Until Our Stars Align

73 5 1
                                    

Chapter 5

"We are like tow stars far distant in the vast universe destined to collide and we changed forever" 

*****

Silva's PoV

"Mharya..." I called out to her when I entered the room she's staying in and saw her vomiting inside her bathroom.

Nanghihinang nilingon niya ako habang yakap yakap ang lababo, Maiyak-iyak siya sa pagsusuka niya.

"W-What are you doing here?" She painfully asked with her strained voice. Tuluyan na akong pumasok sa banyo at hinimas ang likod niya, if only I can share half of the pain she's feeling right now.

"The maids informed me about your situation, you should've have told me"

Pinunasan ni Mharya ang mukha niya at umiling "Wala ka din namang magagawa, this is normal for a pregnant woman like me... Saka sanay na ako, kahit sa gabi ay nagsusuka ako" sagot niya na ikinagulat ko. Her pregnancy must really be sensitive.

Nang akmang lalabas na siya sa banyo ay maingat na binitbit ko siya, nagulat man ay hinayaan niya ako, siguro dahil sobra nga ang panghihina niya at wala siyang lakas ng makipagaway sa akin.

I carefully laid her down in her bed and placed the blanket on top of her. "You should rest first. I'll have our family doctor visit you later"

Nilibot ko ang paningin ko sa malawak na kuwartong inuokupahan niya at nagdesisyon "I'll have the servants transfer your things in my room. You'll be staying in my room starting tomorrow"

"W-What?" she frowned in confusion.

Hinimas ko ang ulo niya "Masyadong sensitive ang pagbubuntis mo, I want to make sure na mababantayan kita ng maayos. Please kahit ito man lang ay hayaan mo naman ako..." I begged her with a soft smile.

Halata mang hindi kumportable sa nais ko ay tumango lamang si Mharya bilang sagot at pinikit na niya ang mga mata niya para matulog.

Kinuha ko ang  upuan sa harap ng vanity mirror niya at pumwesto sa tabi ng kama niya. Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa kama.

"Wag mo naman masyadong pahirapan ang mommy mo, baby" bilin ko at tinitigan ang mukha ni Mharya.

She's already in her three months of pregnancy now pero hindi pa din halata ang baby bump niya kaya sa unang tingin ay hindi mo aakalaing buntis siya.

I know that she's stressed with our situation and now added by these morning sicknesses. I hoestly don't know what I can do to help her or even lessen her sufferings.

Despite of my busy schedule ay sinisigurado kong chinecheck ko siya, hirap man sa mga nangyayari ay ginagawa niya ang lahat ng makakaya para hindi ito ipakita sa pamilya ko. She's been my best friend for too long the reason I know everything about her.

After staying here in Château de Seville, Mharya started to treat me in a much civilized manner. Sa totoo lang ay dapat ko itong ikasaya dahil hindi na niya ako pinagtutulakan pero at the same time ay hindi ko maiwasang hindi malungkot.

I felt that Mharya started to draw a line between us, a line that was much bigger compared when we were still best of friends...

The more I try to get close to her, the more she steps back away from me.

Kinuha ko ang kamay niya at ginawaran ito ng isang halik "What should I do Mharya...?"

''''''

"How do I make a balut?"

"A what?" ulit ng taong kausap ko sa cellphone ko.

"A balut, Clyde" stressed na napahawak ako sa noo ko nang marinig ko ang isang malutong na tawa sa kabilang linya. 

It was 3 AM in the morning when I had to call Eiffel but since she was still sleeping it was Clyde who had to pick up my call. It should be around 4 AM in Britain right now.

"Sa dami nag pwedeng paglihian ni Mharya, balot pa ang naisip! Mahaba ang proseso ng pagawa ng balut Silva, you have to incubate the duck eggs for at least 2 weeks as far I know"

I released a sigh and looked at the sleeping woman beside me. Ginising niya ako kanina lamang at nagsabing gustong kumain ng baby namin ng balut!

"This is not the only filipino food delicacy she demanded from me Clyde, two days ago I had to order the servants to roast a whole pig because the baby apparently wants a lechon but then she just smelled it afterwards saying that she's already satisfied!" frustrated na pagkwekwento ko sa kanya na tinawanan lang niya ulit.

Oh I can't wait for him to go through the same sufferings once Eiffel gets pregnant as well!

"Wala ka bang mabibili sa mga filipino grocery stores diyan sa France. I think Asian markets occasionally carry uncooked balut eggs. You just need to buy it them steam it" pagbibigay alam ni Clyde at sawakas ay nasolusyunan na ang problema ko!

"Yeah! That might do the trick! Salamat Clyde"

"No problem, pinapasabi ni Eiffel na alagaan mo ng mabuti si Mharya. Good luck man" sagot ni Clyde at ibinaba na ang tawag ko.

I smiled as I placed my phone on the nightstand near my bed. Nagulat ako nang maramdaman ko ang pag pagkilos ng Mharya habang tulog at niyakap ang katawan ko.

It's really a good decision to have her stay in my room.

I brushed her head and planted a light kiss in her forehead.

Sumunod na araw ay nakita ko si Mharya kasama ni Rauzell sa garden. Nakaantabay ang mga maids at napangiti ako ng makita ko ang mga importanteng babae sa buhay ko na nagkakatuwaan.

"Big sister Mharya! How could you eat that thing!" tili ni Rauzell habang nakatakip ang panyo sa ilong nito.

"This taste so good Rauzell! This is famous in my country, do you want to try it?" offer ni Mharya sa kapatid ko at nilapit ang bukas na balut dito. Nandidiring napatayo si Rauzell nang makita akong naglalakad papalapit sa kanila.

Tumakbo sa akin ang kapatid ko at nagtago sa likudan ko "Help me big brother" maiyak iyak na pakiusap niya sa akin. Natatawang umiling ako at hinimas ang ulo niya "Mharya, stop scaring Rauzell"

Tipid na ngumiti lamang si Mharya sa akin at pinagpatuloy ang pagkain niya ng balot.

Umupo ako sa isa pang bakanteng upuan na malapit sa kanya at kumuha ng isa pang balut at sinimulang balatan ito para sa kanya. Nakangiting pinanood ko ang pagkain ni Mharya at naiinis na tinignan niya ako ng punasan ko gilid ng bibig niya.

"Stop looking at me like that" iritadong sikmat niya sa akin na ikinabigla ko.

"Go away, nabwebwesit ako sa mukha mo. Ang pangit mo" dagdag niya, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko ngayong harap harapan niya akong iniinsulto.

I just simply smiled at her, indulging her to throw more insults at me if that could help her lessen her bad mood. I think pinaglilihian din niya ako.

"What are you saying big sister?" nakakunot noong tanong ni Rauzell na nakaupo sa tabi ko.

"She's saying that she can't stand how handsome I am the reason why she wants me to go away" mabilis na sagot ko na inirapan lang ni Mharya.

Mas dumoble ang pagiging maldita niya ngayong buntis siya... Sana ay kayanin ko pa ang pangaabuso niya sa akin sa mga susunod pang mga buwan...

"""" 

Kawawang Silva 🤣















Earl Shots Of LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin