Chapter 8

105 12 6
                                    

Troy

Ilang araw na ang lumipas na araw araw na nakakatanggap ng sulat si Yuna mula sa secret admirer nya. Minsan pa nga ay may kasama pa itong bulaklak at chocolate pero hindi namin pinapakain sa kanya ─yung bulaklak, baka kasi kainin nya, patay gutom pa naman yon. De joke lang, syempre yung chocolate, baka mamaya lasunin yung babaeng yun eh.

"Tignan mo si Yuna. Mukhang tanga oh, ngumingiti mag isa." aniko habang nakatingin kay Yuna na nag babasa ng love letter.

"Gusto nya yung mga sulat.." sagot naman ni Jax.

"Sa tingin mo? Sino yung secret admirer nya na yon?" tanong ko.

"Wala akong idea, kayo kayo lang din kakilala ko rito eh."

"Nako! Panigurado, sasakit ulo ng lalaking yon."

"Huh? Bakit naman?" nagtatakang tanong ni Jax.

"Nakikita mo naman diba? Ako, aminado akong matigas ulo ko, pero lalo na yang babaeng yan. Kahit anong sabihin mo hindi yan makikinig, katulad nung nangyari sa resto nung nakaraan."

"Pero sa tingin ko, kaya sya ganyan kasi pinag lalaban nya lang yung sa tingin nya ay tama."

"Sabagay, may point ka. Ang problema nga lang, lagi sya nasasangkot sa gulo dahil sa pagka righteousness nya."

"Ayun nga lang. Haha!" natawang sabi ni Jax.

"Pero sa totoo lang, kahit ganyan yan, mabait yan, kaya mabilis nyang nakakasundo yung mga tao sa paligid nya. May sense of humor din, kaya kami naging mag best friend nyan eh. Pero ang pinaka the best dyan, hindi ka nya iiwan kahit na anong mangyari, nasa tabi mo lang yan. ─Mukha lang syang evil witch pero mabait yan. Hahahaha!"

"Siguro nga okay lang na kaibiganin ko sya." saad ni Jax habang nakatingin kay Yuna.

"Oo naman. Isipin mo nalang lalaki yang si Yuna, kasi lalaki rin naman tingin ko sa kanya. Hahaha!" biro ko pa.

Habang nag uusap kami ni Jax sa likuran ay bigla nalang nasamid si Yuna.

"Nako! Wag na nga natin syang pag usapan." saad ni Jax.

"Oh salo.." aniko sabay hagis ng bote ng tubig kay Yuna "Okay ka lang?"

"Oo, tingin ko pinag uusapan ako ng ibang tao." sagot ni Yuna.

"Sino naman? Yung bulag mong admirer? Hahahaha!" biro ko.

"Nag hahanap ka na naman ba ng gulo? Tara suntukan nalang oh!" gagi mananapak na naman!

"Ohh! Easy lang, Yuna. Bumalik ka na nga sa upuan mo!" pag taboy ni Jax sa akin, "─madamay pa ako sayo eh." natatawang dagdag pa nito.

Nikolas

Uwian na! Pag labas namin ng klase ay saktong labasan na rin pala nila Yuna, nagka salubong kaming lahat sa quadrangle.

"Oh, guys. Aga nyo ngayon ah?" tanong ni Yuna.

"Oo eh, ewan ko ba." sagot ko naman.

Dahil graduating students na kami, madalas nag e-extend ng klase ang mga subject teachers namin, kaya kung mapapansin nyo minsan lang kami mag kasabay sabay ng uwi at lunch nila Troy.

"Tara basketball tayo, 2v2. Balita ko nag lalaro kayong dalawa" Si Jax at Jet ang tinutukoy ni Yosef dito. 2v2 kasi basketball player din si Troy tulad ni Yosef.

"Pass.." mabilis na sagot ni Jax.

"Hindi. Mag lalaro ka." mabilis din na counter ni Yosef kay Jax. Syempre wala nang nagawa si Jax at napa buntong hininga nalang.

Crystal Snow | BTS fanficΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα