Chapter 23

548 17 0
                                    

Bakasyon na ngayon! Malapit ng mag pasko! Malapit ngang mag pasko pero hindi ko pa nakaka usap si Gab, simula kasi nung naging kami ay hindi kami nag usap. Nakita ko sa FB ko na nag friend request sya, nakita ko sa instagram at twitter ko na finallow nya ako ng DM din sya sa Instagram pero hindi ko pinansin.

Nakakainis sya! Hinihintay ko syang pumunta dito sa bahay pero ano? Nabalitaan ko nalang na umalis pala sya ng bansa dahil sa new york sila mag papasko tsk! Sana all mayaman.

Napabuntong hininga ako at sinampay na ang mga damit na nilabhan ko. Kailangan ko kasing mag linis ng bahay bago umuwi sa Cavite, ang sabi ko kasi sakanila ay mauna na silang umuwi at mag co-commute nalang ako sabi nila ay papayagan daw nilang akong mag commute basta ako daw mag linis ng bahay dito sa Maynila.

Ako namang si gagang hinihintay si Gab ay pumayag. Ang nakaka luka lang ay kahit minsan ay hindi ako binisita nung gunggong nayon! Siguro ay mas pinili nya pa yung Erika nayon, kesa sa akin! Nakakainis yung babaeng yun!

Nang matapos akong mag sampay ay nag hugas ako ng pinag kainan ko. Naka bra lang ako at pekpek short. Wala naman akong kasama dito sa bahay saka pag katapos kung mag linis ay maliligo na ako.

Sana naman ay sunduin ako ni berry, pupunta kasi sya sa lola nya sa Imus siguro dadaan din sya sa bahay namin sa Bacoor. Nang matapos akong gumawa ng mga gawaing bahay ay tinanggal ko yung tali ko sa buhok. Patalon akong humiga sa kama dahil sa pagod.

Nakakainis yung lalaking yun kapag nakita ko talaga sya hindi ko sya yayakapin! Hahalikan ko lang sya, Char!

Kailan kaya balik nung mukong nayon? Nakakainis na balitan ko kasama nya pa yung bwiset na Erikang yun!

Padamog akong tumayo nung marinig kung may nag door bell tsk! Sino naman kaya yun? Napangiti ako dahil baka si Berry yun, sa wakas makaka libre ako ng pamasahe.

Nakangiti kung binuksan yung pinto. "Babe buti pumunt---" hindi ko na natapos ang pang aasar ko sana kay Berry dahil iba ang mukhang tumambad sa akin nagulat ako nung makita sya.

"G-gab? Anong ginagawa mo dito?" Gulat na gulat kung saad. Nakita ko kung paano kumuyom ang kamao nya, nag tiim bagang din yung panga nya. Napalunok ako sa nung tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa

Biglang nag dilim ang paningin nya. "Babe, ha?" Sarkastika nitong saad. Nagulat ako nung bigla nyang inabot sa akin yung teddy bear na panda at isang bouquet na white rose. Shit paano nya nalaman ang favorite flower ko?

"Hoy saan ka pupunta?" Sigaw ko sakanya nung inis syang lumabas. Binaba ko muna yung pinigay nya sa gilid. Hinabol ko sya palabas, hinawakan ko yung kamay nya na nag palingon sakanya paharap sa akin

"Hoy ano bang problema mo?" Inis na saad ko. Paano ba naman ako maiinis bigla nalang syang kakatok tapos mag wo-walk out imbes na yakapin nya ako dahil namiss nya ako.

Bumontong hininga sya. "Ikaw? What are problem? Tinitext kita sa lahat ng account mo pero cinacancel request mo!" Inis na saad nya napanguso naman ako sabay cross arms. "Sorry naman, kasi hinihintay kita na dumating dito, saka malapit lang naman Condo mo dito sa amin bakit hindi ka makapunta dito?" Parang bata kung saad.

Bumontong hininga ito. "I'm sorry Ebs, nahihiya kasi ako sa parents mo, akala ko din nasa Cavite kana, ngayon ko lang nalaman na nandito kapapala." Nakayuko nyang saad.

So ganon pala? Akala nya nasa Cavite na ako? Aish! Pero anong sinasabi nya na ngayon nya lang nalaman?

"Anong ibig mong sabihin sa ngayon mo lang nalaman?" Gulat na saad ko. Ngumiti sya ng mapait. "Yeah, kanina ko lang nalaman, nung malaman ko agad na ikaw lang ang mag isa dito agad akong umuwi papuntang pilipinas, pero nakaka tawa lang mukhang may hinihintay kayata." Tumawa ito ng sarkastika.

Teka ano bang sinasabi nyang hinihintay? Nanlaki ang mata ko nung bigla nanaman syang paalis. Agad kung hinawakan ang kamay nya at hinila papasok. Paano ba naman maraming napapalingon sa amin. Sa labas pa kami nag aaway!

Nang makapasok kami sa loob ng bahay ay agad ko syang binitawan, ni lock ko ang pinto at humarap sakanya. "Ano bang pinag sasabi mo? Wala akong hinihintay, at kung meron man ikaw lang yun." Mahinahon kung saad.

Tinaasan nya ako ng kilay sabay cross arms. "Really? Who's babe?" Ngumisi ako sakanya. "Kabit ko po, Tay." Natatawang saad ko akmang lalabas na sya ay agad ko ulit syang pinigilan. "Ito naman hindi mabiro! Si berry yun inaasar ko sya sa Ex nya!" Pag kasabing pag kasabi ko nun ay para syang batang tumingin sa akin.

"Oo nga! Ito naman masyadong seloso." Agad ko syang niyakap hinalikan nya naman ako sa ulo. "Kumain kana ba?" Kunot nuo kung tanong pinaupo ko sya sa couch. Napakunot ang nuo ko nung makita syang hindi makatingin.

"Hoy? Ano ba! Ang sabi ko kumain kaba ba?" Namumula syang tumango kaya napakunot ang nuo ko. "Ano bang nangyar---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nung biglang marealiza ang suot ko.

"Wait lang! Nakalimutan ko palang mag bihis!" Mabilis akong umakyat sa kwarto namin. Juice colored nakaka hiya! Kinuha ko yung isang over size sa aparador ni Margaux. Hindi naman yata masamang mang hiram diba?

Nang makababa ako ay nakita ko si Gab na sinusuri yung bahay namin.  "Hoy balak mong bilhin lupa namin, no? Huwag ka! Hindi namin pinag bibili!" Kunot nuo nya akong tiningnan tumawa lang ako sakanya.

Nakita kung napatingin sya sa t-shirt ko. "Hoy! Anyare sayo?" Taas kilay na saad ko tumingin naman sya ng seryoso sa akin. "Kanino mo na kuha yang over sized?" Tinuro ko yung over sized na suot ko tumango naman sya.

"Regalo yata ng fans nakita ko sa cabinet namin, eh!" Natatawang saad ko tumango lang ito. Napangisi ako sa na isip ko tumabi ako sakanya. "Gab, namiss mo ba ako?" Parang batang saad ko.

Tumango naman ito sabay sandal ng ulo nya sa sofa. "Hm, yeah I miss you so bad." Natatawang saad nya, napangiti naman ako. Yumakap ako sa bewang nya. Akin ka ngayon! Akala mo Gab, hindi ka makakawala sa akin. Grr.

"Talaga miss mo ako? Kiss mo nga ako?" Ngumoso pa ako sakanya habang nag papacute tinaasan nya ako ng kilay. "Dali na ikiss mo na ako." Natatawa syang tumango nagulat ako nung halikan nya ako sa pisnge.

"Take a shower ihahatid kita sa Cavite." Napangiti ako sa sinabi nya. "Talaga? Babalik kapaba sa ibang bansa?" Parang batang tanong ko nakangiti syang umiling.

"No, nandito ang kasayahan ko, eh kaya paano ako makakabalik doon?" Napangiti ako sa sinabi nya. Humalik ako sa pisnge nya at nag paalam na maligo.

Sana makasama ko sya kahit ngayong pasko lang, lord!


****

11:39 pm na mga babies! December 18, 2020 padin! Inaantok na ako! Unting hili nalang hihilik na hahaha! 13 % nalang ako gosh! Gagamitin ko pa ito bukas! Good night sainyo! Muah!

The Pain In 12:51 (12:51 Series #1)Where stories live. Discover now