CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY NINE

Start from the beginning
                                    

"Tsk.Ang gulo na Angel,"then Owen's walk away.

Ano?.

Naguguluhang sinundan ko siya ng tingin.Hindi palang kasi niya pinaintindi sa'kin eh!.Anong magulo?Bakit parang ako yung sinisisi niya?Ano ba kasing hindi ko alam?Ano bang dahilan ng pag aaway nila? Dahil sa'kin?Bakit?.Hindi ko naman kasi masasagot yan.Kaya naman nagtungo ako sa kwarto ni Chad.Nakasampung katok ako ng buksan niya ang pinto at bumungad sakin ang bagong ligong si Chad na nakasuot na ng pantulog habang tinutuyo ang buhok niya gamit ang twalya.

"What?"Wala pa man ay naiirita na siya.

-_-

"Wag mo akong what whatin!.Ano nangyari kanina?Pwede sabihin mo sa'kin ng maintindihan ko!Hindi 'yong lalayasan niyo ako eh nagtatanong pa'ko!"inis na sambit ko pero inirapan niya lang ako at akmang isasara niya ang pinto ng pinigilan ko 'yon."Ano ba!?,Chad,"inis ng sigaw ko.

"Don't shout at me,"kalmado siya pero napatigil pa rin ako dahil bakas sa mata nito ang pagkainis din.

"Okay,sorry..."kalmadong paghingi ko na ng tawad dahil alam kong hindi kami magkakausap ng maayos pag galit din ako."Sabihin mo sa'kin kung anong nangyari."Sabi ko pero si Chad nanatiling nakatingin lang sakin kaya napabuntong hininga nalang ako,mukang wala siyang balak magsalita.

Nakatingalang nakatingin lang ako sa mata niya na dati ang bilis ko lang matukoy ang emosyon at iniisip niya pero ngayon...wala,wala akong mabasa,wala akong kaideidea sa iniisip niya.Yung tingin na tinapon niya sakin kanina nong kausap niya ako sa harap ng room namin,ganon na ganon pa rin hanggang ngayon.

Bakit ba...nililito ako ng Chad na 'to!.

Bigla nalang nag flashbacks lahat ng araw na galit siyang nakatingin sakin habang sinasabing nagseselos siya.Nagseselos...Bakit?,Wala namang kami.Wala kaming level.Nagpapanggap lang kami.Hindi totoong kami.

"Chad---Oh shit!"naputol ang sasabihin ko ng biglang sinara niya ang pinto kaya mabilis na napaatras ako.Nanlalaki ang mata ko sa ginawa niya!Gago 'yan!Kung hindi ako nakaatras ng mas maaga dumamba na sana yung pinto sa muka ko!.

Napabuntong hininga na naman ako.Nasa kanya kanyang kwarto na silang lahat.Ako naman ay dumeretso sa kusina,bigla kasi akong nakaramdam ng gutom.Kumuha nalang ako ng prutas at hiniwa hiwa ko 'yun at nilagay sa maliit na mangkok at binuhusan ng honey---uhm yummy!.Pantawid gutom lang,tinatamad kasi akong magluto eh.

Magmomovie marathon nalang ako mag isa.Nagpunta ako sa sala at naghanap ng cd na pwedeng panoorin at nang makakita na ako ay agad ko 'yung sinampak sa naupo na ako para manood.Ang pinapanood ko ngayon ay isang babae at lalaki na nagkainlove-an sa isa't isa sa isang halik lang hahaha ang cute nga eh,yung babae hindi niya sinasadyang mahalikan yung lalaki kasi natapilok ito at si lalaki ang sumalo sakanya sa akmang pagkasubsub sa lupa.Ako naman ay kinikilig habang nanonood.Napaka clechi ng story pero kinikilig pa rin ako.

Natapos ko yung pinapanood ganon din ang kinakain ko.Napawi na ang gutom ko pero hindi naman ako madalaw ng antok.Nagdesisyon akong kumuha ng beer at uminom muna.Dumeresto ako sa pool area at hindi ko inaasahan na makikita ko ron si Owen at Justin na nag iinoman.Lumapit ako sakanila.

"Yow!"agaw pansin ko sakanila.Lumingon sila sa gawi ko.

"Oy!Si Angel,hahaha"sambit ni Owen at base sa boses niya...lasing na siya.Namumula na rin ang muka niya.Mukang kanina pa sila rito,mukang habang nagmomovie marathon ako eh nag iinoman sila rito dahil marami ng bote ng beer ang nasa gilid at pakalat kalat at wala ng laman.

"Lasing ka na Owen,"natatawa at umiiling na sambit ko.

"Nakainom lang ako!Hindi ako lasing!"sagot nito sakin pero kabaliktaran ng sinasabi niya ang kilos niya,kilos lasing hahaha.At ngayon ko lang nakita si Owen na gan'to kalasing.Kasi ilang beses na kaming nagkasalo-salo at nagkaharap sa inoman at hindi ko pa siya kahit minsan nakita na ganyan kalasing.May problema kaya siya?.

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldWhere stories live. Discover now