Desire (Complete)Where stories live. Discover now