Kabanata 13

594 21 0
                                    


AVA

"Happy birthday to you my man, Cyprus!" I was shock at the man in front of us. I immediately look away and look at my son but he just follow my eyes. A minute I saw a tears near his eyes. Mukhang pinipigilan niyang tumulo.

Kinakabahan ako, bakit siya nandito? Iniisip ko kanina na kung makita ko siya handa akong ipakilala si Sixto sa kanya. Bakit ngayon ay parang hindi ko kaya?

"Oh Ava, you're here? Good choice of place, huh?" Kinabahan ako sa tinuran niya. Nagtatakang napalingon si Cyprus sa akin. Bakit ba kasi kung saan saan pumupunta si Exhe?

"You know each other, Aidan? That's cool!" Wala talagang kamuwang-muwang sa mundo si Cyprus.

"She's the one I'm telling you about. The girl I like," si Cyprus pa rin. Ako? What about Exhe? Nakita ko siyang nakatingin sa akin at umiiyak na umalis. Susundan ko na sana siya ng mapigil ako ng salita ni Aidan.

"Yeah, she's the mother of my son. The one that left me years ago and never come back," naguguluhan pa rin si Cyprus sa nangyayari. "Hi my Ava, miss me?"

My? Hindi ako sa kanya! Pero bakit ako kinilig? Argh, si Exhe nakalimutan ko. Hinanap ng mga mata ko si Tonio pero nakita ko siyang nakikipag-harutan. Seriously?

Pagtapos sabihin ni Aidan 'yun ay lumapit siya sa anak ko. Lumuhod siya sa harap nito habang sinasalubong ang inosenteng mata ng anak ko. Tumingin sa akin gamit ang nagtatanong na mata. He's your father baby, but I can't say that to him. I froze in my seat staring at my son and  his father. Ang sarap pala sa pakiramdam makita mo silang magkasama.

"Hi? I'm Aidan, your f-father," nanginginig ang boses ni Aidna habang nagsasalita.

Nagtatakang napatingin sa kanya ang anak ko at nag-isip sandali. Nang may naisip ay bigla siyang humarap sa ama at yumakap. "Right! You are my father! We have the same name and we look alike. Wow, I can't believe I have my father with me. I didn't say this to Mama but I want to meet my father. I'm always dreaming about what a father's love like. I don't want Mama to be bothered and frustrated so I didn't ask. Now I will be able to experience it. My name's Aidan Sparrow Madrid the sixth po. Call me Sixto po, Papa. I love you po Papa!"

Parang gusto kong umiyak sa narinig sa anak ko. Sa murang edad inisip niya ako imbes ang hinahanap niyang pagmamahal ng isang tatay. Akala ko kahit mag-isa at mahal na mahal mo ang anak mo hindi na niya kailangan ng Tatay. Pero mali ako, siguro nga ay tama na nagkita na sila ngayon. Napatingin ako kay Aidan na ngayon ay yakap ang anak niya. Umiiyak siya sa balikat nito. At umiiyak na din ang anak ko na kanina lang ay tuwang-tuwa. Parang ayaw niyang bitawan ang ama.

Napatingin ako sa mga tao sa paligid at kay Cyprus. Nakatingin silang lahat sa amin. Nakangiti si Cyprus sa dalawa ng magtama ang mata namin. Malungkot siyang ngumiti sa akin. Nasira ko ang birthday niya.

Lalapit sana ako ng marinig ko si Sixto kausap ang Papa niya. "Why are you crying po, Papa? Are you sad? Don't you want me as your child? Ako po, I'm crying kasi miss kita," nanlaki ang mga mata ko nang itanong 'yon ng anak ko. Parang maiiyak na din tuloy ako sa mga nangyayari.

"No, this is what you called tears of joy, baby. I just miss and love you so much. You look like Papa, really handsome," ang hangin. Nakalimutan kong lalapitan ko pala si Cyp. Nang papunta ako doon ay wala na siya. Lumapit sa akin si Tonio na sa wakas ay tapos na sa pakikipag-landian.

"Anyare, sisteret? Baketch nemen sa birthday pa ni Papa Cyp kayo nag-drama? You know naman na like niya ang Ateng mo!"

"Ha? Wala akong ate, Tonio. Ako ang panga-"

"Alam ko, letche talaga! Ibig ko sabihin, ikaw. Gusto ka niya," ah ako ba? Bakit kasi Ateng? Pero teka?

"Hindi ko alam, Tonio. Isa pa, bakit ako? Si Exhe-"

Naalala ko 'yung sinabi ni Exhe 'nung nasa mall kami.

"It's not about that, Ava. Hindi sa tagal ng pagsasama 'yan, sa feelings yan Ava. Ikaw, diba sa sandaling panahon minahal mo ang Tatay ni Sixto? Ganun din yun kay Rus, Ava."

Pero bakit ako? Alam niya ang kwento ko, na nag-pabuntis ako dahil sa pera. Umalis dahil hindi ko kaya at tinangay ang anak ko sa ama niya. Lumapit ako sa mag-ama at niyaya silang lumabas. Bago ako makalabas ay hinarap ko ang mga magulang ni Cyp.

"I'm sorry po. I didn't mean to ruin Cy-"

"Stop! Noon ay gusto kita dahil kahit may anak ka ay hindi ka pumapatol sa kung kanino. Nang sinabi ni Cyprus na gusto ka niya, pumayag ako. Tapos ngayon, sinira mo ang birthday party niya? How can you do that, Ava?"

"Sorry po talaga, hindi ko po sina-"

"Just stop it! Ngayon hindi na ako magtataka. Sixto is Aidan's son. Yoy are one of them? That's disgusting, get out!" Mukhang alam ko na ang tinutukoy niya. Tungkol sa madami kaming nabuntis ni Aidan.

Napayuko nalang ako habang lumalabas ng venue. Ang daming nakatingin sa akin halatang sinisisi ako sa pagsira ng birthday ni Cyprus. Ang daming naperwisyo. Si Exhe, hindi ko alam kung paano ko siya haharapin lalo na si Cyp ngayong alam kong may gusto siya sa akin.

Nakita ko ang mag-ama na naghihintay sa akin. Nakasandal si Sixto sa ama niya habang buhat siya nito.

Si Tonio ay hindi ko alam kung nasaan. Sumakay kami sa sasakyan ni Aidan at itinuro ko nalang ang direksyon papunta sa bahay. Habang bumabyahe ay walang sawa ang anak ko sa pagsasalita. Excited at hyper masyado dahil sa pagkikita nilang mag-ama. Nakalimutan na rin niyang birthday ng paborito niyang Tito. Nabati naman niya ito at nabigay ang regalo pero nang makasama ang ama ay ayaw ng umalis.

"Mama, I'm tired na po," pagkatapos ay tuluyan ng nakatulog sa lap ko ang bata.

"Once we get to your home, we talk about the custody of Sixto."

"Anong custody?"

"Still slow? So that don't changed, huh?"

"Gets ko! Ang sinasabi ko lang bakit kailangan ng custody? Hindi natin kailangan umabot sa ganun Aidan! Makakasama mo siya, we'll create a schedule. At teka? Hindi ako s-slow ah."

"You are!"

"Mabilis nga ako magsalita!"

"See? Whatever! Choose! I'll file a custody or you'll live with me again, with Sixto this time. And no leaving! You will marry me. Think about my offer, Ava."

"No! Hindi ako papayag! Ayokong makasal sayo at may buhay kami sa lugar na 'to, Aidan. Hindi mo pwedeng basta kunin 'yun samin."

"May deal din tayo, Ava! Pero, ano? Nagawa mo pa rin ilayo sa akin ang anak ko. Six fucking years, Ava! And why not? What life are you leaving here?" Napansin kong nahinto na kami sa bahay. "Kanino mo nakuha ang perang pang-gastos sa bahay na ito. And how the hell did you get the money you gave to me the time you left? Some men? Sumama ka ba sa ibang lalaki dahil hindi ako sapat? We had a deal and you broke that! You're cheap. I shouldn't have trusted you!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Pagtapos kong ilapag si Sixto sa kama niya ay malakas na sinampal ko si Aidan.

"You don't talk to me like that! Hindi mo alam kung anong pinag-daanan ko. Sumama ako sa Nanay ko na inakala kong patay na. Hindi lang dahil takot akong mawala ang anak ko sakin. Gusto kong makasama ang Nanay ko. And you're asking me how did I get the money I used to pay you back? Some people help, the same people that help my mother. She helps me to study and build my own restaurant where I get money to build this house. I'm not some cheap whore, Aidan! I'm not your whore. At ikaw? Ikaw dapat ang hindi pagkatiwalaan!"

'Yun lang at iniwan ko siyang nakatulala doon.

Sixto (COMPLETED)Where stories live. Discover now