3:6 Changes

178 12 13
                                    

Kinabukasan ay naisipan kong ibili ng collar si Orion pagkatapos ng klase kaya pagdating ng uwian ay naglakad na lang muna ako papuntang pet shop.

Pagdating ko sa petshop ay agad akong pumunta sa mga pet accessories para mahanap ng magandang collar para kay Orion. May dalawa akong nakitang collar na sa tingin ko ay bagay kay Orion: isang Collar na may pendant na silver star at isang collar na may pendant na gold ribbon. Medyo nahirapan akong mamili kaya matagal din akong nakatayo sa harap ng mga accessories—in the end, pinili ko rin yung may silver star pendant na collar.

Pagpunta ko sa may cashier para magbayad ay nagulat na lang ako nang makita ko si Unisse—siya pala yung cashier ng pet shop na 'to. Nagkatinginan na kaming dalawa kaya wala nang atrasan 'to.

"Oh Qwerty..."

"Ah hi Unisse magkano 'to?"

"Ah sandali lang ha?—Kuya Mario magkano yung cat collar na may star?—sandali lang ha? tatanong ko muna sa likod kung magkano yung collar."

Mukhang parang walang nangyari noong Nutrition Day ah. Mas maganda na sigurong ganito para walang problema—bakit ngayon ko lang kasi napansin si Unisse yan tuloy may part sa puso ko na nanghihinayang.

Habang hinihintay ko si Unisse ay nakita ko na papasok ng shop si Rence at sabi niya na susunduin niya si Niz.

Pagkasabi ni Rence ng Niz ay agad pumasok sa isip ko na yung Niz na tinutukoy niya ay si Unisse—sakto naman ang dating ni Unisse at gulat na gulat siya sa mga nakita niya—nagulat din si Rence dahil napansin niya na parang kilalang-kilala ko si Unisse kaya pinaliwanag ko na rin sa kanya.

"Bata pa lang kasi kami ay magkakilala na kami dahil sa yung parents namin ay mag-bestfriends since High School."

"Buti na lang pala hindi naging kayo ni Unisse noh? Narinig ko kasi sa kaibigan ko na hindi daw totoo ang bestfriends na opposite sex dahil ginagawa lang nilang dahilan ang friendship para maging sila—ang swerte ko talaga!"

Pagkatapos ng usapan na yun ay medyo dumidilim na kaya nagmamadali na ako dahil wala masyadong tao sa daanan pauwi sa amin.

Habang naglalakad ako ay napaisip ako sa mga nangyari—sabi ni Unisse ay sobrang mahal niya ako na handa niyang hiwalayan si Rence at si Rence naman ay sobrang mahal niya si Unisse na handa siyang ipagtanggol at masaktan para lang kay Unisse—dapat talaga wag ko nang paguluhin pa ang sitwasyon nilang dalawa.

Hindi ko napansin na nakalimutan ko yung collar ni Orion sa may petshop at kailangan kong bumalik.

Babalik na sana ako nang may makita akong tatlong lalake sa harapan ko. Kanina pa pala nila ako sinusundan. Nang medyo napansin ko na kung sino sila ay sila pala yung mga nambubog samin ni Rence—bakit sila nandito at bakit nila ako sinusundan?

"Hoy lampa! asaan si Rence!? May atraso pa sakin ang gago na yun! Pero... mukhang wala siya kaya ikaw na lang ang tumanggap ng message ko sa kanya."

Sabay suntok sakin. Bigla na ring nakisali sa paggulpi sakin yung dalawa niyang kasama. Pinilit kong lumaban, pero hindi ako makagalaw dahil hawak na ako nang isa sa kanila habang sige pa ring ang suntok at sipa nila sakin.

"Wag niyo siyang suntukin sa mukha para walang ebedensya."

Nawawalan na ako ng malay nang mga oras na yun. Para akong magko-collapse dahil sa sakit ng mga suntok at sipa na binuhos nila sakin. Gusto kong sumigaw ng tulong, pero hindi ako makapagsalita.

Maya-maya ay may narinig na lang ako ng mga boses na sumisigaw at nawalan na ako ng malay...

Nang mga oras na yun ay hindi ko na alam ang mga nangyari, pero ang kwento sakin ni Rence ay nakita niya ako na binubugbog nang mga kaaway niya kaya tinawag niya yung mga Tropa niya para tulungan ako—agad daw nila akong dinala sa hospital at kinontak si Mama.

Ilang araw din akong nagstay sa may hospital para magpagaling.

Habang nasa hospital ako ay wala akong ibang ginawa kundi magmuni-muni at makipagusap kay Lola Faye. Nakakatuwa siya dahil hindi na siya maubusan ng kwento tungkol sa mga Apo niya. Lalo na daw doon sa isang Apo niya na may secret relationship daw sa isa pa niyang pasyente sa may ward.

Paglabas ko sa hospital makalipas ay agad akong bumalik sa school at sa normal na takbo ng buhay ko, pero may mga bagay na nagbago.

Isang malaking revelation para sakin na si Rence pala ang boyfriend ni Unisse. Hindi ko expect na classmate ko pa talaga ang boyfriend niya, kung nagkataon pala na pumayag ako sa gusto ni Unisse at maging kami ay siguradong malaking gulo yun sa loob ng classroom at siguradong magiging mas miserable ang buhay ko. Tama talaga ang nanging disisyon ko dahil ang mga babaeng handang mangiwan nang current boyfriend nila para sayo ay magdadala lang nang gulo sa buhay mo.

Mas naging close din kami ni Rence ngayon. Halos lagi ko siyang nakaka-sama sa pagpunta sa petshop para bisitahin si Unisse—ngayon ko lang naintindihan kung gaano kamahal ni Rence si Unisse dahil kapag nasa school kami ay kahit magkita sila sa hallway ay hindi sila nagpa-pansinan na parang hindi sila mag-BF. Ang sabi sakin ni Rence, yun daw ang gusto ni Unisse dahil strict ang mga magulang niya, pero sabi niya sakin na feeling niya na may gustong iba si Unisse dahil lagi na lang daw naba-banggit ni Unisse yung crush niya nang grade 2 pa lang siya.

Hindi niya alam na ako yung crush ni Unisse—actually, ilang beses ko nang ina-attempt na sabihin sa kanya ang totoo, pero nadu-duwag ako. Sa tingin ko may tamang oras para doon at mangyayari din ang dapat magyari in the future.

Si Unisse naman eh parang gustong-gusto ang nagyayari dahil ngayon may mas nagkaka-sama kaming tatlo ng madalas at minsan ay ini-iwan kaming dalawa ni Rence dahil baka daw mahuli sila ng mga magulang or kamaganak ni Unisse. Ako kasi, hindi ako mapagsususpetchahan ng mga kamaganak ni Unisse dahil bestfriend ni Mama ang Mama ni Unisse.

Kaya sa mga pagbabagong 'to ay kailangan kong magisip kung ano ang susunod kong hakbang sa kinaiipitan kong problema.

Pero sa ngayon ay kailangan kong i-focus ang sarili ko sa pag-catch up ng mga lesson para sa Periodical Test namin at para sa practice namin sa Sabado para sa Araw ng Wika sa Lunes—sana hindi ako ma-distract.

HSL: Highschool LifeWhere stories live. Discover now