TREVOR KNOWING THE TRUTH

Start from the beginning
                                    

"Becky.." Tinawag ko si Becky na agad namang napaligon sa akin sa likuran niya.


"Nasaan si Hiro? 'Yung nakaupo doon?" Sabay turo sa upuan na nasa bintana.


"Hiro? You and Alora asked the same question. Wala akong kilalang Hiro," sagot nito at tinalikuran na ako.


I crossed my eyebrows and tilt my head a bit. Nagtataka talaga kung bakit nila kilala 'yon, samantalang napapansin kong kinakausap nila ang isang 'yon.


Imposibleng walang nakakakilala sa kanya dito.


Lumabas ako ulit at pinagmasdan sandali ang hallway kung nakabalik na si Alora pero wala pa siya.


Tiningnan ko ang oras sa relo ko, hapon na at ilang sandali nalang ay tutunog na ang bell. Naghintay pa ako sandali sa labas kung dadaan si Alora pero walang Alora'ng dumaan.


Bumalik ako ng cafeteria at dumiretso sa kusina, naabutan ko lang ang school chef ng school na tinatawag nilang Curry fairy. Napansin kong nagulat siya nang makita ako sa kusina niya.


"Nasaan si Alora?" Iyon kaagad ang bungad ko. Wala akong pakialam kung maangasan man siya sa'kin o hindi.


"Wala si Alora dito." Matigas na aniya at seryosong kinausap ako. "Kung gusto mo siya makita, pumunta ka sa taas, malamang hinahanap niya ang libro."


Nakaupo lang siya sa isang upuan na malapit sa isle table at naka-crossed arms. Pinagmasdan ko pa ang buong kusina at nakapamulsang tumingin muna sa kanya bago umalis. Umakyat ulit ako at sumunod sa sinabi niya, ang library ang tinutukoy niya.



Ngayon ko lang ata napansin na ganito si Alora. She hated me now, because of my treatment but every thing that I showed her is for our own good.

Gusto siyang gamitin ng daddy kong ubod ng kasakiman sa mga plano at negosyo niya na ayaw kong mangyari. It's okay for me to get hurt because of her, pero siya sobra na ang nararanasan niya.


Pumasok na ako ng library, walang mga estudyante doon, siguro dahil uwian na. Wala rin si Alora doon kaya nagpasya akong tumingin ng mga libro.


Minsan lang ako pumunta rito dahil madalas na nasa head quarters ako ng A3. Sa sulok ng library ay may kung anong nag-udyok sa'king lumapit do'n.


Tumambad sa'kin ang mga sketches na mukha ni Alora na mula sa iba't ibang anggulo. Isang bagay pa ang nakakuha ng atensyon ko, bahagyang kumunot ang noo ko nang biglang may lumabas na kung ano sa dingding. Gusto ko sanang ipasok ang kamay ko pero may mas higit na nakapukaw ng atensyon ko.



Comics?


Sa bookshelf na malapit doon ay may isang comics na tila lumulutang na bukod tangi sa mga libro. Kinuha ko iyon at tiningnan muna ang magkabilang cover ng libro, kulay itim ito at may design na maliliit na bulaklak sa paligid.


Binuksan ko ang comic book at binuklat ang ibang page, mas nagulat ako sa mga nakita ko.


May mga characters doon na kahawig na kahawig ko at ng iba pa. Mas naguluhan pa 'ko nang mabasa ang ilang pahina ng comic book. Pati ang mga dialogue ay katulad na katulad sa nangyayari sa totoong buhay.


Ano ibig sabihin nito?




"Hiro!"


Isang boses ang narinig ko. Sumilip ako mula sa kinaroroonan ko at nakita si Alora parang iiyak. Nanatili ako sa pwesto ko at hinayaan ko kung mapapansin ba niya ako.


Nagsimula siyang tumingin sa pagitan ng mga bookshelf na parang may hinahanap na libro. Anong ginagawa niya sa mga oras na'to? Hindi pa siya umuuwi.

She looks confused. She don't know what to do, I think she is looking for him, to that Hiro. Narinig kong binanggit niya ang pangalan nito.

"Nasaan na 'yun? Nasaan 'yung comic book?" Narinig kong hinahanap niya ito at halos hindi mapakali.


Hindi na ako nakatiis at nagpakita sa kanya, laking gulat niya ng makitang nasa kamay ko ang hinahanap niya.

"Are you looking for this?" Itinaas ko ang libro sa kamay ko at nakapamulsang lumapit sa kanya.


"P-Paano mo nakita 'yan?" Hinablot kaagad niya ang libro nang paalam at binuklat ito kaagad. Nagulat siya nang makitang hawak ko ang hinahanap niya.


"Ano 'yan?" Itinango ko pa ang ulo ko, hindi ko maiwasang hindi maging mainitin ang ulo pero sa natuklasan ko, mukhang malabo. "Explain that, bakit nandyan ako."



"Nasaan si Hiro? H-Hindi pwedeng wala siya." Hindi ko alam kung maaawa ko ako sa kanya dahil nagsisimula na siyang umiyak o maiinis dahil ilang beses niya nang binanggit sa'kin ang pangalang 'yon.



"Hey, Alora!" I raised my voice a bit, doon lang siya natinag.



"Binasa mo ang libro? Alam mo na ang totoo?" Takang tanong niya sa akin at kumalma ng sandali.


"Oo, alam ko na ang totoo." Iyon lang ang naging tugon ko sa kanya.



Author's note:

Unang update sa 2021, keep supporting this story, lovelots!💙

Look, I found you (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now