Kabanata 17

536 22 0
                                    

AVA

Nagising ako sa mga ingay na narinig sa sala. Halos tanghali na nang magising ako. Puyat dahil sa walang sawang selebrasyon namin kagabi. Natawa ako sa naalala.

"Manang? Nasaan po ang mga tao dito? Sila Sixto?" Nataranta ako ng makita ang panic sa mga mata ni Manang.

"A-Ano kasi hija, si Don Dan sinugod sa ospital kaninang umaga," what? Anong nangyari?

"Inatake sa puso ang Don. A-Ang anak mo ay kanina pa iyak ng iyak. Kasama niya kasi ang Lolo niya kanina. Hindi namin mapatahan ang bata. Si Sir Aidan ay baka nasa ospital parin. Wala pa kaming balita. Sila Sir Cyp at Meko ay sumama na din. Nandyan kasama nang anak mo sila Marissa, Exhe at Tania. Puntahan mo na at baka mag-kasakit pa. Hindi ako makapunta sa ospital dahil maraming pinapaasikaso sa akin," hindi parin nagsi-sink in sa utak ko ang narinig.

Paano? Malakas pa ang Lolo kagabi. Ano bang nangyari? Buong gabi kaming nagsaya sa paglalaro nila ni Sixto. Tawa pa kami ng tawa sa paggaya nilang mag-Lolo kay Kris Aquino at Kim Chiu.

Dali-dali akong bumaba at agad nadatnan ang anak kong hindi matahan nila Exhe. Nang makita ako ay yumakap at umiyak ng malakas. Inalo ko ang bata at hinayaan munang umiyak sa balikat ko. Pasimpleng tanong ang ginawad ko sa dalawa. Nang mapagod ang anak ko sa kakaiyak at nakatulog ay saka ko sila inusisa.

"Tanghali na din ng magising ako, Vava. Nakita ko nalang ang umiiyak na anak mo habang ginigising ang Lolo niya. Mabilis akong humingi ng tulong. I ran upstairs to call Aidan but he's nowhere to be found. Maaga daw namasyal sa bukirin nila kasama si Meko. I have no choice but to call Cyp, we immediately contact Aidan. Nang bumalik sila ay saka lang sinugod ang Don," si Exhe, parang naluluha na rin sa mga nangyayari.

"Mula noon ay walang tigil na ang pag-iyak ng junakis mo," sabat naman ni Tonio. May luha din akong nakita sa mga mata niya. Marahil kinakabahan din sa nangyari. Napakabait ni Lolo Dan at sana ay walang mangyaring masama sa kanya. Ngayon palang siya nakakasama ni Sixto.

Inaya ko muna silang kumain ng almusal ngunit ako'y patuloy pa rin ang pag-iisip ng malalim. Ano bang nangyayari?

Nang matapos sila ay nagsabing magpapahinga muna. Pumayag nalang ako dahil halos puyat talaga ang lahat. Hindi ko namalayang nakatulog ako, hapon na paggising ko.

Nagtungo ako sa sala at nakita si Aidan na kakapasok lang. Diretso ang lakad ko papunta sa kanya para magtanong. Pagod ang mga matang binaling niya sa akin. Nang makalapit ay bigla nalang yumakap at humagulgol ng iyak sa balikat ko.

Nagulat ako at agad siyang inalo. Hindi ko na kailangang tanungin ang nangyari dahil nagsalita na siya.

"Wala na siya, wala na ang Lolo. Iniwan na niya ako, tayo. Ang daya talaga. Sabi ko 'wag muna eh. Ava, anong gagawin ko. Ava, ang sakit sakit naman," patuloy pa rin ang iyak niya.

Napaawang ang labi ko sa narinig. Halos hindi matanggap ng isipan ko ang nangyari. Inakay ko siya paupo, umiiyak parin.

Namalayan ko nalang na umiiyak na din ako. Napakasakit pala makita si Aidan na ganito. Parang tinanggalan ng pag-asang mabuhay. Naalala ko ang pinagsamahan namin nila Lolo na kahit saglit ay naramdaman ko ang pagmamahal niya. Sunod na pumasok ay sila Cyp at Meko. Malungkot at pagod din ang itsura nila.

"Ma, bakit po kayo umiiyak? Papa, where's Lolo po? Sleep na po kami uli, bukas di na muna kami mag-play po para rest po siya." Anak? Si Sixto nasa harap namin kasama sila Exhe, naghihintay ng sagot kung bakit kami umiiyak.

Bumitaw si Aidan sa yakap ko at lumapit kay Sixto. Pilit niyang tinatatagan ang itsura niya pero paulit-ulit ding nabigo. Puno ng luha ang mga mata niya habang nakatingin sa anak namin.

"Pa, why po? 'Wag ka na cry, ayaw namin po ni Lolo ikaw umiyak," lalo lang hindi matigil ang luha ni Aidan sa narinig. Yumakap siya sa anak ko habang humihikbi na parang bata. Sa itsura niya ay naiyak na rin ang bata. Nakuha na agad nila Exhe ang balita, nakita kong kausap na nila sila Cyp.

"Y-Your L-Lolo is n-now in h-heaven anak. M-Masaya na siya with Papa God at mga angel sa langit. W-Wala na siyang s-sakit na m-mararamdaman. Masaya siya kasi nakita ka niya," utal-utal at may nginig sa boses niya ng magsalita. Umiiyak na tumingin sa akin ang anak ko, hindi alam kung paniniwalaan ang ama. Malungkot akong tumango na tingin ko'y hindi naintindihan ng bata.

"Papa, why are you telling that? Lolo's fine po! Sleeping lang siya. Sabi niya kanina pagod na siya kaya baka mag-sleep na po siya. I cried kasi pagod na si Lolo, ayaw na niya mag-play. Sabi ko alagaan ko siya pero ayaw niya tapos hawak siya sa may chest niya, masakit daw Papa," lalong lumakas ang atungal ni Aidan, parang batang naglulupasay dahil iniwan ng magulang.

Umiiyak na din ang lahat ng tao sa sala lalo na si Manang Mely na narinig na ang balita. Ang anak ko'y mukhang wala paring nalalaman sa tunay na nangyari sa Lolo niya.

Lumapit ako para magpaliwanag. "Come here Sixto, anak. Y-Your Lolo is tired so he finally rest. He's with God and angels in heaven anak. Masaya do'n kaya gusto ng Lolo mo dun," sumagot ang anak ko na puntahan ang Lolo niya.

Umiyak nalang ako sa kainosentehan ng bata. "Anak, hindi pwede, eh. Si Lolo kasi marami na siya nagawa at sobra na siyang pagod kaya magpapahinga na siya. Magagawa nalang natin ay pag-pray na magpahinga na si Lolo ng maayos," tumango ang anak ko nang naliwanagan sa nangyari. Matalino ang anak ko. Alam kong nakuha niya na ang nangyari pero nanatiling ignorante dahil hindi matanggap ang katotohanan.

We all spend the night crying and mourning about Lolo Dan's death. Kinagabihan ay inaya ko na munang matulog si Aidan at Sixto. Magkatabi ang mag-ama sa kwarto ni Lolo Dan. Tinabihan ko ang anak at natulog na rin. Kita sa mukha ni Aidan ang pagod at sakit. Habang natutulog ay patuloy na lumuluha ang kanyang mga mata. Awang-awa ako sa kaniya pero wala akong magawa kundi damayan siya.

Kinaumagahan ay nasa bahay na nila ang labi ni Don Dan, dito nila piniling iburol. Marami na agad ang tao nang bumaba kami, ang ilan ay galing sa mga foundation ng Lolo Dan. Magsisimula na din ang misa sa pagbaba namin.

"We are all here for wake of the great Lolo of Zambales, Aidan Sparrow Castuera the third also called Don Dan," patuloy ang pagsasalita ng pari sa harap. Seryoso akong nakikinig at natinag nang tawagin ni Tonio. Binalingan ko siya at hinitay ang sasabihin.

"'Te bakit wake kung deads naman na?" Akala ko matino, inirapan ko nalang siya at bumalik sa pakikinig. Mukha pa rin siyang nagtataka, jusko!

Natanaw ko din ang Mama ni Aidan na kanina pa agaw eksena kasama si Bliss. Parehas na nakaitim ang dalawa at may wayfarers pang suot. Natapos ang misa ay tumulong na kami sa pag-aasikaso ng tao. Kasama ni Sixto si Nanay na walang sawa ang pagtingin sa Lolo niya, hindi natatakot ang bata.

Paakyat kami ngayon sa opisina ni Lolo Dan sa mansyon, pinatawag kaming dalawa ng abogado ng pamilya nila. Para daw ito sa will and testament ni Lolo, nagtataka ako kung bakit ako nasama. Nasagot din naman ako agad at nagulat pa sa nasabi ni Atty. Bakit gano'n?

Sixto (COMPLETED)Where stories live. Discover now