ONE

40 2 0
                                    

"Ely!"

Napatigil ako sa paglalakad ng marinig kong may tumawag sa akin...

Ako si Elysia Hernandez, isang senior highschool student at ito ang kwento ng buhay ko.

"Oh Jane, bakit?" Tanong ko ng makita ko si Jane na tumatakbo papalapit sakin

Jane Castro, kaibigan ko sya simula pa lang nung nag highschool ako. Sya yung tumutulong sakin kapag may problema ako o kapag nahihirapan ako sa ibang subjects ko. Mas matanda si Jane ng isang taon kesa sakin kaya tinuturing ko na rin syang parang nakakatandang kapatid.

"Uuwi ka na ba agad mamaya?"

"Hindi ko pa alam eh, bakit may kailangan ka ba?"

"Well, nagtext kase si Gail sakin kanina and she said she wants to meet you... You know Gail naman diba?" Tanong pa nya

"Gail? Yun ba yung bestfriend mo?"

"Yeah that's Gail, she said she wants to meet you, okay lang ba sayo yun?"

"Oo naman, walang kaso sakin yun, wala din naman akong gagawin sa bahay eh" sabi ko pa

"Nice... So pano, I'll just message you na lang okay?" Sabi pa nya sabay takbo pabalik sa classroom nya

Napailing na lang ako dahil sa kilos ni Jane, she may be older than me pero yung mga kilos nya mas bata kumpara sa edad nya, pero yun yung isa sa mga bagay na nagustuhan ko sakanya. Hindi sya takot ipakita kung ano talaga sya as a person at sobrang humahanga ako sakanya dahil don. Sana ganon din kalakas yung loob ko para ipakita yung totoong nararamdaman ko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad papasok sa classroom ko dahil malapit ng magring yung bell at malapit na rin pumasok yung mga adivers sa kanya-kanya nilang homerooms.

"Uyy Ely, kamusta?" Bungad na tanong sakin ni Josh pagka-upong pagkaupo ko sa upuan na katabi nang sakanya

Josh Alegre, isa sa mga kaibigan ko dito sa school. Hindi ko nga alam kung bakit naging magkasundo kami eh. Magkaibang magkaiba yung ugali namin, pero siguro tama nga yung sinasabi ng iba na mas maganda na ang kasundo mo ay yung kabaligtaran ng ugali mo dahil mas marami kayong matututunan sa isa't isa.

"Ayos naman... Ikaw ba?" Balik na tanong ko naman sakanya pero magsasalita pa lang sana sya eh naunahan na sya ni Anne magsalita

"Para namang hindi kayo nagkita kahapon kung magkamustahan kayong dalawa..." Sabi pa nya kaya naman natawa na lang ako

Anne Pineda, girlfriend ni Josh, hindi kami magkasundo pero hindi din naman kami magka-away. Parang nagiging civil na lang kaminh dalawa sa isa't isa dahil kaibigan ko si Josh at boyfriend naman nya ito.

Sanay na ako sa ugali ni Anne na ganyan, yung bigla ka na lang nya babarahin dahil hindi nya gusto yung sinasabi mo, o kaya minsan naman bigla na lang syang maiinis sayo ng hindi mo alam yung dahilan. Nung una naguguluhan ako kung bakit ganun yung ugali nya pero habang patagal na patagal yung pagsasama namin naiintindihan ko na din yung ugali nya. Mabait si Anne sadyang hindi lang talaga sya mabilis magtiwala.

"Josh, yung girlfriend mo tinotoyo nanaman..." Sabi ko na lang habang pinipigilan tumawa

"Baliw, sige asarin mo pa..." Pananakot naman ni Josh at sabay kaming natawang dalawa

Natigil lang kami sa pag-aasaran ni Josh ng pumasok na sa room si Ms. Jimenez, ang homeroom teacher namin.

"Good morning everyone..." Bati ni Ms. Jimenez

Spring Day (ON-HOLD)Where stories live. Discover now