Chapter 64

62 13 0
                                    




Dirk Izunia Salvatorie POV



Tahimik at pigil ang emosyon na pinagmamasdan ko ngayon ang babaeng sa kabila yata ng lahat ng nagawa saakin ay kaya pa rin paikutin ang mundo ko sa loob lamang ng isang segundo.


"Natanggal ko na po ang matinding lason na kaakibat ng palasong itinira sakanya..." Anunsyo ni Barcia.


"Saan po ba kayo inabutan kanina matapos niyong lumisan dito...?" Maingat na tanong ni Luigi na asawa nito.


"Oo nga po?" Sangayon ni Barcia. "At nagtataka lang din po kami kung bakit pinagamot niyo pa siya saamin gayong nais niyo rin namang mamatay siya kapalit ng buhay ng inyong ina...?" Kunot noong dugtong nito.


Sa halip na sagutin ay tinignan ko lang sila ng masama na sapat ng dahilan para muli silang matakot at umalis na sa silid na pinahiram nila saamin ni Dall—ng babaeng ito.


"M-Maiwan na muna po namin kayo." Magalang bagama't nanginginig pa rin sa takot na paalam nalang ng mga ito.


Yun lang at kaming dalawa nalang ulit ng babaeng ito ang naiwan dito kung saan mas dapat yata'y inutusan ko nalang yung mag-asawang mangkukulam na manatili dito kasama namin.


Pakiramdam ko kasi ngayon ay sasabog ako anumang oras habang kasama ang babaeng ito na naging dahilan ng pagdurusa ko sa loob ng mahabang panahon.


Sinubukan kong lumimot.


Tumungo ako sa iba't ibang mundo na higit na mas mabilis ang oras kaysa sa Novaliz na siyang dahilan kung bakit halos ilang libong taon na ang nakalipas saakin.



Subalit kahit yata dumaan pa ang ilang libong taon at ilang libong babae sa piling ko ay hindi ko pa rin ito magagawang alisin sa puso ko ganun na rin ang mga nangyari't nagawa nito sa isipan ko.


Maraming babae na rin akong sinamahan sa pagtatangkang malimutan na ito at tuluyan ng burahin sa sistema ko upang paghandaan ang araw na ito na inakala kong nagawa ko na.


Pero hindi pa rin pala!


Dahil eto ako ngayon at natatakot sa maaaring mangyari dito lalo't alam kong tuso ang kapatid nitong hudas.


Kung nagawa nitong mapatay si Mama sa pamamagitan ng espadang para sana saakin ay bakit hindi nito yun magagawa sa babaeng ito gamit ang palasong para ulit sana saakin?


Hindi ko alam kung ano ang maaaring maganap sa hinaharap at ayoko nanga sanang isipin pa pero hindi ko talaga mapigilang hindi gawin yun ngayon lalo't nakikita ko sa itsura ng babaeng ito ang labis na sakit na nararamdaman nito.


Kung maaari ko nga lang sana magamit ang walang kwentang Zeus Eye ko na kung kailan kailangan kong gamitin para makita ang hinaharap ay hindi ko naman magawa ngayon dahil din sa lintik na librong hawak ni Draken.

The Devils King 3Where stories live. Discover now