Chapter 48

66 15 5
                                    




Dallas Arthemis Columbus POV


"Oh, mag-iingat ka!" Mabilis na hawak ko sa braso ng isang batang babae ng muntikan na itong madulas sa ice skating area kung nasaan din ako ngayon.


"Salamat po, Ate!" Nakangiting pasasalamat nito.


Yun lang at nagmamadaling nag padulas muli ito para habulin ang mga kalaro niya sa napakalawak na ice skating area na ito na matatagpuan din sa amusement park o sa Happie Land na pag-aari pa rin syempre ni Derit Garrison.


Nakangiting pinagmasdan ko nalang ang mga ito habang sayang-saya sila sa ginagawa nilang paglalaro.


What a life...


Nangingiting anas ko na lamang sa isip habang pinagmamasdan sila at hindi maiwasan na hindi makaramdam ng labis na pagkainggit.


Inggit dahil sa gitna ng napakalawak na skating area na ito kung saan masayang nagpapadulas ang mga bata, magkakasintahan, mag-aasawa, magkakaibigan o magkakapamilya ay nag-iisa lamang ako.


Napapagitnaan nila akong lahat...


"Hopia!"


Mabilis na nilingon ko yung batang tinulungan ko kanina ng bigla nalang ako nitong yakapin mula sa likuran ko.


"Ate? Wala kabang balak mag ice-skating kasama ng boyfriend mo?" Tanong nito.


"Boyfriend?" Confused na tanong ko.


"Opo." Mabilis na sagot nito. "Yun po oh!" Turo nito.


Mabilis na nilingon ko naman ang direksyon na tinuturo nito para lang magets ang pinaglalaban nito.


"Magkasama po kayong dalawa kanina, hindi ba?" Tanong nito. "Kaso ikaw lang yung pumunta dito sa gitna habang naiwan lang siya sa gilid. Nag-away po ba kayo?" Usisa nito.


Buhat dun ay hindi ko nalang maiwasan ang hindi ngumiti dito ng malungkot at umiling ng marahan.


"Hindi kami nag-away." Mabilis na sagot at upo ko sa harapan nito. "Trip lang namin ang hindi mag-usap dahil wala kami parehas sa mood." Pagsisinungaling ko pa.


Yun ay bagama't kanina panga ako nagmumukhang tanga dito dahil buhat yata ng sumama ako kay Dirk ay wala pa rin kaming napapag-usapan na kahit ano.


Napanis nanga yata ako sa pagiging tahimik nito na siyang dahilan kung bakit hindi na ako nag dalawang isip kanina na mag renta ng white skating shoes na bumagay naman sa suot kong white dress with mesh sleeves para mag skating nalang sana dito.


Yun nga lang, hindi ko din naman nagawa ang gusto ko dahil bigla nalang ako nawalan ng ganang gawin yun matapos kong makaramdam ng labis na pag-iisa ngayon.

The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon