Kabanata 1

1K 28 17
                                    

AIDAN

Habang bumabyahe ako papunta sa bahay ng kaibigan ko sa probinsya ay iniisip ko parin ang pinag-usapan namin ni Lolo.

"But you know me bro, I don't want to be fucking commited, " kasalukuyan kong kausap ang kaibigan ko through phone.

"I know that Aidan, but as you said you have no choice, man. Hindi titigil ang Lolo mo hangga't wala kang pinapakitang anak sa harapan niya. Masisira lang lahat nang plano mo. Alam mo may naisip ako."

"What is it?"

"Bakit kaya hindi ka nalang kumuha ng baby maker," masaya pa niyang saad na parang malulutusan no'n ang problema ko.

"Baby maker?" Puno nang kuryosidad kong saad.

"Baby maker yung-" pinutol ko ang sasabihin niya.

"I know what it means fucker. I meant how? It's a good idea but how will we get a baby maker? Girls these days are so clingy. Baka maghabol lang 'yun at gamitin ang anak ko para makuha ang gusto niya." Girls these days are scary. Hindi nalang lalaki ang nagloloko. Kahit sino, basta malakas at makapal ang apog.

Meko answered "Then we should choose a province girl. Yung medyo tatanga-tanga para hindi maghahabol.  Good idea isn't it?" Napailing ako na parang makikita ng kaibigan.

"Paano kung pangit ang mapili natin? At tanga-tanga? Really? Baka makuha pa ng anak ko ang ganun ugali," inis kong saad. If I were to chose a girl, syempre, pipiliin ko na 'yong may class. Mahirap na at lumaking may sapak sa ulo ang magiging anak ko.

"Alam mo Aidan, province girl these days are beautiful. Sariwang hangin ang nalalanghap, malayo sa mga bar at puro pagtatrabaho lang alam. You know, what? I suggest Ava to be your baby maker. Kaibigan iyon ng bunso kong kapatid," Ava? Ang bilis naman ng mokong na ito na makahanap ng prospect. Napag-aalaman talaga kung sino ang babaero. Napatawa ako sa naisip dahil alam kong hindi gano'n ang kaibigan ko.

"Ava, huh? We'll see, " sabi ko at agad pinutol ang tawag. Nakakapagtaka na parang tinanggap ko na ang kapalaran sa pagkakaroon ng anak. But maybe, I was really this desperate to get the mansion. That mansion means a lot to me. Hindi ko makakaya na basta nalang ipamigay 'yon sa iba.

Ilang oras din bago ako makarating kila Meko at gabi na. Malaki ang bahay nila Meko pero halos walang nakatira. Nasa Japan kasi ang mga magulang niya, inaasikaso ang bussiness nila 'dun. Habang ang kaibigan ko naman ang namamahala ng kompanya nila dito sa Pilipinas.

"Sir magandang gabi po, " mahinhin na sambit ng hinala kong katulong nila Meko.

"Magandang-, " humarap ako dito pero napatigil ang dapat pagbati ko sa ganda ng babaeng nasa harap ko. Bilog na bilog ang itim nitong mata, matangos ang ilong at manipis ang labi. Umaalon ang buhok niyang hanggang baywang ang haba. Sa tingin ko'y bata sa aking ng limang taon ang babaeng ito. Talaga bang katulong ito? Papasa itong model ng international brands. Mukha pa itong bagay mag-artista. So, this is what Meko is telling when he said that province girls are so pure, beautiful and innocent, huh?

Gano'n pa man, wala akong interes sa mga babae. Kahit sino pa 'yan. Kahit ganito kaganda. Muli kong pinasadahan nang tingin ang babae bago umiling.

"Good evening, is Meko inside?" Malamang nasa loob ang kaibigan ko, bahay nga nila ito, diba? Nonsense question.

"Ho? Si S-sir Meko po? Nasa loob po, opo pasok po, " tingin ko'y kinakabahan siya sa presensya ko. Sabagay, sobrang gwapo ko at alam kong bihira 'yon sa probinsya.

Pumasok na ako sa loob pero hindi pa rin naalis ang babaeng 'yun sa isip ko. Nakita kong bumababa si Meko mula sa ikalawang palapag ng bahay nila.

"Aidan my man, you're here. Mabuti at hindi ka naligaw? " nakakalokong tawa ang pinakawalan niya. Hindi na nagbago ang kaibigan, puro tawa nalang ang ginagawa sa tuwing magkikita sila. Parang lagi pang may kalokohang binabalak sa tuwing ngingiti.

Sixto (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang