"Baka nabibigla ka lang, gurl?" ani ni Stella.

Seryoso lamang ang mukha nito. Siguradong totoo nga ang sinabi niya na lilipat na kami ng school. Isa na sigurong dahilan ay si Kuya Marcus.

Bakit kasi hindi niya pa aminin ang totoo niyang nararamdaman para rito? Para hindi na siya nahihirapan ng ganito. Mukha namang wala talaga namamagitan kay Kuya Marcus at sa babaeng iyon.

Isa pa ang lalaking iyon na hindi rin magawang aminin ang totoong nararamdaman para sa kapatid ko. Mukhang natatakot na baka balewalain lamang siya nito.

Naiinis na ako! Ang sarap nilang pag-umpugin na dalawa. Bagay nga talaga sila.

"Sigurado na ako, lilipat na tayo ng school, Gennica. Ayoko na rito, hindi ko na talaga kakayanin pang manatili rito..."

Iniwan na niya kaming dalawa ni Stella. Nakayuko pa itong habang naglalakad. Nasasaktan ako para sa kaniya pero wala siyang ideya sa nararamdaman ko ngayon.

Isa siya sa dahilan kung bakit nadudurog ang puso ko. Pero kailangan kong manahimik na lang. Kasi siguradong sisisihin na naman niya ang kaniyang sarili. Iyong ang ayaw ko muling mangyari.

"Gennica."

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang boses ni Kuya Marcus. Nakikita ko sa kaniyang mukha na nasasaktan siya.

Siguradong umuwi na ang kapatid ko kasi hindi na niya talaga kaya pang manatili rito.

"Tangina! Ang tanga ko!" Sinubsob niya ang kaniyang mukha sa manibela.

Nandito kami ngayon sa loob ng kaniyang sasakyan. Mahirap na't baka makita pa kami ni Sapphire na sobrang assumingera. Isipin pang nilalandi ko ang lalaking ito.

"Ano ba kasing nangyari? Bakit nasasaktan na naman ang kapatid ko? Susuntukin na talaga kita!"

Hindi niya inalis ang mukha sa manibela. Panay pa ang hampas ng noo niya roon. Sabunutan ko kaya siya at tulungang ihampas ang mukha roon? Bilang ganti na rin sa pananakit niya sa kapatid ko.

"Gusto mong tulungan kita?" Agad niya akong nilingon, namimilog ang mga mata.

"Really? Tutulungan mo akong uma---" I cut him off.

"Tulungan kitang ihampas ang mukha mo riyan? Para mas malakas ang impact, iyong tipong durugo ang ilong mo. Ano? Pwede?"

He glared at me. Hindi ko napigilan na matawa. Akala niya siguro'y tutulungan ko siya sa kapatid ko. Of course, tutulungan ko talaga siya para mapunta na sa 'kin si Josh.

Pero paano nga ba? Kapatid ko ang mahal nito. Paano ko mapapalitan sa puso niya ang babaeng iyon? Mukhang mahihirapan akong landiin ang lalaking iyon.

"Aaminin ko na sana na mahal ko siya... na mahal na mahal ko ang kapatid mo pero tangina... Naduwag na naman ako. Baka tawanan lang niya ang nararamdaman ko."

Nakikita ko ang pamumuo ng luha sa kaniyang mga mata. Nanikip naman ang dibdib ko. Mahal niya talaga ang kapatid ko at masakit para sa kaniya na makitang nasa bisig ito ng iba... lalo na't sa kaibigan niya pa.

"Ako rin... mahal ko ang kaibigan mo."

Iniwas ko ang tingin sa kaniya. Hindi na siya nagulat pa sa sinabi ko kasi mukhang matagal na niyang napapansin.

"That asshole! Alam kong mayroon iyong binabalak sa araw ng event." Humigpit ang hawak niya sa manibela.

"Balak? Anong binabalak? Bakit mo al--" Pinutol niya ako. "Na tanungin ang babaeng mahal ko na maging girlfriend niya."

Natigilan ako sa sinabi niya. Tama. Madalas na nangyayari iyon sa mga palabas. Na tatanungin kung pwede na bang sagutin ito sa harapan ng maraming tao para wala nang kawala pa.

Taming Love (Completed) Where stories live. Discover now