Kabanata 2

858 28 6
                                    

AIDAN

Nagising ako dahil sa walang tigil na pagkatok na narinig ko. Tumayo ako kahit na hindi pa ako nakakapag-suot ng pang-itaas. My hair is even messier than the usual. Maaga pa pero may nang-iistorbo na nang tulog ko. Magrereklamo sana ako nang maalalang nasa ibang bahay pala ako kaya agad kong pinigil ang sarili.

"Good morning po Sir, " bungad sa 'kin ni ng kaibigan ni Star, si Ava nang buksan ko ang pintuan.

"Good morning to you too, " nagtataka ako kung bakit siya nandito. Ganito kaaga? Akala ko ba hindi siya katulong dito? At bakit hindi siya makatingin sakin? Is it about my looks? Well, I know I'm still handsome. Not the time to joke around, Aidan.

"K-kape po niyo Sir. Pinapasabi din po ni Sir M-meko na p-pakidalian niyo at may gagawin daw po kayo, " nauutal siya habang sinasabi 'yon. Kinuha ko na naman ang inabot niyang kape. This looks tasty. Did she made this? I suddenly felt special.

"Oh okay. Thanks for the coffee, but why aren't you looking at me? You're shy?"

"Not shy, not me? ITZYYYYY, " hindi ko naintindihan ang sinasabi niya dahil mahina lang 'yun. Mukhang hindi niya namalayang narinig ko ang sinabi niya.

"What?"

"Ah w-wala po, kasi po wala po kayong pang-itaas na damit. Naiilang lang po ako, " mabilis na pagsasalita niya. "Aalis na po ako," at tumakbo na siya nang mabilis. Muli ko pa siyang sinulyapan pero hindi ko na nakita. Parang nakakita ng multo sa bilis nang pag-alis.

I get back to my room and sip on my coffee. Not bad, she can own a cafe.

             
"Sino bang sinasabi mong kilala ng mabuti si Ava at ang pamilya niya? " kanina pa kami naglalakad pero wala pa rin kaming napapala. Hinahanap namin 'yong sinasabi niyang mapagtatanungan tungkol kay Ava. Pero hindi pa rin naminahagilap. Tingin ko niloloko lang ako nitong si Meko.

"You have to chill, bro. Malayo talaga dito at hindi kaya ng sasakyan natin kaya kailangan nating maglakad," mukhang tuwang-tuwa pa ang mokong. Akala yata adventure ang pupuntahan namin.

Makalipas ang ilang minuto ay narating din namin. Well, kinda worth it. This looks peaceful here. Maraming puno at halaman akong nakikita. Habang tinatanaw ang paligid, may lalaking tinawag si Meko na tingin ko'y pagkukuhanan namin ng impormasyon tungkol kay Ava.

"Mang Chicharon, " tawag ni Meko sa lalaki. Chicharon, really? Is that really a name? Unique name, huh? Wala sa sarili akong natawa. "Ito nga po pala ang kaibigan ko. Taga-Maynila po ito. Kaklase ko noong college," I extended my hands as a formality and introduce myself.

"Ah good morning po. I'm Aidan Castuera, " we shook our hands together. Nakangiti ang matanda sa amin lalo na kay Meko. Ganito ba kasikat ang lalaking 'to dito?

"Mang Chi, nais lang po sana namin magtanong tungkol kay Ava Nashea Madrid, kilala naman po ninyo ang tinutukoy ko, 'diba?"

"Oo iho. Kapitbahay ko ang mga Madrid. Mabait na bata 'yang si Ava. Matagal nang namayapa ang Nanay niya at kasalukuyang nagtatrabaho ang Tatay niya sa construction. Hindi din permanente 'yun pero pinagtiyagan nalang nila dahil may sakit ang bunso kapatid ni Ava. Anim na taong gulang palang nang ma-diagnosed na may sakit sa kidney ang bata. Kasabay nun ay pagkamatay ng Nanay nila. "

"Iba't-ibang trabaho ang pinasukan niyan ni Ava. Matalino siya pero kinailangan niyang itigil ang pag-aaral para magtrabaho. Kadalasan ay naglalaba, tiga-linis ng bahay, pagpipinta sa bayan at paggawa ng school works ng ilang mayayaman ang trabaho niya. Balita ko nga eh tumutulong din sainyo iyon Meko kasabay ng pagtulong ni Star. Kasama niya din sa bahay nila ang pinsan niyang si Antonio. Tania daw sa gabi,  " natatawa siya sa huling niyang sinabi. I don't get what's funny but I smiled a little. Mukhang tama kami nang kinuhanan ng impormasyon, madaldal ang matanda kaya isahang tanong lang ay ang dami na nitong nasasabi.

Sixto (COMPLETED)Where stories live. Discover now