Chapter 51:Respect

3.7K 111 26
                                    

Nandito na ako sa loob ng kwarto, kung saan kami matutulog ni Vlad. Kakatapos ko lang maligo pero bakit ganito pakiramdam kong ang init, lalo na nung pumasok ako dito, kinuha ko ang electric fan at tinapat sa mukha ko, kaya naginhawaan ako.

Ginala ko ang mata ko sa kabuuan ng kwartong ito, maliit lang siya at halatang bihira lang itong magamit dahil sa konti lang ang gamit na nandito, pero nadako ang tingin ko sa kama, parang may mali kaya agad ko itong nilapitan. Sinubukan kong humiga at gumulong gulo, nang bigla akong nahulog, sandali akong natulala bago ulit na tauhan.

"Bakit maliit ang kama?" tanong ko sa sarili ko, alam kaya nina Nay Rita na dalawa matutulog dito, bakit ganito? Bakit hinayaan nila kaming matulog sa ganitong kama?

Kasing laki ng hospital bed ang kamang ito, kung tutuosin kasya kaming dalawa, pero kailangan namin magdikit para lang walang mahulog sa aming dalawa. Iniisip ko palang kanina na magkatabi kami ni Vlad sa iisang kama, para na akong hindi makahinga sa sobrang kaba, paano pa kayang itong ganito, ano ba itong napasok ko.

Napatingin ako sa doorknob ng maramdaman kong papasok.

"Anong ginagawa mo diyan sa ilalim ng kama?" narinig kong tanong sa akin ni Vlad, sinubukan ko kasing magtago sa ilalim ng kama, pero huli na ang lahat.

Lumabas ako sa pagkakatago ko at nginitian ko siya.

"Kinuha ko lang yung hikaw ko, nahulog." Sabi ko pero mukhang hindi siya naniwala sa sinabi ko base sa tingin niya sa akin, nakakunot ang nuo nito na parang naweweirduhan sa akin. Narinig ko ang pagsara ng pintuan.

"Bakit mo sinara?!" tanong ko sa kanya habang nanlalaki ang mata ko, na para bang napakalaki ng kasalanan na nagawa niya sa pagsara ng pintuan.

"Bakit hindi?" balik na tanong niya sa akin, umupo ito sa kabilang dulo ng kama para ipagpatuloy ang pagpapatuyo ng kanyang buhok.

Oo nga naman, anong masama sa pagsara ng pintuan, bakit ba kasi ako nagkakaganito, dati naman hindi naman ako ganito. Siguro ititigil ko na ang pagsasama kayna Niko at Cassandra, masyado na yata nilang nalalason itong utak ko sa mga kabalustugan na tinuturo nila sa akin, kaya hindi ko tuloy maiwasan na magbigay ng ibang kahulugan sa mga bagay na hindi dapat.

Nginitian ko nalang siya, para mabawi ang pagkakapahiya ko.

"Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin ng makita niya akong palabas.

"Iinom lang ako, sige tulog ka na." sabi ko at agad akong lumabas.

Napabuntong hininga ako pagkasara ko ng pintuan at para ba akong hinahabol ng hininga, madilim na buong bahay, nakapatay na lahat ng ilaw, mukhang tulog na sila. Dumiretso ako             sa kusina para uminom ng tubig dahil kanina pa ako nauuhaw, para ba akong pagod na pagod kahit wala naman akong ginawa.

Binuksan ko ang ref para kumuha ng maiinom pero napatingin ako sa main door ng bigla itong bumukas, kakadating lang ni Stacy, tinignan niya ako ng masama kaya tinaas ko ang basong hawak hawak ko.

Love Riot ( Romantic Comedy ) Edit Edit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon