"You're welcome. Let's eat. Tutulungan kitang magpinta pagkauwi." Natuwa naman ako sa pangako niya kaya magana akong kumain. Gutom na din kasi si baby.

Nakauwi kami sa bahay pero hindi natupad ang pangako niya. May kailangan daw kasi siyang asikasuhin sa kompanya. Kahit na nabigo ay naiintindihan ko naman. Hindi naman sa akin iikot ang mundo ni Aidan. Kahit pa mag-kaka-anak na kami. Ngayon kasama ko si Ader magpinta. Katulad ko kasi ay hilig niya rin ito.

Request niya ay ipinta sila Nanay at Tatay kasama kami. Ipininta ko ito at ang background ay ang buwan at maniningning na mga bituin. Masaya ako sa kinalabasan ng painting namin. Maliwanag ito at kitang-kita ang mga detalye. Namimiss ko ng ang Nanay at Tatay. Sana nandito sila para tulungan ako sa pagbubuntis ko.

Natigil kami saglit dahil sa doorbell. May tao 'ata. Palabas palang ako ng pinto ay dumating na si Maria, isa sa mga katulong dito.

"Ava may naghahanap sayo," parang gulat pa ito nang magsalita. Sino naman kaya 'yun? Wala akong kaibigan na sinabihan kung saan kami nakatira. Ni hindi nga nila alam ang nangyayari sa buhay ko. Hindi nila alam na pumayag akong ibenta ang anak ko para sa pera.

"Dito ka lang Ader ha. Maria pakibantay naman siya. Saglit lang ako." Tumango silang dalawa kaya dumiretso na ako sa pintuan. Nakita ko ang isang babae na nakatalikod sa akin. Pamilyar ang babaeng 'to.

"Magandang uma–"

"Walang maganda sa umaga kung ikaw ang sasalubong sa akin. You're Ava, right?" Bliss?

"By the way, I'm Bliss Rosell. Aidan's one and only fiancee. I'm sure you already know me." Nilahad niya ang kamay niya sa akin pero bago ko pa maabot ay binawi niya na.

"Eww, what's with your hands? Paint?"

Sampalin ko kaya ang babaeng 'to? Napakaarte. Ngayon lang ba nakakita ng pintura ang babaeng 'to?

"Matanong ko lang ho, ano ho bang kailangan niyo? Kung wala ho ay maari na kayong umalis." Kahit matabil ang dila niya ay sinikap ko pa rin na gumalang sa kaniya. Kahit papaano ay wala naman siyang ginawa na makakasakit sa'kin.

"W-what? Ho? You're so old fashioned. I'm now wondering where did Aidan get you," umiirap nitong sabi. Nanatili akong tahimik dahil hindi ko alam ang gagawin o sasabihin.

"Ah, I know. You're just using Aidan's money and probably brainwashed him. For your information Miss- whoever-you-are, you are just one of Aidan's toy. Aidan is just playing around before our wedding because he knows I'm okay with it. So you better back off." Sa sinabi niya ay parang napatid ang natitira ko pang pasensya. Hindi ko na napigilan at sinagot ko na siya nang pabalang.

"Alam mo tarsier? Naririndi na ako sayo. Hindi ko ginagamit ang pera ni Aidan, kung pwede nga lang ay bayaran ko ang lahat ng naigastos niya sa amin. At isa pa kung sayo ikakasal bakit hinahayaan mong magliwaliw siya sa iba. Paano kung malusutan ka? Wrong move tarsier. Fool's move," umiiling kong sabi, nang-uuyam.

"Sa ginagawa mong 'yan ay nagmumukha kang mas mababa sa'kin. Mukha kang palengkera." Tatalikuran ko na sana siya ng hinablot niya ang buhok ko at sapilitang hinarap sa kanya.

Akmang sasampalin niya ako ng biglang dumating si Tonio at sinangga ang kamay niya.

"Don't ever touch dirty hands my cousin," mali-mali na naman ang English ng pinsan ko.

"Nagwa- warshock ka talaga eh 'no!?
Umalis ka dito o gusto mo kaladkarin pa kita!" Mukhang natakot naman si Tarsier kaya umalis. Kakaiba kasi abg mata ni Tonio, dagdag pa na malaki itong tao.

"Maling tao ang kinalaban mo, hindi ako titigil hanggat hindi ka nawawala sa mundong 'to," huli niyang sabi bago nagmamadaling umalis.

Aaminin ko na natakot ako sa banta niya. Kung hindi lang ako inaya papasok ni Tonio ay forever na akong tulala 'dun. Nagmukha lang akong matapang dahil kasama ko si Tonio.

Binagsakan agad ako ni Tonio ng maraming tanong pagkapasok namin. "Sino ba 'yun sisteret at kay yabang naman? At anong kinakalaban? Sumali ka ba sa bugbugan? Hala, te! Buntis k-"

"Hindi Tonio!" Napasigaw na ako. Ewan ko ba. Ang init ng ulo ko. Ganto ba 'pag buntis. Dumadagdag pa ang OA na si Tonio.

"Oh bakit u galit? Pero, sino ba kasi 'yun? 'Kala mo kagandahan eh."

"Fiancee daw siya ni Aidan."

"Oh my gosh! Bakit niya ginagawa ito? Joke, ano ba 'yun?" Hays, bobo talaga. Joke. Bakit ba ang init ng ulo ko? Kasalanan 'to ng tarsier na 'yun eh.

"Papakasalan daw siya ni Aidan. Pinaglalaruan lang daw ako nito saka pinagbintangan niya akong ginagamit si Aidan para sa pera." Nasaktan ako sa sinabi niya kahit na parang ganoon na nga ang nangyayari. Sa dami ng tulong sa akin ni Aidan, nakakahiya na ganito na ang iisipin sa akin ng mga tao sa paligid niya. Malamang, isang cheap na babae ang tingin nila sa'kin.

"Ano!? May finance na siya tapos juntis ka. What happening he wants in our world." Finance? Nako, kahit kailan talaga 'tong si Tonio.

"Hindi ko alam pero dapat hindi tayo naniniwala sa kanya. Baka kasi sinisiraan niya lang sa atin si Aidan. Mukha kasing baliw ang babaeng 'yun eh. Saka Tania kamukha niya yung tarsier sa pinasyalan namin." Hindi ko pa rin talaga makalimutan 'yung tarsier na kamukha ni Bliss.

"Kaloka sa tarsier pero baka nga may sayad ang babae na 'yun. 'Wag mo nalang pansinin, pinsan. Hayaan mo at nasa likod lang natin si Aidan. Lalo pa ngayon, juntis ka. Worry stop! Let's cook the dinner." Napailing nalang ako at naisip na tama siya. Baka makasama pa sa baby ang pag-iisip ko nang ganito.

Nauna na siyang pumunta sa kusina para magluto. Sumunod ako pagtapos kong tignan saglit si Ader. Sasabihin ko ba ang nangyari kay Aidan?

Sixto (COMPLETED)Where stories live. Discover now