Chapter 2

100 12 0
                                    



Dallas Arthemis Columbus POV


Halos matigilan nalang ako matapos kong i-drawing ang ginagawa ko ng sa wakas ay mabigyan ko na yun ng pagmumukha.


What a handsome man...


Hanga ko sa isip habang marahang hinahawakan ang mukha ng lalaking iginuhit ko na nagmula sa mukha ng lalaking nakabangga ko sa may mall.


"Nakausap ko nanga pala si Derit patungkol sa mga lalaking humabol sayo dito. He promised me that these men will pay a price sa panggugulo sayo kasama ng ligtas at tahimik niyang siyudad." Anunsyo ni Mishi na bigla nalang pumasok sa kuwarto ko.


Mabilis na nilingon ko tuloy ito at tinakpan ang sketch na ginawa ko.


"Ganun ba?" Nakangiting wika ko.


"Oh yes!" May himig ng sarkasmong sagot nito. "Ikaw naman kasi! Binilinan na kitang maghintay pero ang tigas talaga ng ulo mong yan! Alam ko naman na halos ilang dekada kang naging independent sa Novaliz pero iba na ngayon ang buhay mo sa buhay mo noon!" Sermon nito.


Mas napangiti tuloy ako.


Kung titignan mo, parang ang sungit sungit at walang pakialam itong kapatid kong ito sa mga bagay-bagay pero todo concern naman?


"Thanks, Mishi." Pasasalamat ko nalang dito.


"There's no need to thank!" Masungit na sagot nito. "Just be careful next time and remember to always drink your medicines." Bilin nito sabay alis na sana ng mag tanong pa ako.


"Aalis ka ulit?" Tanong ko.


"Of course! Business ang ipinunta ko dito remember?" Paalala nito ng matigilan ito saglit matapos siguro nito maalala ang pangako nitong ipapasyal ako nito. "Damn it! How foolish I am to forget!? Anyway, ica-cancel ko nalang ang mga appointments ko for toda—"


"No need." Putol ko sa sinasabi nito. "Just finish your work first and I'll be fine. You're here for a business trip and not for some kind of vacation anyway." Dugtong ko.


"Tapos ano!? Tatakasan mo nanaman ako at mamamasyal mag-isa kahit may hindi na magandang nangyayari sayo!? Arthemis, naiintindihan kong sanay kang mag flying solo pero huwag mong kalilimutan na nag-aalala din kami para sayo! Minsan kahit kaharap ka namin o nakakausap ay para kang may sariling mundo na hindi namin mapuntahan? What's wrong with you!?" Galit ng tanong nito.


Matagal ko lang ito tinitigan dahil hindi ko rin naman alam ang isasagot dito.


"Damn it!" Mariing mura nito. "Alam mo!? Bahala kana sa buhay mo. Basta at siguraduhin mo lang na wala na ulit mangyayari sayong masama!" Inis na bilin nito sabay labas ng kuwarto ko.


"Thanks, Mishi!" Habol na pasalamat ko dito.


The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon