26

20.8K 631 49
                                    

"I hate you!" Inis na singhal niya sa binata.

"Hala, ano na naman ang ginawa ko, beh? " Nagtatakang tanong ni Heixon pero may aliw sa mata nito habang nakatingin sa reaksyon niya.

"Galit ka na naman, nagmumukha kang galit na egg." Masuyong sabi ng binata na hindi niya alam kung nang-aasar o ano.

"Shut up!" Sa inis niya ay tinalikuran niya ito. Pero nahagip lang ng tingin niya ang isang babae na papalapit sa kanila.

"Heixon!" Nakangiting tawag ni Ckim sa binata. Ngumiti ito sa kanya pero inirapan niya ng bonggang-bongga. Natawa ito sa ginawa niya sa pag-aakalang nagbibiro lang siya.

"Ang sungit naman ng kapatid mo." Malumanay na bati nito na halatang nagpapanggap lang. She knows her, she's a bitch!

Heixon chuckled tapos ginulo ang buhok niya. Sinamaan niya ito ng tingin at tinampal ang kamay nitong nasa ulo niya.

"No, she's not my sister. Hindi pwede."

"Y-you like her?" Nauutal na tanong ni Ckim. Halatang takot sa ano man ang magiging sagot ng binata.

"Why would I answer you?  Cleo will know first if I like her. Not you." Ani binata at umalis doon na hatak-hatak siya.

"Hey, tanda! Hindi na ako bata. I'm second year college na!" Naiinis na sambit niya kay Heixon dahil magpahanggang ngayon ay tila bata pa rin siyang ituring nito.

Tumigil sa paglalakad si Heixon at seryosong humarap sa kanya.

"B-bakit ba ganyan ka makatingin?!" Idinaan niya sa pagtataray ang naramdamang kaba sa kaseryosohan nito.

"I'm pissed."

"Huh?"

"Totoo ba ang sabi ni Ckim? She told me last night that you went to bar and have a date with a man. Specifically my friends, Heazen and Keil." Sabi nito na may halong diin sa pagsasalita.

Enemy's Trap (4th Gen #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum