Chapter 15

908 17 1
                                    

I woke up with my head feeling dizzy. Nasa kwarto ko ako ngayon, wala rin sya.

Umupo muna ako dahil baka sa pagod lang ito. Maya maya pa'y nakaramdam ako ng kung ako sa tyan ko, dalidali akong pumunta sa banyo para sumuka.

I almost hug the bowl because I'm vomiting continuesly.

"Ah," Napahawak ako sa tyan ko. What is happening to me.

Nanghihina akong kumuha ng damit at tuwalya para maligo. Bumalik ako ulit sa banyo at ini-lock ito.

I removed all my clothes and looked into the mirror. My breasts looks bigger and when I touch it, it feels sore.

What is happening?

May sakit ba ako? Mamatay na ba ako?

A warm bath calmed me. Inaantok ako. Inaantok ulit ako.

I forced myself to stand up and get dressed. Maya maya ay may kumatok sa pinto ko.

"Miss Sen? Nasa loob ka ba?" Si manang.

"Opo," mahina kong sagot. "Saglit," Lumabas na ako.

"Oh? May sakit ka ba?" Alalang tanong nya

"Wala po. Pagod lang siguro kahapon,"

"Osiya sige. Gigisingin sana kita dahil oras na para sa almusal. Bilin ito ni sir."

"Ganoon po ba—" Napatakip muli ako sa bibig ko nang maramdaman ulit ang pakiramdam na iyon. It makes me want to puke.

Agad akong sumuka sa bowl. Ang sakit sa tyan... Wala pa man din akong nakakain ngayong umaga.

"Sen! Naku! Anong nangyayari!" Hinimas himas ni manang ang likod ko.

Nang matapos ay iniflash ko yun at dumretso ako sa sink para naghugas.

Nang mapatingin ako kay manang ay deretso at seryoso itong nakatingin sa akin.

Tiningnan nya ako mula ulo hangang paa.

"Sen... buntis ka ba?"

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong nya. Ako? Buntis?!

"Saglit, sa baba tayo magusap para makakain ka na"

Bumaba nga kami sa kusina kahit na feeling ko ay lumilipad ako dahil sa sama ng nararamdaman ko. Para akong may lagnat o ano pa man. My breasts feels heavier than before.

"kailan ba ang huli nyo ni sir?" tanong nya at inilapag ang gatas ko. Kumagat muna ako sa pancake bago sumagot,

"Last week po."

"Imposibleng mabuntis ka kung last week lang," sabi nya

"H-hindi lang po last week... Madalas din po noong n-nakaraang buwan" nahihiya kong sagot.

Impit na napatili si manang sa sagot ko.

"Buntis ka nga! Salamat sa Diyos! Masaya ko, Sen!"

"Manang! Hindi pa naman ako sure," saka natatakot ako kung totoo nga. Baka magbago ang turing sa akin ni Zack at mainis o magalit sya sa akin.

Baka isipin nya dagdag pa to sa gastusin. Ayoko namang gustuhin nya ako dito para lamang sa anak namin kung saka-sakali..

"Ah basta! Sigurado akong buntis ka, hija! Eto't gagawan kita ng ginger juice. Mabuti ito sa mga nagbubuntis." Hindi ko na pinansin si manang at di na lang ako nagsalita pa.

Paano nga kung buntis ako? What should I do?!

Chasing Desire (Complete)Where stories live. Discover now