Chapter 10

776 26 0
                                    

"Usap tayo." Napasinghap ako nung biglang hawakan ni Gab ang palapulsuhan ko. Parang bumalik naman sa realidad yung dalawa nyang kaibigan na sila Jiro at Gerald.

Hinila nya ako palabas ng Elevator at parang wala syang kasamang kaibigan, nilagpasan lang namin yun.

"Hoy Gab! Saan ka pupunta, akala ko ba libre mo?!"

"Tumahimik kanga dyan Jiro kita na nga mag iiscore si baby boy natin! Akalain ko yan! Tumitira patalikod ang baby boy natin Hahaha!"

Napailing nalang ako sa loob ko. Nag padala nalang ako kay Gab. Pumasok kami sa Condo nya. Binitawan nya ako nung makapasok kami sa loob, umopo sya sa isang couch. Tinuro nya naman yung isang couch sa harap nya, kagat labi akong umopo doon.

"Now talk." Napanguso ako dahil parang walang pakialam ang lalaking ito sa sinabi ko. Nahihiya nga ako sakanya samantalang sya parang casual lang. "A-ano kasi may nangyari ba sa atin?" Umiwas pa ako ng tingin nung makitang nakatitig sya sa akin.

Gagie! Bakit ako kinakabahan ng ganto? Feel ko matutunaw ako sa mga titig nya eh.

Nagulat ako nung bigla syang tumawa. Napataas ang kilay ko. "Ask your self." Natatawang saad nya tinuro ko ang sarili ko at kunot nuo syang tiningnan. Tumango tango ito.

T-teka nga! Bakit ko naman tatanungin ang sarili ko kung may nangyari sa amin? Sarili ko ito malamang parehas lang ang sagot na hindi ko alam. Wala nga akong maalala dahil sa kalasingan ko nung gabing yun, eh.

"B-Bakit ko tatanungin ang sarili ko?" Kabadong saad ko biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung dahan dahan syang lumapit sa akin, umopo sya sa tabi ko kaya napa usog ako. Napalunok ako nung mag tama ang paningin namin. Nakangisi sya sa akin na akala mo ay tuwang tuwa dahil na aasar ako sa lapit naming dalawa.

Bakit ba sya nakangisi? Inaasar nya ba talaga ako? Nakakainis sya! Hindi ko na sya crush mahal ko na sya. Char.

Napa usog ulit ako nung lumapit sya. Paatras ako ng paatras nung umousog sya palapit sa akin hanggang sa wala na akong maatrasan. Nasa dulo na ako ng couch, mahaba kasi yung inupuan kung couch yung kaninang inupuan nya ay single lang.

Napalunok ako nung hindi man lang sya kumukurap habang nakatingin sa akin. Napayapos ako sa sarili ko nung bumababa ang tingin nya sa ilong ko hanggang sa pumadpad yun sa labi ko. "G-Gabrielle ano ba talagang nangyari? May nangyari ba talaga sa atin?" Halos pumiyok na ako para masabi ko yun. Lalo nitong nilamit ang mukha nya kaya lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Juiceko hindi na ako makahinga dahil sa sobrang lapit nya baka kapag huminga ako mahalikan ko sya! Pero okey lang naman yun atleast napunta sa crush ko yung first kiss ko!

"Bakit hindi mo alalahanin? Huwag mo na palang alalahanin baka mahiya kapa kapag na alala mo." Sarkastika syang tumawa, sabay tayo. Napataas ang kilay ko sa sinabi nya. Anong huwag alalahanin? Inferness ang ganda talaga ng accent nya kapag nag tatagalog lalo tuloy akong na iinlab sakanya. Char.

Nakangisi syang pumunta sa kusina napanguso naman ako. Gustong gusto nya talagang inaasar ako no? Minsan na iisip ko crush ako ng crush ko yieee! Ikakasal na kami abay ka, char.

Kamot ulo akong sumonod sakanya, lalapit na sana ako pero biglang may na hulog na libro sa ulo ko. Nasanggi ko yung book shelf, na puno ng libro.


Agad na napalingon sa akin si Gab nakita ko kung paano sya lumapit sa akin, mabilis yun at parang wala syang pakialam sa paligid nya kung may mabasag ba sya o ano.


Akmang hahawak sa balikat ko si Gab pero agad akong umatras patalikod, nagulat naman sya sa ginawa nya. Ganon din ako nagulat ako dahil sa mga naalala ko! Tama si Margaux, walang ginawa si Gab sa akin na masama



Dahil ako, ako ang may gagawin sakanyang masama!


Whaaaaaaaaa! Muntik ko nang marape si Gab dahil sa kalasingan ko! Pero ang nakaka gulat napunta sakanya ang first kiss ko! Grabe hindi ako makapaniwala na magagawa ko yun, nakakahiya!



Tama si Mommy dapat hindi na ako uminom, dahil kapag ako ang nalalasing ay hindi lang ako maharot dahil nagiging wild ako sa kama.


Juskoporsanto! Buti si Gab ang kasama ko nun kung hindi good bye bataan! Nawala na ang perlas ng silangan sa kamay ko! Mawawalan na ako ng ipag mamalaki kung sakaling sa lalaking yun ako sumama!


Pero ang issue nahihiya ako! Hindi lang ako nahihiya, hiyang hiya ako. Muntik ko na syang magahasa! Omg! Nakakahiya talaga!


"What happend? Are you----" hindi ko na sya pinatapos. Akmang lalapit rin sya sa akin para hawakan yung nuo kung may sugat pero agad akong lumayo tinaas ko ang dalawa kung kamay at nag sign ng cross sakanya, na akala mo ay demonyo ang kaharap ko.


Nakakunot ang nuo nya habang nakatingin sa akin, takang taka sya kung bakit ako nag kakaganito. Mangiyak ngiyak akong umiwas sakanya dahil sa hiya, hindi ko gustong mag tama ang tingin namin dahil nahihiya talaga ako!'



Makapal ang mukha ko pero kay Gab parang nawala ang mga kalyo ko sa katawan dahil sa hiya. Ikaw panaman umibabaw sakanya at halik--- WHAAAAAA! Wala akong nalalaman inosente ako! Gosh!


"Hey?" Kagat labi akong tumingin sa baba nya. "Pwede ba kalimutan mong mag kakilala tayo?! Isipin mo hindi mo ako kilala? Please! Nakakahiya! Hiyang hiya ako kaya please kapag nag kita tayo mag panggap kang hindi mo ako kilala!"



Mabilis akong tumakbo palabas, sa pangalawang pag kakataon ito nanaman ako nag mamadaling umalis para layuan sya dahil sa kahihiyan na mga pinag gagawa ko.


Lord patawarin nyo po ako sa lahat! Pramis sa uulitin este hindi na po mauulit, kaya po patawarin nyo na po ako! Kahit po lahat ng simbahan ay sisimbahan ko kahit po lahat ng Padre mag papakumpisal ako patawarin nawa ako ninyo.




*****

Mahabang panahon este mahabang araw nanaman ang lilipas para makamit ang keneme na gusto ko HAHAHA.

It's 6:25 pm na po ng December 14,2020! Gosh skl ito mga baby savages ko! Dumating na po yung eye shadow na inorder ko sa Shopee! Grabe ang ganda nya pramis! Worth it yung 200 ko hehe!

The Pain In 12:51 (12:51 Series #1)Where stories live. Discover now