Chapter 27: Groupless

Start from the beginning
                                    

"Nag-away kayo ng ilan sa groupmates mo and they're isolating you?"

"No," napakagat pa siya sa labi niya. Nagsisinungaling siya. Sigurado ako.

"Alam kong bago palang nang maging magkaibigan tayo at hindi ako kasing close nila Hailey sa'yo. Kaya siguro ayaw mong sabihin."

I didn't mean what I've said. Reversed psychology lang. Sana gumana.

"Uy, it's not like that. I may have known them longer but I trust you as much as I trust them."

Hindi ako sumagot at nagpanggap na lalabas na pero hinawakan niya ako sa braso at nagsalita, "We're groupmates." Groupmates?

Hinayaan kong mag sink in ang sinabi niya pero hindi ko maintindihan. Paanong naging?

"You're groupless. So am I."

Nanlaki ang mata ko at napatingin sa kaniya. Naspeechless ako sandali sa narinig ko at nang makabawi ay niliitan ko siya ng tingin. Baka nanggugoodtime lang 'to.

"What? Do I look like I'm joking?"

"Oo."

Napabuntong hininga siya, "First, you knew something's wrong. That's why you tried to talk to me even we're at school. Second, do you think I'll still be here if I'm just joking?" Sabagay. May punto siya.

"Alam na ba nila?"

Umiling siya, "Please don't tell the others about this. Lalo na kay Nate. Knowing him, once malaman niya, I know he'll do the same. Ayoko naman mangyari 'yun. I don't want the rule to be fucked up. It's enough na dalawa na lang tayong walang group. 

“Imposible ‘yan, Piper. Malalaman at malalaman nila na umalis ka na sa grupo mo. Kung ako nga nalaman ko. Medyo halata. Instead na kasama mo ang ibang kagrupo mo, ngayon mag-isa ka na lang.”

“Malaking gulo if ever they’ll leave their group.”

“Sana naisip mo ‘yan bago ka umalis ng grupo ‘di ba?”

Sinamaan niya ako ng tingin at napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya. Sinasabi ko lang naman ang opinyon ko.

“Bakit ka nga pala umalis?”

“Can I eat first? I’m so hungry na kaya.”

“Sabay na ako.”

“What?!”

Again, tinaasan ko siya ng kilay. Kung magsasama kami, wala naman akong lalabagin na rule. Wala na rin siya. Nainform naman ako na bawal makipag-usap sa ibang grupo pero hindi sa ibang wala rin kagrupo.

“Nate and others will know if – “

“Ang akala ko dati wala kang pakialam sa sinasabi ng iba? Ano na bang nangyari?”

“I don’t care what they think. I don’t care what they say. Kaya lang I care about sa action na gagawin nila Hailey once malaman nila na I don’t belong to any group anymore.”

The Trouble with the RuleWhere stories live. Discover now