Chapter 25: ~~~~~Wild Maria Clara ~~~~

19.4K 179 37
                                    

Author's note: 

Dinededicate ko itong chapter na ito kay Justin Vargas dahil nag papa dedicate siya at para daw mainggit ung mga friendship niya wahahahah!... At  kay Lyka Haylar na friend niya na baliw na baliw rin kay Top aka Niko hahahahah!! 

......................................................................................................................................................................

Nang maka- alis na si Vlad at mapatapos naman kami sa pagkain ng mangga na binili ni Niko ay sinimulan ko naman mag imbistiga, kung sino ba talaga si Cassandra sa buhay ng mag bestfriend na si Vlad at Niko. Kung bakit ganun nalang ka concern si Vlad sa babaeng un at anong relasyon ang meron sa kanila ni Niko, bakit ayaw nila ipaalam kay Vlad ang tungkol sa kanila. 

Kaya ngayon napag pasyahan kong mag tanong sa pinaka matinong kausap sa kanilang lima na si Elmo na busying busy naman sa pag huhugas ng mga pinagkainan namin kanina, na dapat ay ang gumagawa ay sina Drake at Gio pero sadyang pinanganak na wais ang dalawa kaya nakaisip sila agad ng paraan kung paano matatakasan ang pag huhugas. Ang sabi ni Drake meron daw silang shooting ngayon at si Gio naman ay may rehearsal, pero sino lolokohin nila eh alam naman namin lahat kung saan sila pupunta eh, syempre sa bar para i enjoy ang pag kalalaki nila. 

Nag tataka siguro kayo kung bakit di nila kasama ang kanilang pinuno sa kalokohan na si Niko, kasi busying busy ito sa panunuod ng kanyang paboritong drama tuwing gabi ang " WALANG HANGGAN" dahil ayon sa kanya bukod daw sa maganda ang kwento eh inaabangan niya talaga dun ang kamukha ng kanyang one true love. ( hulaan niyo kung sino ung kamukha ng one true love niya) 

" Ate Tam,  paki abot nga ung mga platito, para maisabay ko na dito" sabi ni Elmo habang tinituro ang mga platito na nasa tabi ko. 

Habang inaabot ko ung mga platito

" Elmo, may itatanong ako sayo."  

" Ano yun ate Tam?" tanong niya sa akin habang sinisimulan niya nang sabunin ang mga platito na inaabot ko sa kanya. 

" Kilala mo ba ung Cassandra na laging kausap ni Vlad sa cellphone niya?" 

" Uhmmm Hindi eh, bakit mo naitanong?" 

"Kasi napapansin ko tuwing kausap niya ung babaeng yun para bang na iiba ung expression sa mukha niya, ung para bang nag aalala at di mo rin ba napapansin na pag katapos na pag katapos niyang kausapin ung babaeng un, lagi siyang umaalis at panigurado na dun siya pumupunta. Sa tingin mo girlfriend niya kaya yun?" 

" Oo napapansin ko rin yan, pero di ko masasagot yang tanong mo, kung girlfriend niya ba yun kasi alam mo naman kung gaano ka tahimik si Vlad at sobrang masekretong tao, pero kung gusto mo malaman isa lang ang naiisip kong taong makakasagot niyan." sabi ni Elmo sabay nguso sa may sala. 

Eto na nga ba ang sinasabi ko eh, alam ko naman simula't sapol na, sa kanya parin ako babagsak ko eh. Ang pinaka walang kwentang kausap sa kanilang lima na si Niko.

huhuhuhuh Y_Y 

Isang malaking goodluck sa akin. 

AJA FIGHTING!!!! 

Habang dahan dahan akong papunta sa may sala, nakita ko agad si Niko na seryosong seryoso sa panunuod ng t.v at titig na titig sa screen. 

Love Riot ( Romantic Comedy ) Edit Edit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon