Ika-27 Kabanata: Ang Nalalaman ni Joey

Start from the beginning
                                    

Nagulat yata ang kanyang sekretarya sa narinig kay Joey at kailangan pa niyang siguraduhin muli iyon.

“Ika-cancel po?  Sigurado po kayo sir?” sa buong panahon ng pagtatrabaho niya sa Boss niya ay ni-minsan hindi ito nagpacancel ng appointment niya.  Kesehodang may mahalagang pangyayari sa araw na iyon, kahit yata may bagyong signal no. 3 ay sinusugod nito para lamang makarating sa appointment niya.

“Yes.  Did you hear me stutter?” tanong nito sa sekretarya niya

“No, Sir.  Sige po, tatawagan ko na lang po ang opisina ni Mr. Herrera at ipapare-sched ko na lang po.”

Matapos iyon ay tumalikod na si Joey.  Iniligpit niya ang kanyang gamit at pinatay ang kanyang laptop.  Lumabas siya ng kanyang opisina at dumiretso sa parking space ng Enterprise Tower.  Susunod sana si Ramon sa kanya pero nakiusap si Joey na kung maaari ay h’wag na siyang sundan ng mga ito.

Inabot din siya ng 2 oras sa biyahe bago niya narating ang lugar nila Sophia.  Buti na lamang at mabilis siyang magsaulo ng mga daan at agad niyang natandaan ang daan papunta kila Sophia.  Pagdating niya doon ay agad ding lumabas si Sophia, lumabas din sandali si Joey para magbigay galang sa Mama ni Sophia at para rin pagbuksan ng pintuan ng kotse si Sophia.  Makalipas ang ilang minuto ay agad din nilang nilisan ang lugar  na iyon.

Habang nasa sasakyan sila ay naging balisa si Joey.  Iniisip niya kung ano ang pwede niyang unang maitanong dito nang hindi siya nagmumukhang tsismoso.  Bukod pa doon iniisip niya rin kung saan papapuntahin ang kotse dahil wala naman talaga siyang balak puntahan noon araw na iyon.  Pasulyap sulyap siya kay Sophia, sa tuwing aakto siyang magsasalita ay nababahag ang buntot niya at kinakabahan.  Sa huli ay minabuti na lamang niyang tumahimik muna.

Napansin yata ni Sophia ang mga galaw ni Joey, para bang may gusto itong sabihin pero nagpipigil lamang. “Ano bang problema mo?

“May gusto sana akong itanong sa iyo pero baka naman isipin mo masyado akong nakikialam.” Sagot sa kanya ni Joey.

“Alam mo itanong mo na, kasi mas nakakaoffend kung sasabihin mong may itatanong ka tapos hindi mo naman itutuloy.” Prangkang sabi nito kay Joey.

Huminga muna ng malalim si Joey bago nagtanong.  Kunwari ay nakatingin siya sa dinadaanan nila pero ang totoo ay hindi talaga siya makatingin  kay Sophia.

“Bakit nga pala hindi ka na nag-asawa, h’wag mong sabihing hindi ka nagkaboyfriend?” ani Joey

“Nagkaroon naman ako ng boyfriend.  ‘Yun nga lang niloko ako.  Pero matagal na iyon.  Nasa 20’s pa lang ako noong nangyari ‘yon.” Kwento niya dito.

“Hindi na nasundan ulit?”

Sandaling nag-isip si Sophia kung ibabahagi ba niya kay Joey ang kapiraso ng buhay niya na tungkol kay Joseph.  Sa huli ay nagdesisyon siyang sabihin na rin iyon.

“Muntik na.  Pero masyadong komplikado. Kahit hindi namin gustong masaktan, nasasaktan kami ng dahil sa sitwasyon kaya ayun pinakawalan nalang namin ang isa’t isa.” Tumingin sa kanilang dinadaanan si Sophia, inaliw niya ang sarili sa mga bagay na madadaanan nila para lamang maalis ang isip niya doon.

“Paanong komplikado?” usisa pa ni Joey

“Halos dalawampung taon ang pagitan ng edad namin.  Siguro ikaw alam mo na ang mga edad natin parang kuntento na kung ano ang narating natin.  Kung may darating man, salamat na lang.  Pero ang mga bata marami pa silang kailangang patunayan.  Lalo na siya, para kahit papaano naman mapansin siya ng Ama niya.  Bukod pa doon, malayo ang mga pananaw namin sa buhay.  May pagka-isip bata pa kasi siya.” Pakiramdam ni Sophia ay nangungumpisal siya sa isang pari.

The Last Stop (Completed)Where stories live. Discover now