Chapter 48: Let's pretend

5.5K 115 34
                                    

"Alam mo kahit sinong pagbigyan mo niyan, magugustuhan dahil alam nilang pinaghirapan mo." Nakangiting sabi ni Summer na may dala dalang isang tray, agad kong tinago sa folder ang hawak hawak ko.


"Hindi naman yun ang ibibigay ko sa kanya eh." nakangiti kong sabi, para mapagtakpan yung nakita niya.


"Tammy, hindi mo na kailangan ilihim sa akin yan dahil kilalang kilala kita, pinag-iisipan mo kung ibibigay mo yan sa nalalapit niyang birthday no?" makahulugang tingin ni Summer sa akin habang umiinom nang iced tea, dahan dahan niyang kinuha ang folder, tinangka ko siyang pigilan pero tinignan lang niya ako at ngumiti kaya wala na akong nagawa.


"Hindi ko kasi alam kung magugustuhan ba niya yan, kasi kung iisipin mo, sa sobrang effort na binigay niya sa akin nung birthday ko, walang wala lang yan."


"Tammy, hindi naman paligsahan yan, kung sino ang pinaka nag effort, ang mahalaga naalala mong birthday niya at saka pinaghirapan mo yan. Pag hindi niya nagustuhan, kakaladkarin kita papunta sa bahay, para dun ka nalang tumira at ilalayo kita sa kanya." Natatawang sabi ni Summer, na nagpagaan nang loob ko.


"Thanks! Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag wala ka dito." Nakangiti kong sabi, totoo naman kung wala siya dito baka malamang nasa korea na ako at inaasikaso ko na ang kasal ko.


Buong araw kong tinapos ang mga paper works at draft na kailangan kong ipasa bago mag foundation day dahil magkakaroon kami nang one week vacation.


Mag gagabi na nang matapos ang lahat, tumayo ako sa aking upuan at nag inat inat pero napatigil ako sa paginat nang makita ko si Vlad na nasa labas at may kausap sa kanyang cellphone. Mukhang interesadong interesado siya sa kinukwento nang kausap niya. Sino kaya kausap niya, malabo namang isa sa mga kaibigan niya at mukhang hindi rin si Cassandra.


Bumaba ako para uminom nang tubig at maghanap nang makakain, sa tagal kong nagkulong sa kwarto ko, hindi ko na napansin ang gutom ko, ang pagkakatanda ko hindi na ako nakapag lunch kahit niyaya ako kanina ni Vlad.


Tamang tama naman nakita ko ang isang platong may nakataklob na plato, tinignan ko iyon, kung hindi ako nagkakamali ito yung pagkain namin kanina na hindi ko kinain. Kumuha ako nang kutsara at tinidor at sinimulan ko nang kainin.


Muntik na akong mabilaukan nang makita ko si Vlad na nasa gilid, nakatingin siya sa akin.


"Kain." Yaya ko sa kanya habang punong puno ang bibig ko nang pagkain, hindi naman obvious na gutom ako.


Hindi siya nagsalita at tumuloy lang siya sa may dirty kitchen,hindi ko alam kung anong ginawa niya dun dahil nakatalikod ako sa kanya.


"Next time you skip meals, hindi na ako magluluto." Sabi niya at nanlaki nalang mata ko nang may ilagay siyang ulam na mukhang kaluluto lang.


"Wow!" hindi ko mapigilan na mag react. Simula nang umalis sina Niko siya na nagluluto para sa amin dahil sa aming dalawa siya lang maasahan sa pagluluto at ako sa pagkain lang.


Napakunot ang nuo ko nang makita siyang umupo at tinitignan lang niya akong kumain.


Love Riot ( Romantic Comedy ) Edit Edit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon