"Edi alamin mo..."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit ayaw mo pang sabihin? Gusto mo pang ako ang makaalam. Saan ko naman malalaman?"

Humalakhak lamang siya. Tumayo na siya at inayos ang kaniyang dala. Mukhang aalis na ang loko. "Sunduin na lang kita mamaya..."

Ginulo niya pa ang aking buhok bago tuluyang lumabas ng room. Nakasalubong niya pa ang mga kaklase ko na nababakas sa mukha ang gulat.

Umub-ob na lamang ako. Baka ulanin pa nila ako ng katanungan. Agaw pansin din naman kasi si Rhys, lalo na't sa ibang school ito napasok.

Siguradong marami rin ang nagkakagusto rito sa kanilang school. Napapaisip tuloy ako kung bakit sa 'kin pa siya nagkagusto? Mukhang marami naman yatang magagandang babae sa kanilang school na nagkakagusto sa kaniya.

"By pair po ba, Sir, ang paggawa ng reaction paper?"

Tumango naman si Sir. Maraming nagreklamo kasi marami silang grupo tapos by pair lamang. Nagbunutan pa talaga sila kung sino ang kanilang magiging partner.

Habang ako, nakahalumbaba lamang kasi wala namang lumalapit sa 'kin upang magtanong kung pwede akong maging ka-partner.

Kaya ko namang mag-isang gumawa ng reaction paper. Hindi ko na kailangan pa ng iba. Kaya ko na ang sarili ko.

Mabilis na natapos ang klase. Hinintay ko muna silang makalabas bago pa ako. Mag-isa lamang akong naglalakad sa hallway.

Nakakapanibago na walang Josh akong makakasalubong. Na wala na rin na nambu-bully sa 'kin na nakasanayan ko na. Tahimik na talaga ang buhay ko ngayon.

"Huh? Emergency? Ano naman kaya iyon?"

Nandito ako sa tapat ng gate para hintayin si Rhys. Bigla akong may natanggap na message sa kaniya na hindi raw niya ako masusundo kasi nagkaroon daw ng emergency.

Hindi niya naman sinabi kung ano. Bigla tuloy akong kinabahan. Hindi kaya family matters iyon? Sana lang ay magawa na niyang i-kwento ang tungkol sa pamilya niya.

"Gennica!"

Hinanap ko kung saan nagmula iyong boses. Natanaw ko si Kuya Marcus sa loob ng sasakyan, kasama ang kapatid ko.

"Nasaan na si Rhys?" tanong ng kapatid ko.

Kumunot naman ang noo ni Kuya Marcus. "Bakit mo hinahanap ang lalaking iyon, ha? Umalis na nga iyong isa, mayroon na ulit akong panibagong pagse–"

"Mukha mo!" Pinandilatan nito ng tingin si Kuya Marcus.

Nasa likuran ako, nakamasid lamang sa lahat ng bawat daraanan namin. Nakilala na ni Ate si Rhys. Mukha namang nagtiwala siya agad dito.

Nasanay na rin siya na nakikita kaming magkasamang dalawa.

"Siya iyong tinutukoy ko sa 'yo, Ate..."

Siniko ako ni Rhys kasi nakatitig sa kaniya ang babaeng iyon, halatang kinikilatis. Matapos ng drama kanina'y isinama ko na siya sa bahay para maipakilala sa kapatid ko.

"Rhys Kade Gonzales nga pala..."

Nilahad ni Rhys ang palad nito sa harapan ng kapatid ko. Tumaas ang kilay ng babaeng iyon.

"Rhys? As in kanin?"

Pinandilatan ko ng tingin ang gaga. Hindi niya ako pinansin. Hihilahin ko na sana si Rhys palabas pero humarang sa amin ang babaeng iyon.

Mayroon nang ngiti sa mga labi nito. "Thank you, Rhys, sa pakikinig sa kapatid ko. Masaya ako kasi nagkaroon siya ng totoong kaibigan na isang tulad mo na pwede niyang masandalan anumang oras."

Taming Love (Completed) Where stories live. Discover now