NANG MAKARATING kami sa condo ni Gab ay agad akong nag madaling pumasok sa condo nya. "Ano gab?! Ano yung surprised mo?! Ipapakita mo ba sa akin yung katawan mo? Tapos sasayaw ka ng sexy dance, nice gusto ko yan!" Natatawang saad ko, na wala yung onepepte kung tawa nung samaan nya ako ng tingin.

Napanguso akong umayos ng tayo. "A-ano nang surprise mo?" Parang maiiyak nanaman ako sakanya. Inaaway nya kasi ako, eh! Bumontong hininga ito sabay hawak ng kamay ko. "Let's go." Agad akong napa sunod sakanya dahil hawak nya nga yung kamay ko diba?

Napakagat ako sa ibaba kung labi sa na isip ko. Papunta kasi kami sa kwarto nya habang naka hawak ang kamay namin. "G-gab? Anong gagawin natin sa kwarto? Alam ko namang palagi kitang inaasar pero kung totoohin natin---GRABE MAG HUHUBAD NABA AKO?!" Mukha akong tangang tuwang tuwa sa huli.

Napanguso ako nung samaan ako ng tingin ni Gab. "Sorry naman, ito na nga, eh." Inirapan nya ako. Nang nasa harap na kami ng kwarto nya ay agad syang namula, naka hawak sya sa door knob habang yung mukha nya naman ay pulang pula.

Anyare? Nahihiya ba sya? Anong meron sa loob? Live porn show? Char. Pero bakit nga ba sya namumula? Iniisip nya ba kung paano ang posisyon namin mamaya? Huwag ka! Posisyon kasing matulog! Mamaya baka maisipan nyang nag tabi kami, eh!

Hinampas ko yung braso nya kagaya ng pag hampas ni Bebang sa braso ko. "Hoy anong nangyari sayo? Kinagat kaba ng buboyug na hindi ko namalayan?" Kinakabahan na saad ko sinamaan nya ulit ako ng tingin.

Napanguso nanaman ako. Kaya ako palaging napapanguso para halikan ako ni Gab. Hindi naman masamang mag baka sakali diba? Diba?

"Aish! Here I have a surprise..." nagulat ako nung bigla nyang buksan yung pintuan. Napahawak ako sa bibig ko sa nakita ko. "Sana magustuhan mo." Nahihiyang saad nya.

Dahil sa tuwa ko nung makita ang sandamakmak na manika ay agad ko syang niyakap, hindi ko alam kung ano ang nag sabi sa akin nung bigla ko syang hinalikan. Siguro dahil sobra sobra na ang ginagawa nya, napaka rami nya nang gastos para mapasaya ako

Sabay na nanlaki ang mata namin. Agad akong bumitaw sakanya at napa kamot. "S-sorry na dala lang ako." Nahihiya kung saad. Napakagat pa sya ng ibaba nyang labi sabay tango. Sheet ang awkward na tuloy. "Yeah, I know. I hope you like it." Ngumiti ako ng matamis kahit awkward na.

Mangiyak ngiyak kung niyakap yung mga malalaking teddy bear. Halos buong kwarto ay punong puno ng mga teddy bear. Completo lahat ng character. Merong malalaking stitch, minion, hello kitty, pokaemon (cast), pikachu, we bare bears na mag kakadikit sila, si panpan, pooh, at napaka rami pang iba.

"Akin toh lahat?" Mangiyak ngiyak na saad ko habang isa isang hinahalikan yung mga manika, niyayakap ko pa sila na parang napaka tagal kung kaibigan na hindi ko nakita.

Narinig ko ang pag tawa ni Gab. "Yeah, all of that is yours. Nagustuhan mo ba?" Nakangiti nyang saad. Sunod sunod akong tumango. Nakakainis sya! Paano ko hindi magugustuhan ito? Sa tanang buhay ko hindi ko na isip na may gagawa nito sa akin!

Nung bata ako gusto kung relasyon ay simple lang. Walang endearment o callsign, walang ilabyouhan, hindi gagastos ng malaki at itatabi nalang, pero lahat ng yun ay nasira nung man ligaw sa akin si Gab. Lahat ng paniniwala ko ay na iba.

Parang gusto ko nang sabihin sakanya na kahit hindi pa kami ay gusto kong sabihin na mahal na mahal ko sya. Kahit hindi pa kami gusto kung ipag sigawan sya. Kahit hindi pa kami gusto ko na syang halikan at yakapin ng matagal.

Hindi ko alam pero sa napaka habang araw na mag kasama kami ay gustong gusto ko nang maging opisyal na kami. Siguro ito na yung araw na pwede ko syang ipag sigawan sa buong mundo na ako si Marian Yara Mendoza, nama'y napaka gwapo, matalinong nobyo na handang suportahan lahat ng gusto ko.

Agad akong tumakbo ulit sakanya at yumakap doon ako sunod sunod na umiyak. Hindi ko alam kung saan galing yung luha ko pero naiiyak talaga ako. "G-gab.." halos sa sobrang saya ko hindi ko na masabi ang gusto kung sabihin.

"Shh, why? Tell me? Busted naba ako?" Natatawa nyang saad, pero nandoon parin ang pait. Agad akong bumitaw sakanya nakita ko sa mata nya ang matinding lungkot.

Napataas ang kilay ko. "A-ano bang sinasabi mo? Gusto kung sabihin na gawin na nating official na tayo, wala akong pakialam kung anong sasabihin ng iba, basta ang papakinggan ko lang ay ang puso ko,  papakinggan ko lang ang puso ko na sinisigaw kung gaano ka kamahal. I'm Marian Yara Mendoza, I commit you as my boyfriend, Ace Gabrielle Riego. Sinasagot na kita."

I'm now official in a relationship with Ace Gabrielle Riego. At 8:34 pm of December 18, 2015, we are in a relationship now.

*****

8:36 pm na ng December 18, 2020 HAHAHA! Iniba ko kang yung year Hahaha! Ilang taon kapalang nun? Ako ilang taon palang ba ako nung 2015? Gosh! 9 years old palang pala ako HAHAHA!

Comment down below kung ilang taon kapalang nung 2015!

The Pain In 12:51 (12:51 Series #1)Where stories live. Discover now