"Paano ako kakain nito kun–" sumingit na naman siya.

"Edi susubuan kita."

My lips parted. Hinila niya ang upuan papunta sa aking harapan. Hindi pa rin talaga niya binibitiwan ang aking kamay.

"Open your mouth, fluffy cheeks..." Ngumisi pa siya.

Pinaningkitan ko muna siya ng tingin bago ko ibuka ang aking bibig. Hinayaan ko na lang siyang subuan ako. Ayaw pa rin talagang bitiwan ang aking kamay.

Ano kaya ang problema nito?

"Thank you, Rhys..."

Hinaplos ko ang aking tiyan. Naubos ko lahat ang kaniyang dala sa sobrang gutom ko. "See? Mukhang kulang pa ang dala ko sa isang tulad mo."

I rolled my eyes. "Ewan ko sa 'yo!"

He chuckled. "Hindi ka pa ba aalis?"

Ibinalik na niya sa aking tabi iyong upuan. Wala pa rin bumabalik na mga kaklase ko. Mabuti na rin iyon kasi baka kung ano pang isipin nila.

"Matapos kitang pakainin, itataboy mo na agad ako? Ganiyan ka ba talaga sa 'kin, ha? Walang puso?" Pagda-drama niya.

Hahampasin ko na sana siya pero napigilan naman niya ako. Humalumbaba na lamang ako habang nakatitig sa kaniya.

Ganoon din siya. Magkapako lamang tingin naming dalawa. "Okay ka lang ba?"

Kumunot ang noo ko. "Huh?"

"Namimiss mo na siya, 'no?"

Iniwas ko ang tingin sa kaniya. "Hindi ko alam."

"Bakit kasi hindi na lang ako?"

Natigilan ako. Muli ko siyang nilingon. "Joke lang, okay na ako sa ganito. Na maging kaibigan mo."

Nanikip ang dibdib ko. "Rhys, alam kong nasasaktan na kita, bakit ginagawa mo pa–"

"Nasanay na ako sa 'yo..."

Nakatitig lamang ako sa kaniya. "Kapag hindi kita nakukulit ng isang araw, nanghihina ako."

Pinaningkitan ko siya ng tingin. "Ah, ganoon? Gusto mo lang pala akong inisin na lalaki ka!"

"At least napapasaya kita..."

Natahimik ako sa kaniyang sinabi. Tama naman siya, lubos na kasiyahan ang dinala niya sa 'kin.

Hindi ko pa rin magawang alisin ang titig sa maganda niyang mga mata. Na ang sarap pagmasdan.

"Don't stare at me like that... mas lalo akong nahuhulog sa 'yo."

Pumikit siya para iwasan ang titig ko. "Rhys..."

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Alam kong nahihirapan na siya sa ganito, na magpanggap na okay lamang sa kaniya na maging magkaibigan kaming dalawa kahit ang totoo'y mayroon siyang nararamdaman para sa 'kin.

Pero bakit ayaw niya pa rin akong layuan? Mas lalo lamang siyang nasasaktan.

Mukhang natapos na ang relasyon nila ni Ciara. Ayaw ko naman magtanong tungkol sa kanilang dalawa, baka ayaw niya rin na mapag-usapan iyon. Huwag lamang sana na malaman ko na ako ang dahilan kaya sila naghiwalay.

"Naisip ko lang..." Panimula ko.

Kumunot ang noo niya. Nakatitig na muli siya sa 'kin. "Hmm?"

"Kailan ang birthday mo?"

Matagal na rin kaming nagkakasama pero hindi ko pa rin alam kung kailan ang kaniyang birthday. Paano kung lampas na pala tapos hindi ko man lang alam?

Wala rin akong alam tungkol sa magulang niya. Hindi naman siya nagku-kwento na mukhang ayaw din niya na pag-usapan. Baka hindi sila ayos na kaniyang pamilya.

Taming Love (Completed) Where stories live. Discover now