Chapter 46: Picture

6.4K 126 14
                                    

Chapter 46

“What were you thinking!” sigaw ni Vlad habang sina Niko and friends ay naka upo sa sofa, na parang ma-among bata na pinapagalitan ng kanilang ama.

“Hindi niyo ba naisip na meron tayong kasama ditong babae, hindi niyo ba naisip kung anong iisipin niya pag nakita kayong ganyan.”naiiritang sabi ni Vlad habang si Tammy ay patuloy parin sa paghikbi.

“Sorry.” Sabay sabay na sabi nila habang nakatingin kay Tammy.

“Sorry bff! Sorry Tammy! Ilang buwan na kasi akong hindi nakaka……..” tumingin muna it okay Tammy at nag dalawang isip kung sasabihin ba niya iyon. “ Alam mo na yun bff, lalaki ka, sana naman naiintindihan mo ako.” Bulong na sabi ni Vlad.

“Paano ka maiintindihan niyan eh, hindi naman siya katulad mo na araw shoot ng shoot.” Bulong naman ni Drake habang pasimpleng tumitingin kay Vlad.

“ I-explain mo kasi para maintindihan ka niya.” Bulong naman ni Gio.

“ Kasi ganito yan bff, kung sa isang basketball player, pag matagal ka ng hindi na nakakapag shoot, pwede kang pumalya, kaya kailangan mo mag practice kung araw araw nga eh, mas maganda. Katulad rin yan sa akin, kailangan ko mag shoot lagi lagi, para hindi pumalya, paano nalang yung bawat babae na napapaligaya ko kada shoot ko diba? Ayaw ko naman silang ma disappoint.” May double meaning na paliwanag ni henyong Niko.

Bigla naman tumawa ang mga classmate ni Niko sa pag shoshoot na sina Drake at Gio. Mukhang na gets naman iyon ni Vlad kaya pinagbabatukan niya ang mga ito lalo na si Niko, na parang clueless sa nagawa niya.

“Mag impake kayo.” Simpleng sabi ni Vlad na kinagulat nilang tatlo.

“Vlad..Bff…?” sabay sabay na sabi nila.

“I will give you 30 minutes to pack your things.” Seryosong sabi ni Vlad.

“Vlad…. Wag mo naman kaming ganitohin, wala kaming matutuluyan.” Nagmamakaawang sabi ni Drake

“Bro, hindi naman kami nag uwi ng babae dito eh, si Niko lang bakit damay kami.” Sabi naman ni Gio at bigla naman siyang siniko ni Niko.

“Walang hiya ka, sino ba driver ka gabi diba ikaw naman.” Bulong naman ni Niko.

“Bff, kung yan ang gusto mo, cge aalis kami pero…..” nagulat sila sa sinabi ni Niko. “ Pero isasama namin itong si Elmo.” Sabay hila kay Elmo.

“Bakit ako nasama diyan, nanahimik ako dito, ayaw ko sumama sa inyo.” Sabi naman ni Elmo pero wala na itong nagawa dahil hila hila siya ni Niko.

“Wag ka na ma-ingay, diba nag sumpaan tayo na hanggang sa kamatayan magkasama tayo.” Sabi ni Niko habang hila hila niya si Elmo paakyat sa kanilang kwarto.

“Kelan ko sinabi yun?” ayun nalang at wala na narinig sina Tammy at Vlad dahil kinulong na nina Niko si Elmo sa kwarto.

Love Riot ( Romantic Comedy ) Edit Edit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon