Chapter 1

4.7K 93 7
                                    

"Marian! Ano selpon kanalang dyan?!" Napangiwi ako sa ingay ng bunganga ni Claire. Kanina pa sya dakdak ng dakdak, napanguso ako at binaba ang hawak kung selpon. "Bakit ba? Ang aga aga nandito kananaman sa amin, hindi panga nakaka linis ng hinigaan nandito kana." Sarkastika kung saad sarkastika rin syang tumawa at binigyan ako ng isang malakas na batok.

"Ay bwiset! Ano ba ang sakit nun, ha?!" Mangiyak ngiyak kung hinawakan yung ulo ko dahil ang sakit. Bwiset talagang babaeng ito napaka aga nyang mang gising ano? Char lang kanina pa ako gising.

"Anong ano ba? Ano ba?! Kung tadyakan kaya kita dyan!"

"Bakit mo naman akong tatadyakan kabayo kaba? Diba kambing ka?" Mampipilosopo ko sinamaan nya naman ako ng tingin kaya natawa ako. "Oo na! Oo na! Ano bang meron? Bat ang aga aga mo rito!" Inis nyang kinuha yung selpon ko at dinukdok sa mukha ko.

"Yan! Yan! Maaga bayang ala una?! Porpabor Marian! Ilang beses na akong pabalik balik sainyo pero palagi kanalang naka bulagta dyan! Habang naka nganga!" Grabe naman mag salita ang babaeng ito, napaka hardcore.

"Ang sama naman nito sa naka bulagta." Inis na saad ko hinila nya ulit ang buhok ko. "Hihiga ka ulit?! Abay baka i-unsubcribe tayo ng mga subscribers natin!" Napataas naman ang kilay ko.

"Bakit naman nila tayo i-a-unsubscribe? Masama bang matulog?" Taka kung tanong binigyan nya nanaman ulit ako ng malakas na batok. "Gaga ka talaga ano? Ang slow amp! 2M na tayo kaya kailangan na nating mag party! Grocery para sa mga bata!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

"Weh? Dalawang million na tayo?! Gagie talaga?!" Mabilis akong tumayo sa kama at tumakbo pababa sa sala. Nanlaki ang mata ko nung makita ang paligid.

"HAPPY 2 MILLION!"

Napangiti ako sa tuwa nung makitang naka design na sila ng mga lobong puro 2M sa tingding. Tiningnan ko maigi si Claire naka ayos na sya samantalang ako ito sabog ang buhok. Bwiset nakakahiya!

"Yan maligo kana! Dali para makapag picture na kayo!" Sabi ni Mommy habang nakain ng Shanghai. Aba nagising lang ako nag si kainan na sila, ha?

"Dalian mo yan! Mamimili pa tayo! Sasama tayo sa charity diba?!" Tumango ako kay Claire at mabilis na kinuha ang damit na kagaya ng sakanya. Tumakbo ako papasok sa CR at mabilis nag hilod.

Grabe buti pa yung iba may pang mukha, may pang pwet, at may pang katawan. Samantalang ako safe guard lang! Safe na may guardia pa. Corny lol.

Nang maka tapos akong maligo na parang bibe ay sinuot ko na yung damit ko. Naka Jumper ako na diretso pantalon tapos ang panloob nun ay kulay pulang over sized na t-shirt. Ang cute ko. Char.

Nang maka labas ako ay dumiretso ako sa kusina. Kukuha sana ako nang shanghai nung may humila ng buhok ko at agad akong sinuklayan. "Mommy naman eh! Nagugutom na ako, eh!" Pag mamaktol ko lumapit naman si Claire sa harap ko habang may kinakain na lumpia.


"Gusto mo?" Inabot nya sa akin yung shanghai kukunin ko sana yun nung agad nyang bawiin. "Luh! Asa ka!" Sinubo nya ng buo yung shanghai sabay nag pamilat na umalis.

Napanguso nalang ako sa inis. "Lagot ka sa akin Claire! Humanda ka sa susunod na prank ko sayo!" Mangiyak ngiyak kung saad habang nakatingin sakanya. Naka upo sya sa sofa habang feel na feel yung shanghai.


"Ang likot naman!" Halos mangiyak ngiyak na ako sa sakit dahil dinidiin masyado ni Mommy ang pag titirintas sa akin. "Aray naman meh! Whaa! Aray!" Nag mamartsa na ako lahat pero lalo nya pang diniinan kaya umayos nalang ako ng tayo at tinitiis ang sakit

Kaya ayaw ko kay Mommy mag pa braid, eh. Halos sa bunutan nya na ako. Gabe gigil na gigil sa buhok ko.

"Dahan dahan lang naman m--Aray!"

The Pain In 12:51 (12:51 Series #1)Where stories live. Discover now