Epilogue

1K 16 4
                                    

"Marian nabalitaan mo bang aalis na si Gab? Gago pupunta sya sa ibang bansa! Tatakasan nya kayo!" Napapikit ako sa inis nung biglang sumingit si Margaux.

Naka upo ako habang nag iisip kung susundan ko ba sya o hindi. Pag sinundan ko sya pwede syang hindi umalis at magiging buo ang pamilya namin at kung hindi ko naman sya sinundan ay magiging single mom ako sa anak namin.

Napakagat ako sa ibaba kung labi. Nakita kung pumasok si Mommy, nakangiti sya sa akin. Kaya lalo akong humagulgol ng iyak. Yumakap ako sakanya niyakap nya rin ako pabalik.

"Shhh, tahan na, ikaw ang mag didisisyon kung susundan mo ba sya o hindi, nandito lang kami, handang suportahan ka, nandito ako para sa anak mo sainyo." Lalo akong humagulgol ng iyak nakita kung pumasok ang buong pamilya.

Niyakap nila akong lahat kaya lalo akong umiyak. "Anak, na sayo ang disisyon kung susundan mo ba sya o hindi." Nakangiting saad ni Daddy tinapik nya pa ang balikat ko. "Ate Mar, sorry sa nagawa ko. Dapat hindi ko tinaboy si Kuya Gab. Ayoko kasing makita kang masasaktan pero hindi ko na isip na lalo kapalang masasaktan kung wala sya." Nakayukong saad ni Boboy nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

So? Pumunta dito si Gab? Hinanap nya ako? Sinundan nya ako pero tinaboy lang sya ng walang hiya kung kapatid? Tumawa nalang ako ng mapait at niyakap ang kapatid kung panget.

"Nangyari na huwag mong sisihin ang sarili mo, siguro ang tadhana talaga ang may gawa nun kaya mo nagawa yun kaya huwag mong sisihin ang sarili mo." Ngumiti pa ako sakanya ng pilit, niyakap nya lang ako kaya napangiti ako.

"Basta lagi mong tandaan na nandito lang kami, ha? Andito lang kami handang suportahan lahat ng desisyon mo, handa rin kaming maging ama at ina ng anak mo kung sakaling ipamigay mo sya." Sinamaan ko ng tingin si Margaux nag piece sign lang sya.

Napangiti ako nung yumakap sa akin ang panganay ko. "Mommy, sundan nyo po si Daddy, para po mag karoon kayo ng masayang pamilya, sana po ay maging anak nyo parin ako kahit mag kakaroon kayo ng totoo nyong anak." Mangiyak ngiyak na saad ni Gavyn napangiti ako dahil sa sobrang cute nya.

Niyakap ko sya at hinalikan sa pisnge. "Ikaw ang panganay na anak namin kaya kasama ka sa pamilya, okey bayon?" Nakangiting saad ko ngumiti lang sha sabay tango.

"PUPUNTA BA TAYONG AIRPORT O HINDI!" Natawa ako nung biglang pumasok si Jersey at Calvin. Kasama papala sila sa kwento.

Nag tawanan muna kami sabay taas ng kamay. "SYEMPRE PUPUNTA KAYA ARAT NA!" Sabay sabay na saad namin hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. Halos buong pamilya namin ay pupunta sa airport na parang may reresbakan.

Agad kaming sumakay sa Van. Meron pangang naka tricycle at bike sa likod namin. Gusto daw nilang makita kung paano ko papahintuin si Gab.

Katabi ko si Margaux at Claire nag dadrive naman ay si Jersey nasa Passenger seat naman si Calvin nasa likod namin nila Margaux sila mommy at ang mga kapatid ko. Naka yakap si Gavyn kay Mommy na kabadong kabado.

"PUTSA TRAFFIC!" Saad ni Jersey nanlaki ang mata ko nung may tumama sakanyang platic bottle. "Yang bibig mo Jersey! Tatampalin ko yan kita mo namang may bata!" Saad ni mommy nag piece sign si Jersey at nag tawanan kami.

"MARIAN HUWAG KANG MAGING MASAYA KWARTER NA NG TWELVE!" Tarantang saad ni Calvin nanlaki ang mata ko. Halos sila ay nanlaki rin ang mata.

"Mukhang hindi mo maaabutan si Gab anak! Hayaan mo nandyan naman si Thyme malakas din namang mag ML YUN!"

"Daddy!" Saad ko nag piece sign din sya. Hindi ko alam kung bakit gusto ko nang bumaba dito sa kotse. Ilang minuto nalang lilipad na ang eroplano ni Gab.

The Pain In 12:51 (12:51 Series #1)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora